A/N: This story is highly protected by the author. Plagiarism is a crime.
Entry by: WhoEverItIs
-----
She Left Me
(One-shot story by: WhoEverItIs)
-Adner’s Point of View-
Heto ako nanunuod ng TV magisa. Nakaupo sa sofa, at nakatunganga.
Wala eh, wala akong magawa. Kahapon, nakipagbreak na sa akin ang pinakamamahal kong girlfriend. -_-
*Flashback*
Naglalakad kaming dalawa pauwi. Pilit kong inaakbayan siya pero tinataboy niya lagi ang kamay ko. Pagisip-isip ko, ‘anong problema nito.’
Ini-insist ko pa din akbayan, hawakan ang kamay niya, ikiss siya sa cheeks pero lagi na lang niya iniiwasan. -_-
Nagulat ako ng bigla siyang nagstop sa paglalakad at humarap sa akin, with matching ‘tiger-look’.
“Ano ba! Wag mo nga akong hawakan!” Biglang sigaw niya sa akin. Nabigla ako at automatic kong tinago ang kamay ko sa likod ko. Sabay ngiti at tawa ng bahagya. Mukhang may dalaw siya, intindihin.
“Tsk!” Tumalikod na ulit siya, at naglakad. I mean, umunang maglakad. At, iniwan ako sa likod. -_-
Ako itong si dakilang boyfriend, siyempre hinabol. Pag sinabayan ko pa ang init ng ulo nito, alam na matik na. Magkakaroon na ng world war 3. Kaya kayong mga lalaki, be insensitive enough.
Oha? Ang bait kong boyfriend! *wink* siyempre, mahal ko ang girlfriend ko eh. At siyempre, pawang katotohanan ang lahat ng sinasabi ko. Hihi. J
Tumigil ulit sa paglalakad ang girlfriend ko at humarap ulit sa akin.
“Ano ba! Ba’t ba ang bagal mo maglakad!” Sigaw ulit sa akin ng mahal ko. Gusto ko sana siyang sagutin na ‘edi ikaw na mabilis maglakad’ pero di ko yun gagawin noh. Binilisan ko nalang, hindi na lakad ang tawag dito, takbo na ito eh. -_- Ewan ko sa babaeng yun, laging ganyan nalang sa akin this past few months, week, and days. Tsk.
Tumalikod na siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Nasabayan ko naman na siya sa paglalakad. Lumalapit ako sa kanya, pero siya naman palayo ng palayo. Ano ba talagang problema nito? Nabuburaot na ako, pigilan niyo ko, pigilan niyo ko.
Feeling ko tuloy may virus or something ako eh, kaya ako nilalayuan. Pero, di naman. Tsk. -_- Makausap na nga ‘to.
Humarang ako sa harapan niya. Kaya napatigil siya. Tinaasan niya ako ng kilay, at tinignan mula ulo hanggang paa.
“Problema mo?!” Tanong niya sa akin. Habang nakataas pa din ang kanyang mga mahiwagang kilay. Edi, siya na mataray. Jusko. -_-
“Ikaw ata ang may problema hindi ako?” Sabi ko sa kanya. Lalong tumaas ang kilay niya. At alam kong galit na siya.
“Gusto mo malaman kung may problema ako, huh?!” Nagnod nalang ako. Eh, kasi gusto ko talagang malaman eh. Boyfriend niya ako dapat nagoopen up man lang siya sa akin. T_T
“Ginusto mo ‘to ah.”
“OO! MAY PROBLEMA AKO AT IKAW YUN!” Sabi niya sa akin in a loud tone sabay bang-sign niya sa akin. Ano daw? Ako ang problema niya?
“Weh?” Ewan ko kung bakit yan lang ang nasabi ko. Ehh, ano bang problema ko?! Sa pagkakaalam ko wala? Wooosh. -_-
“AHH! BAHALA KA DIYAN! BREAK NA TAYOOOOO!!” sabay walk-out niya.
*End of flashback*
At hanggang dun nalang ang gusto kong ikwento. -_- Basta ako? Nanunuod ako ng TV.
Ayoko ng magkwento pa.
Basta, ang akin lang.
Ay alam kong INIWAN NA NIYA AKO. At alam kong, di na siya babalik. Miski ngayon, bukas, sa isang taon or kahit kailan man. :/
Pinatay ko na yung TV ko.
Napatingin ako sa tabi ko. Wala nang nakaupo. Hinawakan ko yung unan at fineel ko. Wala na akong kasama manuod di katulad dati, lagi kaming magkasama.
Tumayo na ako at, kumuha ako ng CD sa kwarto ko at ang genre ay waltz. I play it. At, sumayaw ako magisa. T_T Iniimagine ko na lang na kasama ko ang pinakamamahal kong girlfriend ngayon at kasayaw ko. </3
Lahat nalang ginawa ko para pampalipas ng oras. At ito ako ngayon, nakahiga nalang sa bestfriend kong sofa. -_-
Sabi nila, make yourself busy para maka-move on. Ehh, ginagawa ko na ang lahat.
Naglaro na ako ng ps2, pampatanggal ng stress. Ang malupit, nangigil ako sa controller. Kasi, naalala ko yung mga times na kaming dalawa lang ang naglalaro at sariling controller niya kasi ang gamit ko. </3
Naglaro na ako ng ping pong/table tennis magisa. Kahit mukha akong tanga, basta maienjoy ko lang ang sarili ko, ginawa ko na ang pwedeng maiconsider na pinaka nakakatangang gawain. -_- Pa din, naglaro na ako ng Frisbee. Nagpuzzle na ako, at alam kong nagmumukha na akong geek sa ginawa ko. Ang masama pa dun kulang kulang ang mga jigsaw pieces, kaya di nabuo yung Aso. -_-
At higit sa lahat,
Iniimagine ko nalang na ang rubber ducky na hawak ko kanina nung naligo ako ay ang pinakamamahal kong girlfriend. At ang malupit, kiniss ko yun. :/
Lahat nalang ng pinag-gagawa ko nagpapaalala sa kanya. :/ Ang tanong, paano ako makakamove-on nito? Ehh, halos lahat ng nasa paligid ko puro siya nalang. :(
At ang malupit invade pa din niya ang utak at puso ko. </3
Ilang araw na din ang lumipas...
Nahahalata na ng mga kaibigan ko na hindi na kami nagkakasama.
Hindi ko na din naman siya nakikita ehh.
Kaya kapag tinatanong nila ako kung bakit di na kami nagkakasama, or what.
Ang sinasabi ko nalang ay:
“Nakulong kasi ang girlfriend ko, 10 years siyang makukulong dun kaya di na kami nagkakasama.”
O kaya,
“Nagenroll siya sa Marine School, kaya di siya pwedeng makipagkita sa akin.”
At ang pinaka malupit na pagsisinungaling ko ay, nung sinabi kong:
“Nagbunjee-jump siya. Naputol yung rope, ayun patay. Edi, wala na paano pa kami magkakasama?”
Nagsisinungaling ako,
Para lang hindi nila malaman na...
INIWAN NIYA NA AKO. </3
Pero...
Ang totoo talaga ay...
Nung nakipagbreak siya sa akin, ay makikipagbreak na sana ako. Naunahan lang niya pala ako.
And i just realize na, kadramahan ko lang pala lahat ng ito. </3
But the honest truth is...
I was gonna end it anyway.
I'll make up anything yeah, truthfully.
So no one finds out that she left me.
-
A/N: Thankyou for reading, judges. :) Here's my one-shot. ^_^v
BINABASA MO ANG
She Left Me
RomanceI really loved her. I really do. But, I noticed that I am not falling anymore? What should I do? She left me already.