Ako si Mira isang highschool student sa isang pribadong paaralan. Ilang buwan na din ang nakalipas simula ng pasukan. May mga kaibigan ako, pero hindi ko ramdam na kasama ako sa grupo. Tuwing magkakasama kami halos walang kumaka-usap sakin.
Isang araw habang kumakain kami sa canteen may kaniya kaniya silang kausap. Hindi man lang nila ako pinapansin. Napag-iiwanan na naman ako. Napag-iiwanan na nga ako sa topic ng usapan, napag-iiwanan pa ako sa lahat ng bagay na ginagawa nila. Kelan kaya magbabago 'to?
Kinabukasan may bagong lipat na student sa school namin at kaklase namin siya. Hindi na ako nabigla. Lagi namang may bagong student dito. Normal na iyon sa akin pero sa ibang tao hindi. Sana lang hindi siya mapag-iwanan tulad ko. Masakit kasi ang lagin naiiwanan eh.
"Ako si Geo." pakilala niya. Pina-upo siya sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya. Aaminin ko may itsura siya, kaya naman matatalim ang titig ang ipina-ulan sakin ng iilang mga babae.
Lumipas ang buwan at sa mga buwan na yon ay naging impiyerno para sa akin. Dahil sa Geo na yun na lagi akong inaasar at sa mga fangirls niya na nagsimulang magbully sa'kin. Maging mga kaibigan ko... iniwan ako. Akalain mo yun! Napag-iwanan na naman ako!
Sinubukan ko silang kausapin. Tinanong ko sila kung bakit sila lumalayo; bakit sila umiiwas. Ang sabi nila sadyang tambak lang ang mga gawain nila. Pero sa tuwing nakikita ko sila wala naman silang ginagawa. Nagtatawanan at nagkakasiyahan sila. Sana sinabi nalang nila na ayaw na nila akong makasama. Hindi ko na sila nilapitan mula noon.
May mga babaeng lumapit sakin. tinatanong ako tungkol kay Geo. Sa tuwing sasabihin kong "hindi ko alam" i-bu-bully nila ako. Meron ding lumalapit sa'kin pag may kailangan lang at mga taong nagpapanggap na mabait sila para lang makuha ang gusto nila sakin. Sa tuwing tatanggihan ko sila, sinasaktan nila ako at ipinapahiya sa mga taong dumadaan. Ganon naman palagi eh... lalapit lang pag may kailangan tapos pag nakuha na nila ang gusto nila tsaka ka iiwan.
Sobra na ang mga ginagawa nila sa'kin pero hinahayaan ko nalang. Hanggang sa isang araw.. na-ospital ako dahil sa kagagawan nila. Dinalaw akong mga dati kong kaibigan. Humingi sila ng tawad sa mga ginawa nila. Nagpaliwanag sila kung bakit nila ako iniwasan.
"Sorry Mira! Natakot kaming baka i-bully din kami!" pagpapaliwanag ni Patty.
"At tinakot nila kami na sisiraan at maglalabas daw sila ng mga masasamang pictures tungkol sa'min."ani Cristine.
"Okay lang." sagot ko. Gusto kong kalimutan nalang ang mga nangyari pero may di pumapayag sa sistema ko. Sumasagi din sa isip ko na tanging mga kapakanan lang nila ang iniisip nila. Pilit kong inaalis ang mga tanong at konklusyon na sumasagi sa utak ko.
Naging malapit kami ulit ng mga kaibihgan ko. Mas binibigyan na nila ako ng atensyon at halaga. Ganito pala ang pakiramdam ng hindi napag-iiwanan. Masaya ako sa mga nangyayari ngayon sa'kin pero hindi parin naaalis sa isipan ko ang mga tanong na naisip ko noong nasa ospital pa ako.
Hapon at huling subject na namin ngayong araw. P.E. class namin at ako nalang ang naiwan dito sa loob ng classroom ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Alam mo naiinis ako sayo!"napaharap ako at bumungad saking harapan si Geo. May bahid ng pagka-irita ang kanyang mukha. Hindi ko siya sinagot dahil natakot akong magsalita. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
"Naiinis ako sayo! Lagi ka kasing nagpapagamit sa mga tao sa paligid mo! Hindi mo ba nakikita na ginagamit ka?! Pinagkakatuwaan ka na nga sa buong klase dahil diyan sa pagpapa-uto mo!" Nagulantang ako sa mga sinabi niya. Hindi! Hindi yun totoo! Nagbago na sila! Hindi ko pinaniwalaan ang mga sinabi ni Geo. Ayaw kong maniwala sa kanya! Ayaw kong mapag-iwanan ako!
BINABASA MO ANG
Napag-iwanan
Short StoryNasubukan mo na bang mapag-iwanan ng kapwa mo? Masakit diba? Tunghayan natin ang kwento ni Mira. Isang highschool student na lagi nalang napag-iiwanan. Babala: Ang kwentong ito ay sadyang nakakabitin. Paki usap lang po wag po kayong magagalit sa aki...