Isang Kwento. Tungkol sa Isang Crush. [Tagalog. Unfinished.]

5.5K 15 10
  • Dedicated kay Bestestbestest Friends and YNORI. :))
                                    

Ang kwentong ito ay para sa lahat ng mga kaibigan ko: Ajen, Mala, Mariku, Mommy (Celine), Chelsea, Ayne, Jean, Quincy, Nenen, Audrey, Ashley, Rita, Kinah, Pote, Kristen, Hannah, Rodee at pati si Morony. Kasi, sila rin, may mga crush, tao o anime, na nagiging inspirasyon sa maliit na oras ng buhay nila at gabay sa kanilang pagkapanalo. Sa iba na binaggit ko na wala pang crush, magsisilbing gabay ito para sa inyo sa pagpili ng crush niyo.

        Sa lahat ng mambabasa, sana magustuhan niyo itong libro na ginawa namin. At mag-enjoy lang kayo sa pagbasa nito!~

Love lots, Jana and Delaine. J

 

 Panimula

         Ako si Mikaela: isang simpleng tao na may normal na buhay. Nag-aaral sa UPRHS. Dating I-Tindalo; ngayo’y II-Katmon.

         Mukha akong ‘nerd’ o matalino. Matalino naman daw dahil naka-#20 ako sa Honor Roll noong freshman ako. Halimaw din daw ngayon dahil sa matataas na marka sa Soc. Stud. at AST. Mahilig ako lumangoy. Masarap kasi eh; nawawala ang mga problema ko. Sintunadong kumanta at may galaw daw. Nag-awdisyon sa Glee Club at Dance Troupe ngunit hindi nakapasa.

        Simple lang din ang mga pangarap ko: maging isang atleta sa swimming o isang manunulat o isang doktor o isang ‘fashion designer’ (hindi ako makapili eh) at makatapos ng pag-aaral. Para makamit ang mga pangarap na ito kailangan din natin ng bawat isa ng inspirasyon, bukod pa sa kaibigan at pamilya, at iyon ay isang crush…

Unang Kabanata

        “And I can’t fight this feeling anymore, I’ve forgotten what I’ve started fighting for, It’s time to bring that ship into the shore…”

        At iyan ang kantang nagpapaalala sa akin kung paano ko siya naging crush. Sobrang cute niya at ang gwapo gwapo niya pa habang kumekembot kasabay ang kantang ito.

       Hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili sa kaiisip sa kanya dahil sa sobrang cute niya habang ginagawa niya iyon. Alam mo naman ako, madali akong macutean sa isang simpleng bagay. Hay. Hindi ako makaget-over.

      Natapos na rin ang klase at nagsi-uwian na ang lahat. Pagdating ko sa bahay…Biology nanaman! Naku—kailangan ko magbasa tungkol sa lesson naming para bukas! Napagalitan kasi kami ni Ma’am Garcia dahil walang sumasagot sa mga tanong niya habang discussion. Magbasa na nga ako. Hay! Walang pumapasok sa utak ko! Di pa nasa absorb-mode ang utak ko! Sobrang cute niya naman kasi at hindi ko siya maialis sa aking isipan. “And I can’t…” , laging ganoon ang laman ng isip ko. Grabe. Bahala na nga. Basta nagbasa ako, di naman sinabi na intindihin.

    Pagpasok ko sa paaralan, siya ang una kong nakita. May psychological ba ako na sakit? At bakit ko rin pinapahalagahan ang ganitong kaliit na bagay. Palagi siya ang aking nakikita. Papaano? Hindi ko alam.

      Biology ang una naming klase. Hindi ako nakikinig sa kaiisip sa sa kanya. Kay unti lamang ang pumapasok sa isip ko. Nanaman? Ugh. Bahala na si Batman. Peron aka-9/10 ako sa quiz. Paano nangyari? Hindi ko alam. Wahahahaha! Swerte ko rin ‘no? Dahil sa kanya o kay Batman? Hmm...

      Teka, ang tanong: Crush ko na ba siya o hindi?

[Hope you enjoyed! Ipopost ko ang mga susunod soon.]

    

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Kwento. Tungkol sa Isang Crush.  [Tagalog. Unfinished.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon