Chapter 40

7.7K 259 128
                                    

J A N S E N


PVTANG INA! Hanggang ngayon ba naman, di parin ako nito lulubayan?! May sa demonyo siguro yung kumag na yun, o baka sumpa na talaga 'to?!

Tangina lang talaga eh! Ang sarap-sarap na ng pakiramdam ko, bigla na lang susulpot sa isip ko ang pagmumukha niya. Pati sa mukha ng ka-sex ko, nakikita ko ang istura niya. Waaaah!

Napapa-pikit pa ako sa sarap ng aking pakiramdam. Ngunit pag-dilat ng mga mata ko, ibang mukha ang tumambad sa aking harapan. Mukha na naman ni...Mu-mukha ni...aaarrrgghh! HINDI!!!

Bigla akong napaigtad. Taranta akong tumayo at ginusot-gusot agad ang mga mata ko hanggang sa unti-unting umayos ang paningin ko.

"Pvtang-ina!" napamura na lang ako habang nakahawak sa aking sentido.

"W-why-what's wrong?!" aniya.

"Wa-wala..." mabilis kong sagot. Napa face-palm na lang ako. "I'm-I'm sorry, Abby!"

"Abby? Who the fvck is Abby?!" tanong niya na parang galit.

Nataranta ako. What?! She's not Abby? What's her name again? Gail? Gabby? Amy? Fvck! Darlene? Damn, I can't remember!

"A-Abby! Yu-yung pusa namin, tama! Nakalimutan ko nga palang pakainin, hehe!" palusot ko. Tang-na, ang gago naman ng sinabi ko!

"Who the fvck is Abby?!" napataas ang boses niya.

"So-sorry... Wag mo na isipin yun. Sige na, ipagpatuloy na natin," saad ko habang papalapit sa kanya. Ngunit bigla na lang lumipad ang unan at tumama sa mukha ko.

"Fvck you, Jansen! Fvck you!" galit niyang sigaw at pinagbabato ako ng kung ano mang bagay na madampot niya.

"I let you fvck me, and you don't even know my name?!!" sigaw niya. "Abby?! Fvck you, asshole!"

"W-wait! Sorry, Anne! No, wait! Jane?" ani ko.

Arrgghh, nagkanda leche-leche na! Pinaghahampas niya ako ng unan at kumot at kung ano-ano pang mga bagay na sinangga ko ng aking kamay. Tang-na, nag beast mode na siya kaya mabilis na akong nagsuot ng underwear. Mala-ninja din ako sa pag suot ng pantalon at sapatos. Naging hysterical na siya habang hubo't-hubad sa kama kaya mabilis kong kinolekta ang iba ko pang gamit sabay takbo palabas ng kwarto. Kung anong pagmumura na ang pinagsisigaw niya. Aalis na ako baka mapatay pa 'ko nito. Nakapag-suot na lamang ako ng t-shirt nang nasa hallway na 'ko.

"Asshole!!!" rinig kong sigaw niya bago pa 'ko lumiko at tuluyang bumaba ng hagdan palabas ng motel.

Damn! Pangalan na nga lang, nakalimutan ko pa! Pvtang-ina lang kasi! Bakit kasi...bakit ko siya nakikita?!

Di na tama 'to!

Aarrgghh!

Anong gagawin ko?!


* * *


Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon