"Nandito na tayo, bal." Gising saakin ni Margaux.
Dumilat ako at nakita kong nandito na nga kami.
Tinanggal ko ang seatbelt at tinulungan si Margaux na kunin ang mga ibang gamit namin sa compartment.
Bumaba na kami ng eroplano at kinuha na din ang iba pang gamit sa baggage counter. Pagkatapos ay naglakad na kami palabas.
"So saan tayo dederetso?" Tanong ko sakaniya.
"Kila Grandma muna. Diba ayun ang sabi ni Mommy? Doon daw muna tayo dumiretso."
Tumango ako sakaniya at tuluyan na kaming nakalabas.
"Kayo po ba si Miss Margaux at Mary Kate Fortalejo?" Lapit saamin ng isang lalaki na nakapangdriver uniform.
Tumaas ang kilay ko habang si Margaux ay tumango.
"Opo, kami po 'yun. Bakit po?" Tanong niya.
"Pinapasundo po kayo sakin ni Senyora. Ako na po magtutulak, mam." Sabi niya saakin pero umiling ako.
Ohh, so pinasundo pala kami ni Grandma. "Sige po. Thank you po." Sabi ko sakaniya.
"Tsaka Manong, 'wag kana po mag-po samin." Sabi ni Margaux.
"Ho? Eh baka po--"
"'Wag niyo pong alalahanin si Grandma. Kami na po bahala sakaniya." Sabi ko at ngumiti sakaniya.
"Salamat, kambal." Sabi niya saamin kaya tumango ako at hindi inalis ang ngiti sa labi ko.
Naglakad na kami patungo sa sasakyan habang si Manong ay nauna para malagay ang mga gamit namin sa compartment. Sumakay na kami at hinintay si Manong na makapasok sa loob.
"Nasan na sila?" Tanong ko kay Margaux at tinignan siya.
Busy siya sa pagc-cellphone niya. Siguro ay katext na ang mga 'yun.
"Kanina pa sila nakarating. Kanina pa din daw sila nasa bahay nila."
"Kailan ba tayo mage-enroll?"
Sinulyapan niya ako saglit. "Bukas? Kasi next week na ang umpisa ng klase."
Tumango ako sakaniya at sinaksak ang earphone sa tenga ko bago ipilig ang ulo ko sa bintana.
Nakita ko na lang na umaandar na ang sasakyan. Hindi ko inalis ang tingin ko sa labas.
Masayang pamilya, mga couple, mga bata, sasakyan, mga stalls at iba pa ang nadadaanan namin.
Ganun pa din naman kahit nung umalis kami. Ang pinagkaiba lang ay marami na ngayong tinayong buildings. Halos building na nga lang ang nakikita ko.
Ilang minuto din ang naging byahe namin nang kumaliwa kami upang pumasok sa isang village. Umayos ako ng upo at pinasadahang muli ang mga bahay na nadadaanan namin.
Oh, how I missed this place!
Nang huminto ang sasakyan ay tinanggal ko na ang earphones ko. Narinig ko na lang ang kalabog ng pintuan sa kabilang side ko at nakita ko si Margaux na tumatakbo patungo kay Grandma na kakalabas lang ng gate.
"Grandma!" Rinig kong sigaw ni Margaux pagkalabas ko.
Agad siyang niyakap ni Grandma nang nakangiti.
"My Margaux!" Tuwang tuwa na sabi ni Grandma pagkatapos nilang magyakapan.
"How about me, Grandma?" Tanong ko pagkalapit ko.
"My Kate!" Sabi ni Grandma at niyakap din ako.
Tumatawa ako habang niyayakap ko siya. I missed Grandma so much!
BINABASA MO ANG
And they meet again ❤
БоевикChildhood friends comes to be their best enemy. What will happen? Uunahin ba nila ang pagkakaibigan nila? O papairalin nila ang bad sides nila para lang sa kung anong meron sila? Find out. :)