Scarlett's POV
“Victoria Jimenez.”
Tawag ni Sir Quinn.
Wala namang sumagot kaya't nilagpasan nito.“Absent si Victoria? Why sudden?”
“Top 1 pa naman siya ng klase. Sayang kung hindi siya pumapasok.”
“Ano ba!? Kabarkada niya sina Demi. Malamang impluensya na ng Demi na yun.”
Rinig kung bulungan sa likod. Well,transferee naman kasi ako kaya't hindi ko alam kung ano talaga si Victoria. Pero ang sabi nila matalino talaga ito.
Sa kabilang dako, nag patuloy na magdiscuss si Sir Quinn. Napansin ko ang matatalim na tingin Ni Demi sa akin kaya't umiwas ako rito at nakinig nalang sa discussion.
Natapos na ang buong klase ngayong umaga. Pakiramdam ko bumibilis ang oras sa di mo inaasahan. Lumabas kami nina Cassie at Gideon papuntang cafeteria.
Hinatak namin ang hallway. Medyo maraming estudyante ang nakatambay sa hallway. Kaya't tuwing nadadaanan mo sila, pakiramdam mo nakamasid ang mga ito sayo. Sa paglalakad ko. Napansin ko ang isang babaeng nakatayo sa tapat ng isang room. Nakatulala lang ito at parang malayo ang iniisip ng napagtanto kong ito si Grace. Isa sa mga kaklase ko noon sa other school. Siguro'y lumipat rin ito katulad ko.“Grace!”
Tawag ko rito. Agad naman itong lumingon at lumapit sa amin nina Carrie.“Hello,Scarlett, hindi ko alam na lumipat ka rin pala dito.”
Sagot nito ng may says ngunit may kalungkutan sa mata.“Parehas tayo. Hindi mo man lang sinabing lumipat ka rin. Tara,sabay ka sa amin ni Carrie kakain kami sa cafeteria. ”
Pagyayaya ko rito.
Pumayag naman ito at sumama sa amin.Nakarating na kami sa cafeteria at nag-order ng pagkain. Kumain na kaming tatlo . Si Carrie ang nasa tabi ko habang harap ko naman si Grace.
“Bakit ka nanginginig ?”
Tanong ko kay Grace. Napansin ko kasi ang pagtingin nito sa malayo,pinagpapawisan at nanginginig ang kamay habang sinusubo ang laman sa kutsara nito.“W-wala. Wala lang 'to.”
Pagkatapos naming kumain. Umupo muna kami nina Carrie upang magpahinga. Nagpaalam narin si Grace at umalis na.
“Bakit wala si Gideon ngayon?”
Tanong ni Carrie.“Baka umuwi siya. Sabi niya kasi sa akin kanina may nakalimutan siya sa bahay nila.Ahmm..si...Haron?”
“Andun sa laboratory lab may tinatapos na investigatory project. ”
Halos apat na kaming magkakasama. Sanay na akong kasama si Gideon at Haron. Masaya silang kasama. Pero minsan,nag-aaway sila. Si Gideon kasi masyadong masalita. Habang si Haron pasikreto.
*ringgg*
Nagring ang bell ng buong campus.“12:16? Nagring na? Ang aga naman ata?” pagtatanong ko kay Carrie.
Bigla namang nawalan ng kuryente sa cafeteria. Anong nangyayari?
“Ahhhh!”
Sigaw ng isang babae nasa labas.Agad naman kaming lumabas ni Carrie sa loob ng cafeteria.
Nasabat namin si Gideon na gulat na gulat.
BINABASA MO ANG
The Art Of Killing ( On Hold)
HorrorKilling is the name of the game. Survival is a claim to every. But killing is not a choice to survive. Killing is an art to terminate your life. But which shows its art? Dying or Surviving? A story on which mystery, horror and secrets are told.