First Horror Story!
_________________________________________________
"Tay, sa'n ka pupunta??", tanong ng anak kong si Sam. Aalis ako papuntang Furniture Shop, bibili sana 'ko ng cabinet para sa'kin, nasira kasi yung isa kong cabinet.
Ako nga pala si Rome Jake Sabuengga, 24 years old at nagtatrabaho.....
"Nak, aalis lang akong sandali. Don't worry, nandyan naman si yaya--Yaya, kunin mo na 'to aalis na 'ko", sabi ko.
Lumabas ako at pumunta sa garahe at nagsimula na 'kong bumyahe papunta sa Furniture Shop sa pinagkakatiwalaan ko.Ang SF Shop.
*AFTER 30 MINUTES*
Nandito na 'ko sa shop at nilapitan ko ang isang cabinet na nakita ko. Ka'y ganda ng disenyo at mukha bagong-bago kahit may nakalagay na '2nd-Hand'. Sabi ko sa inyo, napagkakatiwalaan ang shop na ito pagdating sa kanilang mga disenyo.
Lumapit sa'kin ang isang lalaki, siya ata ang magpepresinta sa'kin ng produktong tinitingnan ko,"Sir, bilhin niyo na po 'yan, mukha bago kahit 2nd-Hand na. Napakatibay nito Sir, at galing pa mula Europa.", sabi sa'kin nito. Mas lalo tuloy akong na-engganyong bumili.
"Ee, magkano naman po ang halaga nito?", pagtatanong ko.
"Sa halagang P500 lang Sir, mapapasainyo na po itong cabinet na ito", ngumiti siya. Sa murang halaga, mapapasakin na itong cabinet kaya binili ko na.
"O eto", sabay bigay ng isang libo kong pera.
Pumunta siya sa Money-Keeper para kunan ako ng sukli.
"Heto na po, salamat po sa pagbili! (^__^)", sabi pa niya.
"Salamat din! Aaa, pkitulungan mo naman akong buhatin 'tong cabinet oh! Ilalagay lang sa kotse ko!", sabi ko.
"No problem Sir!", salamat at pumayag naman siya.
Pinagtulungan naming ilagay yung cabinet sa likod ng kotse ko,"Salamat boy!", pagpapasalamat ko,"Thank you ulit sir!"
Pumasok akong muli sa kotse at bumyahe.
Pagpasok ko sa kotse, naamoy ko ang kakaibang amoy. Ang kaniyang amoy ay parang amoy ng isang bangkay. Kinilabutan ako at bahagyang tumayo ang mga balahibo ko. Ngunit, ito'y pinabayaan ko na lamang.Sabi ko sa isip ko,"air freshner lang siguro yu'n"
Bahagyang nawala ang masang-sang na amoy dahil kani-kanina lang ay tinapat ko ang car freshner sa aircon kaya't mabango na ang amoy.
Ilang saglit lamang, may narinig akong isang bumubulong sa bandang likod ng aking sasakyan,"Tu----tulo-----", muli akong kinalabutan nung panahong iyon ngunit mas malala ang nararamdaman ko kaysa kanina.
"Mabuksan nga ang Radio", at binuksan ko ito. Paraan na rin upang hindi ko marinig ang bulong. Inilagay ko ito sa Pinakamalakas na Volume.
Nang unti-unti itong nawala, unti-unti ko ring hininaan ang radio hanggang sa tuluyan ko na itong pinatay. Komportable na ang pakiramdam ko ng may biglang kumalabog,"Boggssh--Boggssh--Boggssh", tumayo na ang balahibo ko at pawang maglalakad na para maka-alis sa aking balat. Napahinto ako sa isang kanto at napatapat sa isang Sari-sari Store. Bumili muna 'ko ng pagkain upang malibang. Pagbalik ko, nawala na ang kalabog na aking naririnig.
Nang makarating ako sa bahay, sinalubong ako ng aking mga anak,"Daddy, where have you been?? We've miss you!*kiss*", napakasweet ng aking anak na si Gabby, bunso kong anak. Hinalikan ko rin siya sa kaniyang noo.
"Daddy, we played doll house!", sabi ng anak kong si Sam.
"Very good! Wait....nag-behave lang ba kayo??"sabi ko.