One-Shot Story

12 2 0
                                    


Ana's POV

Sabi na nga ba. Lahat ng mga pangako, napapako. Dapat hindi ako agad naniniwala sa mga taong nangangako. Kahit na, iyong taong yun, siya pa ang pinakapinagkakatiwalaan mo.

Nandito ako ngayon sa lamay ng aking kaibigan na si Rey. Ang bata pa niya para mamatay. He's just fucking 17 years old and dead. Bakit? Dahil sa akin.

Oo. Dahil sa akin. Pero grabe, akala ko ba walang iwanan Rey? Paano nalang yung mga goals natin after graduation? First year pa nga lang tayo sa college tapos nang-iwan ka na agad. Nakakainis ka. Mang-iiwan ka Rey. Pero, mas nakakainis ako. Mas nakakainis ako! Kasi kasalanan ko naman lahat ng to. Kung hindi dahil sa akin, edi sana buhay ka pa Rey.

Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari kasi totoo naman. Ako ang may kasalanan. Niyaya ako ng kaibigan ko noong elementary para magmall. Sinundo ako ni Kesz at nadaanan pa namin ang bahay nila Rey. 

"May problema ba?" tanong sa akin ni Kesz

"Huh? Wala. Sige tuloy mo lang pagdrive.'' sagot ko. 

Kesz is already 19 years old. Tumigil siya ng pag-aaral dahil pumunta ang pamilya nila sa America at bumalik dito pagkatapos ng 2 taon kaya naman ngayon na 17 years old na ako, siya naman ay 19 at marunong ng magmaneho. At syempre, may lisensya sya. 

Sa totoo lang, iniisip ko kung yayayain ko ba si Rey. Pero, minsan lang naman kami magkasama ni Kesz. Kahit yung araw lang na ito, maibigay ko sa kanya. 

Natigil ako sa pagbabalik tanaw ng nangyari kahapon nang kinausap ako ni Kesz.

"Condolence Ana."

"Sa susunod na magmall tayo, sama natin si Rey."

Malungkot lang ang mukha ni Kesz, ang sama ko naman. Parang pinamumukha kong siya ang may kasalanan. Na kung sana hindi niya ako niyaya, edi sana kami magkasama ni Rey. Edi sana, hindi niya napagtripan yung lubid sa school at hindi siya nagmala-Tarzan. Grabeee, sobrang nakakaiyak na.

Naalala ko nung umuwi ako kagabi.

"Oh my god! Nasaan na ba si Ana? Bakit hindi pa siya umuuwi? Posible kayang tama ang mga pulis? Dapat pinigilan ko siya kaninang nagpaalam siya sa akin." boses yan ng mama ko

"Huwag kang mag-isip ng ganyan mahal." sabi ni papa

Hindi ko alam anong nangyayari pero pagkapasok ko sa bahay, agad akong niyakap ng mama ko.

"Ma, anong meron? Bakit ka umiiyak?"

Hindi ako sinagot ng mama ko at nanatiling tahimik naman ang 3 kong kapatid. Tinignan ko si papa.

"Pa, anong meron? Anong nangyari? Bakit ang lungkot niyo?"

"Akala namin patay ka na." sabi ng ate ko

"Stop Kate." suway ng papa kay ate

"Hah? naguguluhan ako. Anong stop pa? Diba ma nagpaalam ako na magmamall kami ni Kesz?"

"Ana,  si Rey, wala na." sabi ni papa

"Anong wala na?!" 

"Pumunta siya kanina sa school niyo. Yung lubid sa puno naputol. Sabi ng mga pulis, natamaan ang ulo niya na naging dahilan para dumugo ito. Lubos na nagkulangan sya ng dugo. Dead on arrival si Rey. Patay na siya Ana."

"Anong patay na?! Pinagloloko niyo naman ako eh."

Agad akong tumakbo papunta sa bahay nila Rey. 4 na streets ang tinakbo ko at nakita ko agad ang mga sasakyan ng mga pulis. 

"La, excuse po, ano pong meron?" tanong ko kay lola na taga dito sa street na to

"Wala na raw si Rey iha. Nawa'y gabayan siya ng Maykapal sa langit. Kay bait na bata pa naman ni Rey." sagot ni Lola

"Ah ganon po ba? sige po. Mauna na ako." malungkot kong tugon kay lola

Hindi ito maaari. 

Ngayon na nasa lamay ako ni Rey,  hinihiling ko na sana, panaginip lang ito. Masyadong mabilis yung mga pangyayari to the point na dinaig pa si Flash.

Iyak lang ako ng iyak habang nasa tabi ko si Kesz. 

"Kumain ka na ba?" tanong ni Kesz gamit ang mahinang boses

Tanging iling lang ang ginawa ko. Wala akong lakas para magsalita pa.

"Ana, baka magkasakit ka. Kahit konting subo lang para magkaroon ka naman ng lakas.

Hindi ko siya pinansin at kinuha na lamang ang panyo sa aking bulsa. Pinunasan ko ang mga luhang hindi tumitigil sa pagpatak mula sa pasaway kong mga mata. 

Matapos ang ilang oras kong pag-iyak, nasa tabi ko pa rin si Kesz at nakapikit na ang mga mata. Marahil pagod na ito.

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at dumiretso sa kusina. Wala sa sarili akong kumuha ng baso at nilagyan ko ng tubig ito. Hindi ko agad namalayang hindi pala baso ang aking nakuha kundi plato kaya naman nabuhusan ng tubig ang pantalon ko. 

"Kapalpakan na naman Ana." inis na sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang mop at nilinis na ang sahig na nalagyan ng tubig dahil sa katangahan ko. Nang tapos na ako, kumuha na ako ng baso atsaka uminom. Kumain na rin ako dahil nararamdaman kong babagsak na ang katawan ko. 

Pabalik na ako sa labas ng bahay nila Kesz ng hindi sinasadyang natamaan ko pala ng babasagin na basong ginamit ko. Sumakit ang dibdib ko at nang-init ang katawan ko. 

Agad-agad kong kinuha ang walis at dustpan. Pumatak na naman ang mga luha mula sa aking mga mata. Habang nililinis ko ang basag na baso, naisip kong hindi ko na ito maibabalik sa tama nitong posisyon. Na kahit anong gawin kong pagdikit sa mga pirasong maliliit na basag na ito, hindi ko na ito maibabalik sa dati lalo na mayroon pa ring mga maliliit na mga piraso na marahil hindi ko nawalis dahil hindi na ito naabutan ng walis sa sobrang liit. Kung naabutan man ng walis ang mga pirasong ito, hindi ko pa rin maibabalik sa dati ang basong nabasag ko.

Itong baso, kung hindi ko sana ginamit, edi sana buo pa siya. Sana hindi siya nabasag. Sana walang nasaktan. Kung niyaya ko si Rey, edi sana buhay pa siya, edi sana pareho kaming masaya sa mall kahapon. Sana nag-uusap kami ngayon. Putragis naman. Puro nalang ako sana!

Sising sisi ako sa mga nagawa ko. Totoo nga yung sinasabi nilang, nasa huli ang pagsisisi.

Kahit kailan, anuman ang gawin ko, hindi ko na maibabalik ang buhay ni Rey. Hindi na. Hindi ko na makikitang buo yung basong binasag ko. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Sobra.

Sana Rey, kung nasaan ka man, mapatawad mo pa ako. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Araw-araw na tayong magkasama kaya pinili kong hindi na muna tayo magkasama kahapon. Kung alam ko lang talaga, edi sana sinama na lang kita.  

"Pasensya na Rey. Patawad."

-Wakas-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PagsisisiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon