Chapter 1: Mamatay na nakaimbento sa LOVE! *edited*

2.2K 39 9
                                    

Last 5 minutes na lang.

Sh*t ano ba tong kalaban namin ang dudugas kung maglaro!

“Coach papasukin mo na kasi ako! Amps naman ohh!” pangungulit ko dito sa coach namin. Hindi ko nga alam kung ano pumasok sa kokote niya at binangko niya ko rito.

Nakita kong napakunot yung noo niya at mukhang pinagiisipan pa  niya kung papaglaruin niya ako ulit o hindi. Nakanang naman kanina pa ko kating kati ilampaso tong mga bakulaw na to ihh. Akala mo kung sino. Mga mandaraya naman.

“Coach ano na!” sigaw ko sa kanya. Naman ang tagal mag-isip! Tambak kami ng sampung puntos ohh!

“Tumahimik ka nga! Nag-iisip ako!” nagulat naman ako dun. Sigawan ba naman ako? Naman! Hindi ko rin siya masisisi nakakatense din naman talaga tong laro. Sh*t lang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko!

“Coach naman kasi!” nasabi ko na lang saka napasabunot sa buhok ko. Hindi ko na kaya. Tumayo na ako at tinanggal yung bimpong nakalaylay sa leeg ko.

Pero saktong pagtayo ko pinigilan niya na agad ako at siya na mismo ang pumunta sa mesa para tumawag ng

“Prrrrt! Time out! Red Harper”

Takbuhan naman yung mga teammates ko sa pwesto namin sa court. Lahat sila pawis na masyado at pagod na. Sinabi kasing ipasok na ko ang kulit talaga ng batok nitong si Coach! Tsk.

“Coach h-hirap na kami s-sa pagbabantay sa kanila ipasok niyo na k-kasi si Ronnie!” hingal na sabi nung pointguard namin na si Red habang nakahawak na sa tuhod niya.

“Kaya nga coach. Papasukin niyo na siya!” sabay sabay na sabi nilang lahat.

Papasukin mo na kasi ako.. Papasukin mo na ako.. Napatingin na naman ako sa timer at 3 minutes na lang pala ang natitira. Hindi na naman ako mapakali! Buset!

“Ken, magpahinga ka muna. Papalitan ka ni Ronnie” nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni coach at hindi ko namanlayan lahat kami dito nagsisigawan na. Alam na!

Humanda kayo Rocket Knives, oh you’re going down!

Nagwarm up lang ako sandali tutal may time pa mula sa time out kanina.

“Go! Go! Go! Red Harpers!” sabay sabay naming nacheer at pati yung mga manonood nakicheer na rin sa amin.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon