2 - Start of Friendship

31 0 0
                                    

Siguro pag nangyari yun, yun ang unang pagkakataon na matratraffic ka pag sasakay ka ng tren. 

Oo nga pala, I forgot to introduce myself. Ako nga pala si Fumiko Kyomoto. Half Filipino Half Japanese. 18 years old. Since I was 5, iniwan na kami ng mga magulang namin. Si Mama sumama sa iba. Samantalang si Papa naman namatay siya from a car accident.  Si Mama yung Japanese tapos si Papa naman yung Filipino. Kinupkop kami ni lola kaso lang nung 10 taong gulang ako, namatay siya dahil sa sakit. Kaya naman, si Kuya na 15 taong gulang palang nun ay natuto nang magtrabaho para sa aming dalawa. Proud na proud nga ako sa kuya ko kasi nagagawa niyang pagsabayin lahat. Sa umaga nag-aaral siya samantalang sa hapon naman ay nagtatrabaho siya. At scholar pa siya. Siya ang President ng Student Council ng Campbell University. 

Oo nga pala. Nandito na ako sa train station. Anytime dadating na yung tren. 

Habang naghihintay ako ng tren, may napansin akong isang lalakeng nakaupo sa may bench. Nakalagay yung earphone niya sa tainga nya. Alangan naman sa ilong nakalagay. Naagaw niya ang atensyon ko. Nakapikit siya at parang damang dama niya ang kantang pinapakinggan niya. Kung ano man yun, hindi ko alam. Malay ko ba, nakaearphone kaya siya kaya malay ko ba kung anong pinapakinggan niya. Pero paano kung dadating ang tren, hindi niya mpapansin dahil nga nakaearphone siya at nakapikit pa. Natutulog ba ito o ano? Ang ganda nga ng uniform niya ehH. White ang kulay. Basta bagay sa kanya.  

*TOOOT TOOOT*

Andyan na yung tren pero wala pa rin siyang imik. Gigisingin ko ba to oh ano. Bahal siya. Late na ako eh. Umalis na yung tren. Nakasilip ako sa glass ng tren habang tinitingnan siya . Ganun pa rin eh, nakapikit tapos nakaearphone. 

HINA'S POV

Hello! Hina Ono here! 18 years old. Full blooded Japanese ako and I am proud to say that I am Fumi's bestfriend. Ilang minutes nalang at magsisimula na ang opening ceremony. Nasaan na kaya ang magaling kong bestfriend? Lagi akong nakatingin sa wrist watch ko. 7:26 am na. Pero wala pa rin siya. Haay! Hindi parin siya nagbabago. Nung elementary kasi kami, lagi din siyang late. As in always. Siguro nga araw araw late ang babaeng yun ehH. Suki nga siya ng Prefect of Discipline eh. Magbestfriend kami ni Fumi simula elementary. Naaalalako pa nun . 

*FLASHBACK*

"Oi akin na yang cookies mo"

"Ayoko! Akin ito ehH!"

Inagaw ng dalawang matatangkad na bata yung cookies na binili ko. Siguro 6 years old palang ako nun. Wala akong magawa kundi umiyak nalang. Pano ba naman kasi, ang tatangkad nung tatlong batang lalake na umagaw ng cookies ko. Favorite ko ang cookies. Kaya ganun nalang yung iyak ko. Yun din ang unang beses na bumili ako ng cookies gamit ang sarili kong pera. 

"Ibalik niyo sa akin yan!" 

sigaw ko habang pilit na inaagaw dun sa isang bata ang box ko ng cookies. 

"Ayaw nga namin! Na-arbor na namin ito sayo kaya amin na ito!"

Tapos biglang  .. 

"Hoy mga abnormal! Ibalik niyo nga ang cookies nya! Kung wala kayong magawa sa buhay, mabuti pang tulungan niyo na lang ang nanay niyo sa gawaing bahay! O di kaya naman, umakyat kayo sa building na yun at tumalon!" 

"Sino ka?" sigaw nung isang lalake.

Para siyang superhero dahil sa ginawa niya. 

"Nalimutan ko ang pangalan ko sa bahay kaya pwede ba, mag-evaporate na kayo!"

Pabiro niyang sinabi pero halatang galit ito.

"Eh kung ayaw namin? Wag ka ngang epal!"

Tapos tumawa yung tatlong lalake.

"Kayo dapat tong hindi umeepal sa buhay ng batang yan! Ipakain ko kayo sa aso ngayon eh!"

"Talaga?!"

Tapos biglang may lumabas na aso mula sa gilid . Itim ang kulay nun. Mahaba ang mga balahibo nito. Nakakatakot nga eh. Parang anytime lalapain niya ang mga batang yun. 

halatang takot na yung tatlong bata.

"H-hoy! P-paalisin mo nga ang a-asong y-yan!"

Nanginginig na sabi nung isang bata.

"Eh kung ayaw ko?!"

Matapang niyang sagot. 

"Ino!"

Sabi niya. 

Tapos biglang tumahol yung aso ng malakas. Umalis naman yung tatlong mga bata at iniwan yung cookies ko. Simula nun, itinuring ko na siya bilang "Superhero Bestfriend" ko. Nalaman namin na sa iisang paaralan lang kami pumapasok.

"Tumayo ka nga dyan!" matapang nyang sabi

Iniabot nya naman yung kamay niya sa akin. Magtatakipsilim na yun.

"Sa sunod,  wag kang maglakad ng mag-isa sa ganitong oras." 

"O-opo."

Tumalikod siya at aaktong aalis na.

"sa-sandali"

Tinangka ko siyang pigilan. Lumingon naman siya.

"Oh?"

"A-anong pangalan mo?" 

Tanong ko sa kanya. Medyo mangiyak ngiyak pa ako nun ehH. 

"Fumi."

Sabi nya habang nakangiti.

"Fumi, maraming salamat." 

Tapos ngumiti siya sa akin at tumalikod. Gusto ko siyang bigyan ng cookies ko, kaya naman tinawag ko siya pabalik.

"Fumi!"

Lumingon siya na parang galit.

"Ano na naman?"

Iniabot ko yung box ng cookies ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin. Nagulat ako nung sabihin niyang ..

"Pati ba naman sa pagbukas ng box na yan ay iaasa mo pa sa akin? Matuto ka."

Akala ko perfect na ang superhero bestfriend ko pero hindi pala. May pagkashunga din pala. Akala ko gets na nya yung gesture ko.

"H-hindi ko naman pinapabukas ehH. Binibigay ko sayo"

Medyo nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya aakalain yung sinabi ko. Yung Nagulat-ako face niya biglang napalitan ng anong-akala-mo-sa-akin face. 

"Iyo yan."

 NOTE:

Para naman makita niyo pes ko, yung picture sa gilid ako un wearing our uniform. Cute ba? xD

You Are My FIRST and My LASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon