"Teka, teka, teka!! Tama ba yung nadinig ko??"
"Naglinis ka ba ng tenga?? Kung anong narinig mo yun na yun!!" inis na sagot ko kay Ines.
Siguro nagtataka kayo kung ano ang pinag-uusapan namin noh? Sige i-fast forward natin ang nangyari kanina.
Flashback
"I need you to baby sit my Son"
Nagulat ako sa sinabi ni Sir Crawford, "baby sit??"
Napatawa ito ng mahina "yes, baby sit"
"Uhmmm.... Sir, di po ba dalawa lang po ang anak niyo??" takang tanong ko.
"Yes"
"Di po ba, tapos na po pareho sila ng college??"
"Yes"
"Eh, bakit po kelangan pa po ninyo ng baby sitter??"
Napabuntong hininga si Sir Crawford, at hinawakan ang kanyang noo habang minamasahe niya ito "nakilala mo na si Maegan hindi ba??"
"Opo. Siya po ba?" bakit naman niya kelangang pabantayan sa kin si Ma'am Maegan? Teka, Son ang sinabi niya kanina, huwag mong sabihing --.
"No! Narinig mo ang sinabi ko sayo kanina diba? I said..... my son"
End of Flashback
"Heller?? Palagi kaya akong naglilinis ng tenga ko noh? Kaya wala kang makikitang mukang kulangot sa loob"
"Kulangot sa loob??" kung ano ano talagang sinsabi nitong kaibigan ko.
"Ah basta yun! Yung kadiri eww eww sa loob ng tenga na madumi"
"Okayyyyy..." minsan hindi ko rin maintindihan kung pano ko naging bestfriend tong babaeng to, ang weird kasi minsan eh.
"Anyway, ano naaaaaaa??" tinignan ko siya na parang nababaliw.
"Ba't parang excited ka diyan na kinikilig??"
"Hellooooo!!" kinatok katok niya yung ulo ko pero hindi ganung kalakas "magiging baby sitter ka lang naman ng isang oh-so-famous na bachelor sa buong pilipinas noh?! BIG DEAL YUN!!!"
"Huh??"
"Alam mo mababatukan kita Ems eh! Unang una, ang yaman yaman nun, pangalawa, ang gwapo niya, at ang pangatlo, single na single ang papaaaaaa!!!!" tinignan ko ang bestfriend ko na para bang baliw sa kakahiyaw.
"Eh ano naman ngayon?? Ines, pumayag lang ako kay Sir Crawford kasi malaki ang utang na loob namin sa kanya" binalikan ko ang ginagawa ko pa kanina, na naantala dahil na rin sa sinabi ko kay Ines "alam mo naman na magmula nung namatay sina Tatay at Nanay, siya na yung tumulong sa min ni Jun-jun diba? Kaya ako pumayag, nakakahiya na rin kasi eh."
"Eh tama lang naman ehhh..." nagulat ako nang nakita kong nakatayo na pala si Ines sa harapan ko. "Kahit papano, malaki rin naman ang utang na loob nila sa pamilya mo noh?! So, quits lang kayo!"
"Nes, end of discussion na, okay?"
"Naku, di pa tayo tapos noh?! Kelangan pa nating pag-usapan kung anong idadamit mo kapag nagkita kayo mamayang gabi"
"Nes!! Hindi ako makikipag-date okay?? Ipapakilala lang ako ni Sir Crawford sa anak niya para ipaalam lang na ako ang mag-aalaga sa kanya, yun lang yun, okay???" minsan nakakainis na rin sa sobrang kakulitan itong babeng to.
"A basta!! Pagka-close nitong store na to, sasama ka muna sa kin, at ako ang hahanap ng susuotin mo!"
Magsasalita pa sana ako, pero biglang may pumasok na customer kaya di ko na nagawa pa. Pero kahit naman anong sabihin ko sa kanya, kung gusto talagang gawin ni Ines ang isang bagay, gagawin niya talaga.
Sana lang ay mabait ang anak niyang yun. Si Maegan pa lang kasi ang nakikilala ko eh, mabait, matalino at maganda si Maegan. Hindi nakakapagtaka na maraming nahuhumaling sa prinsesa ni Sir Crawford.
Hindi kasi dito nag-aral at lumaki ang anak niyang lalaki, pero tuwing summer naman, bumabalik naman siya dito. Pero kahit na sa mansyon naninilbihan ang mga magulang ko, ay hindi ko pa rin makita-kita ang anak niyang lalaki.
Nagtataka kayo siguro kung bakit nakita na siya ni Ines, samantalang ako ay hindi, well, ganito lang naman yan eh, hindi ako mahilig manood ng TV o kahit man lang magbasa ng mga magazines, kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang itsura niya.
Pero dahil na rin sa mga naririnig ko tungkol sa anak niya, mukang magkakaproblema talaga ako, hayyy!
BINABASA MO ANG
Baby Sitting The Jerk
RomanceKaya mo bang gawin ang lahat para sa pamilya mo? Kahit ang kapalit nito ay ang pagiging alila sa isang taong ubod ng sama ng ugali?? Matagalan mo kaya??? Para kay Eymie, isang malaking "OO"!! Para lang mapagamot niya ang kanyang kapatid, gagawin niy...