FUMI'S POV
"tell all my friends I'm dead
I'm leaving you, this time its for good
tell all my friends that I'm dead
it won't be long before you forget my name "
Hihi. Kasi ringing tone ko is Forget My Name ng New Found Glory. Nung i-check ko, si Hina tumatawag. Kaya agad kon sinagot.
"Oh?"
"Hoy Fumi! Magsisimula na ang opening ceremony, san ka na ba?"
Kung makaHOY naman itong si Hina akala mo hindi kami magbestfriend. Ang sakit pa sa tenga ang pagsigaw niya.
"dito na sa gate."
*call ended*
wala akong makita ni isang estudyante, mukhang nasa gym na silang lahat. Nagmadali naman akong pumunta ng gym. Nakita ko si Hina na naghihintay sa labas.
"Sorry. Traffic eh"
Tapos bigla niya akong sinapak.
"Aray ! Hina naman eh!"
"Lulusot ka pa! Paanong magiging traffic eh tren ang sinakyan mo."
Tapos tumawa lang ako.
Pumasok na kami sa gym. Umupo kami bandang likod. Tapos napansin ko na ang babae eh parang kinikilig na ewan. Mga baliw ba to. Kinikilig sila sa wala. Tapos biglang nagsalita ang emcee.
"Good morning to everyone. Today, the Hancock High will be having it's 10th Opening Ceremony ..... blah blah bla"
"10th opening ceremony?"
"Oo Fumi. Since 10 years palang nag-eexist tong paaralang ito."
I see. Bago lang pala. Tapos biglang nagsitilian yung mga babae nung sabihin ng emcee "Please welcome the Hancock's Student Council"
Lahat sila nakatingin sa likod. Pati tuloy ako nahawa. Napatingin narin ako sa likod. May 9 students na nakawhite uniform ang pumasok mula sa likod ng gym.
*Ang gwapo ni Chinen!*
*hindi! Mas gwapo si Yuto!*
*Hindi! Si Kota!*
*Daiki my loves*
*Takaki!!*
*Ryutaro!*
*Ang gwapo ni Keito!*
*Ano nalang si Kei?*
*Si Hikaru!!!!*
Chinen? Yuto? Kota? Daiki? Takaki? Ryutaro? Keito? Kei? Hikaru? Eh? Ano daw? Sinong mga yun?
Tapos mas lalong lumakas ang tilian nila nung magsalita ulit yung emcee. Naku! Pede bang wag nalang magsalita ang emcee na yan! Nakakabingi! Bukod sa nakakabingi, nakakairita pa! Parang wala nang bukas kung makatili ang mga babae na ito!
"Yuto!!"
Whaaat? Pati ba naman itong si Hina?
"Oi!"
"<3_<3" <--- HINA
"Oi!"
"<3_<3" <--- HINA
"Oi Hina!"
Saka siya lumingon sa akin na parang galit.
"Ano ba Fumi! Nagcoconcentrate ako dito!"
"Nagcoconcentrate kang kiligin!! Teka sino ba ang mga yun?"
"I'll explain later!"
I'll explain later huh. di bale na. Ayoko silang makilala. Pff. Pati tuloy bff ko inaagaw na nila. Hindi ko gaanong kita ang mga yun since medyo nasa itna kami at sa likod pa. Pero kung makareact itong si Hina akala mo 1 inch lang ang distance nila ng Yutong sinasabi niya! Mas lalong lumakas ang sigawan nung ipakilala na sila ng emcee.
"Ayoko na dito! Hina lalabas muna ako."
"Okay!"
Tiningnan ko lang si Hina.
"Tss."
Sabi ko ganun habang tinitingnan parin ang best friend kong hugis puso na ang mata. Hablutin ko ngayong ang mata nito eh! Lumabas nalang ako ng gym. Wala rin akong mapapala dito.
HINA'S POV
Ayun! Habang kinikilig pa rin ako sa Student Council, salita naman ng salita itong si Fumi.
"Oi Hina!"
"Ano ba Fumi! Nagcoconcentrate ako dito!"
Sabi ko ganun. Napalakas yung pagkakasabi k at parang galit rin. Pero joke lang un, gnawa ko lang yun para tumigil na sa kakasalita tong Fumi na to! Kung di ko lang talaga ito bestfriend kanina ko pa binunot isa isa ang ngipin neto! Pagkasabi ko nun, biglang naging galit-ako face ung mukha niya.
"Nagcoconcentrate kang kiligin!! Teka sino ba ang mga yun?"
Tapos tinanong niya kung sino daw ang Student Council. WTF! Seriously Fumi, you don't know them? Well, sabagay transferee ka. Pero kahit na, even those outsiders know the Student Council. Ahay! Bestfriend kong to eh! Pero mamaya na ako mag-eexplain. Sayang tong moment eh!
"I'll explain later!"
Mas lalong nagsigawan nung ipakilala sila ng emcee. Wait, parang may kulang sa kanila ahH. Pero sige lang. Nandyan naman si Yuto my loves xD. Napunta na ang atensyon ko sa kanila kaya naman hindi ko na napansing wala na pala ang magaling kong bestfirend. Basta ang alam ko lang kinausap niya ako and I replied "okay" tapos hindi ko na alam.