Simula at Wakas

56 11 0
                                    

TRIGGER WARNING ‼️
READ AT YOUR OWN RISK.

This is a work of fiction. Names, characters, events, and incidents are used in a fictitious manner.

*******************************************

Sa dulong bahagi ng Maynila, may isang kilalang pamilya. Ang pamilya ng mga Rivera. Kilala sila dahil ang Padre de pamilya ay sya ring kapitan sa lugar na iyon.

Ang pamilyang ito ay binubuo lamang ng apat na tao, si Kapitan Ronaldo Rivera, ang asawa niyang si Lucy Rivera, ang panganay nilang si Rona na 18 taong gulang at si Cyrill na nasa edad na onse.

Walang problema sa pinansyal ang kanilang pamilya, lahat ng naisin nilang magkapatid ay nakukuha nila agad. Walang hirap.

Ang panganay na si Rona ay nasa kolehiyo na. Pinagpala sa kagandahan at katalinuhan kung kaya't maraming kaibigan.

Ang bunsong si Cyrill ay nasa baitang lima pa lamang, subalit naiiba sa karaniwang bata ang pag-iisip nito, mas malalim kaysa sa angkop na pag-iisip sa kanyang edad, dahilan kung bakit naiilang lumapit sa kanya ang mga kaedad nya. Gayunpaman, Palagi syang nangunguna sa kanilang klase.

Subalit talaga ngang walang perpekto sa mundo, ang problema niya, ay ang mga magulang nila mismo. Araw-araw kung sila ay mag-away, hindi ata nila alam na may isang solusyon sa pagbabangayan nila. Ang:

"Mag-usap nang maayos, kalmado at mahinahon."

Palaging wala si Rona sa bahay, si Lucy naman ay kasama ang mga amiga niya sa sala araw-araw. Si Ronaldo ay halos gawing tahanan ang opisina nito sa trabaho. Habang si Cyrill ay palaging nasa loob ng silid at nagsusulat.

ISANG eksena ang nagpaisip sa kanya nang husto habang sya ay nasa eskwela, ang kanyang kaklase na sinundo ng ina nito kasama ang nakababatang kapatid.

Nakita nya kung gaano kasaya ang kanyang kaklase, at kung paano ito makipaglaro sa nakababatang kapatid.

Kailanman ay hindi nakipaglaro sa kanya ang ate nya, kailanman ay hindi ito tumawa dahil sa natutuwa sa kanya.

Nang araw na iyon, pagdating nya sa kanilang bahay ay pumunta sya sa kwarto ng kanyang ate. Nagkataon naman na nandoon ito at nakaupo habang hawak ang cellphone.

Nilapitan nya ito at tinawag, dahil baka sakali... nagbabakasali syang matutuwa ito.

"Ate.." nakangiti sya sa harap nito, patuloy sa pagbabakasakali na ngingitian siya pabalik ng kanyang ate.

"Bakit?" Tanong ng ate nya na hindi manlang siya tinapunan ng tingin.

"Pwede ba tayong maglaro?" Tahimik na tanong nya.

"Naku Cyrill! Marami akong ginagawa! Isa pa ay matanda ka na para dyan!" Iritado nitong sagot.

Lumabas syang bigo. Pumunta sya sa sala at pinuntahan ang kanyang ina. Nagbabaraha ito kasama ang amigas nya. Naalala nya ang pagkamusta sa kaklase nya ng ina nito. Punong-puno ng pagmamahal at pananabik na makita ulit ang anak matapos ang ilang oras nito sa eskwela. Kaya nandito siya, nagbakasakali sya.. baka sakaling matuwa sa kanya ang ina dahil nakauwi na sya galing sa paaralan..

"Ma nandito na po ako." Tumabi sya sa ina.

"Osige, may pagkain dyan. Paasikaso ka kay yaya." Hindi manlang sya nilingon.

Pumasok na lamang sya sa kanyang silid. Wala syang makitang kaligayahan mula sa kanyang kapatid at pananabik mula sa kanyang ina nang makita sya nga mga ito. Ang ama nya ay hindi na nya halos nakikita.

Bigo.

KINABUKASAN, sa religion class nila, nabanggit ng kanilang guro ang tungkol sa mga anghel.

"Ang mga anghel po ba ay mga bata ring tulad ko?" Tanong nya.

"Oo. Sila yung mga hindi pinalad mabuhay." Sagot ng kanyang guro.

"Edi malungkot po sila?" Inosente nyang tanong.

"Hindi, marami sila doon. Sama-sama sila at kapiling nila ang Diyos kaya hindi sila nakararamdam ng lungkot. Hindi man sila katulad natin na mapalad na nabuhay, pareho nyo lang silang naeenjoy ang pagkabata doon." Paliwanag ng kanyang guro.

Pag-uwi ni Cyrill ay walang tao sa kanilang bahay maliban sa mga katulong nila. Dumiretso sya sa kanyang kwarto, nagsulat at pagtapos ay... nagpahinga.

GABI na nang makauwi si Lucy, galing siya sa bahay ng isa nyang amiga. Nadatnan nya si Rona na umiiyak sa sala at si Ronaldo na tulala sa pinto ng kwarto ng anak nilang si Cyrill, habang ang mga katulong ay hindi mapakali. Nagtaka man ay kinabahan sya nang husto.

Tumakbo sya sa loob ng kwarto ni Cyrill at nadatnan nya ang study table nito sa gitna ng kwarto at sa ibabaw nito ay ang upuan kung saan nakapatong ang dalawang matataas na kahon. Sa pagtingala nya ay nakita nya ang lubid na nakasabit sa kisame.

Humagulgol sya nang mamataan si Cyrill na nakahiga sa kama, walang buhay.

Lumapit sya dito at agad na niyakap ang katawan ng anak. Lumapit ang kanyang asawa at may inabot na liham sa kanya.

"Nakita ko sa ibabaw ng kama nya." Lumuluhang sabi nito bago sulyapang muli ang anak na wala nang buhay.

Nanginginig na kinuha ni Lucy ang liham at binasa ito.

Ang mga anghel sa langit ay marami, sama-sama. Sila ay hindi pinalad mabuhay. Samantalang ako ay pinalad na mabuhay, subalit hindi ko ito maramdaman. Ano ba ang pakiramdam ng pinalad mabuhay? Buhay nga ako pero hindi ako pinalad. Ang mga anghel ay may kakayahang lumipad. Nais ko ring lumipad. Nais kong maramdaman ang paglutang ng aking katawan sa ere. Ang mga anghel ay hindi nalulungkot sapagkat kapiling nila ang Diyos. Kapiling ko ang pamilya ko subalit lagi akong nalulungkot. Ang mga tao ay natutuwa sa mga anghel, halos ang lahat ay gusto ang mga anghel. Hindi ko maramdaman na gusto ako ng kahit sino. Ang aking ama na palaging wala, kung nandito man ay kasigawan naman lagi ng aking ina. At ang ina ko, ang ina ko na palaging may kayabangan sa aming sala na para bang palaging may paligsahan na kailangang maipanalo. Ang aking kapatid na halos hindi ako mangitian. Ang mga katulong na matapos akong bigyan ng pagkain ay aalis na. At ang mga kaklase ko na hindi ako maisali o mayaya manlang sa mga pag-uusap at paglalaro nila. Wala. Walang may gusto sa akin. Ayoko nang maging malungkot. Ayoko nang maging mag-isa. Ayoko nang maramdamang walang may gusto sa pagkatao ko. Ayokong mabuhay na parang isang patay. Ayoko na. Gusto kong maging isang anghel at sumaya. Kung pinalad ako dahil buhay ako, hahayaan kong malasin ako dahil tinanggihan ko ang pagiging mapalad kong mabuhay. Lilipad ako tulad ng mga anghel. Dahil sa pagtatapos ng araw na ito, isa na akong hindi pinalad mabuhay. Magpapahinga na ako... habambuhay.

At sa wakas, naranasan niyang lumipad..

Liham Ng Isang Anghel (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon