Angela's POV
Nagsimula akong maglakad Papasok sa loob ng room namin. Napatingin ako sa mga dekorasyon sa loob ng classroom namin.
Hearts?
Psh. Valentines day nga pala.
"Happy Valentines Day." Napatingin ako sa likod. Si Ace. Napangiti ako bigla. Inabutan niya ko ng isang rosas. Red rose. Ibig sabihin nun ay love ata. Alam niya kaya meaning non. Napailing nalang ako.
"Happy Valentines din Ace" sabi ko
"Nga pala yung plano natin mamaya ha. 4pm sa may soccer field."
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Bigla akong napako ako sa kinatatayuan ako.
Diba naka move-on na ko?
"Sige sige." sagot ko. Bigla akong hinatak ni Ace at niyakap
"Aww, thank you talaga ha. Kaya mahal na mahal ko ang bestfriend ko e."sabi niya tsaka binitawan ako.
"Sige ha. Punta lang ako sa labas. Tawag daw ako ni Ms. Torres" sabi niya tsaka umalis palabas ng room.
-flashback-
"Angela pwedeng makahingi ng favor" sabi sakin Ace. Feeling ko namumula ang pisngi ko. Lintek na puso ko, bat ba ang bilis ng tibok ko.
"Sige ba. Kahit ano para sayo" nakangiting sabi ko.
"Si Millicent kasi e"
"Anong meron kay Millicent"
"Sa Valentines. Gusto ko ng magtapat sa kanya. Pwede bang tulungan mo ko."
Para bang nadurog yung puso ko don. Si Millicent. Siya yung pinaka-sikat na ba babae sa school. Huli na ba ako.
"Sige ba. Kahit ano basta ikaw." ngumiti ako kahit labag sa kalooban ko. Sinabi na niya sakin yung plano niya.
February 14, Valentines Day. Tatanungin na daw niya si Millicent kung siyang pwedeng maging girlfriend niya.
-end of flashback-
Oo.
May gusto ako dati pa kay Ace. Siya yung kauna-unahang lalakeng nagustuhan ko. Di ko lang masabi dahil ayokong masira pagkakaibigan namin. Baka layuan niya ko pag sinabi kong may gusto ako sa kanya.
Pero napagdesisyonan ko na sabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya...
Sa February 14
Sinadya kong sa Valentines day magtapat pero...
Magtatapat din pala siya sa iba
Manhid siguro siya. Kala niya siguro nagbibiro ako tuwing sinasabi kong "I like you." Ang laging reply niya kase is "I like you too bestfriend"
Di ba niya naiisip na grabe akong nasasaktan dahil bestfriend lang ang turing niya sakin.
Pero wala na kong magagawa.
Huli na dahil may nagugustuhan na siyang iba.
Ang akala ko talaga naka move-on na ko.
Akala ko lang pala.
Ang bilis dumaan ang oras. Andito na ko sa may soccer field kasama si Millicent. Ang plano kase ay dadalhin ko dun si Millicent. Aalis kunwari ako dahil may kukunin lang. Pagkatapos non dadating na si Ace.
Kahit labag sa kalooban ko tong ginagawa ko, tutulungan ko parin si Ace. Kung saan siya masaya, dun din ako.
Umayon naman ang lahat sa plano.
"Teka Millicent, may naiwan pala akong books sa may locker ko. Hintayin mo ako ah." sabi ko kay Millicent.
"Sige Angela." sagot naman niya
Tumayo na ako at umalis. Pumunta lang ako sa likod ng puno sa may di kalayuan.
Angela, ano ba. Umalis ka na. Sasaktan mo lang sarili mo.
Pero hindi. Nanatili lang ako dito.
Nakita kong lumapit si Ace kay Millicent.Di ko maintindihan yung pinaguusapan nila. Di ko namalayang naiyak na pala ako. Masyadong magulo ang isip ko. Pero bigla nalang akong natigilan.
"M-Millicent." sabi ni Ace. Lumingon si Millicent at nagtataka dahil naka luhod ngayon si Ace sa harapan niya. Alam ko na yung susunod na manyayare.
"Millicent. Gusto ko sanang sabihin na may gusto ako sayo dati pa. I like you Millicent. No, I love you" sabi ni Ace.
Ace, gusto ko ding sabihin na may gusto pa ako sayo dati pa. Pero sa tingin ko huli na.
"Ace." nakatingin lang si Millicent sa mata ni Ace.
"Okay lang naman kung hindi mo ako gusto."sabi ni Ace.
"Ace,dapat dati ko to sinabi sayo"sabi ni Millicent.
"Ang alin."sabi ni Ace
"I like you and I love you too" nakangiting sabi ni Millicent.
"Will you be my girlfriend? Promise di kita sasaktan. Promise ikaw lang ang mamahalin ko kaya please Millicent. Will you be my girlfriend" wika ni Ace
"Of course. Yes, Ace"sabi ni Millicent tsaka niyakap nila ang isa't isa.
I've heard enough.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Dapat may Valentines Ball pa kami mamayang gabi pero parang di ko kakayaning makita silang dalawa.
Sumakay ako sa kotse ko at nag-drive pauwi. Nanlalabo ang paningin ko kakaiyak. Di ko namalayang muntik nakong makalagpas sa apartment ko.
Agad akong pumasok sa kwarto at nagkulong. Biglang nag-ring yung phone ko, may tumatawag. Pagtingin ko tumatawag pala si Ace. Di ko na sinagot dahil baka malaman niyang naiyak ako.
Panay ang tawag ni Ace pero di ko sinasagot. May nagtext din na isa.
"Angela bat bigla kang nawala. Asan ka ba?"
"May nakakitang lumabas ka daw ng campus."
"Angela nag-aalala ako. Asan ka ba magsisimula na yung ball pupunta ka ba?"
Patuloy pa din ako sa pag-iyak. Nireplayan ko siya.
"Okay lang ako. Nagka emergency lang samin. Wag kang mag-alala sakin. Kaya ko naman sarili ko pati enjoyin mo yung party. Enjoyin mo kasama si Millicent. Congrats nga pala ha :)"
Pagkatapos nun di na siya nagreply.
Iyak lang ako ng iyak. Lahat ng madampot ko at pinagbabato ko. Wala akong pake kung may makarinig sakin. Di ko namalayan na isang photo album ang nadampot ko. Binuksan ko ito.
Mga litrato to naming dalawa ni Ace.
Binuklat ko ang bawat pahina. Ang saya namin sa bawat litrato.
Wala na talaga akong pag-asa kay Ace. Sayang. Sayang lahat ng efforts ko. Kala ko kase may pag-asa ako sa kanya eh.
Ako yung laging nasa tabi niya pag may problema siya. Ako yung...
Hindi ko na alam kung ano ng nangyayare sakin. Basta iyak nalang ako ng iyak.
Sabi ng kamay ko, bitawan na kita...
Sabi ng paa ko, layuan na kita...
Sabi ng utak ko, kalimutan na kita...
Pero sabi ng puso ko, HINDI.
Dahil mahal kita.
Salamat nalang Ace sa lahat lahat. Salamat sa memories. I will cherish that forever.
Saranghae, Ace