Panay ang lunok ko ng laway halos nabilang ko na nga eh, dahil sa nerbyos na dulot ng pagtingin nilang apat sa akin. Ako nasa iisang single couch, yung tatlo nasa group size couch, at yung isa naman katapat ko ng single couch. At kung tatanungin niyo yung isa?
Ayun! Nasa kwarto. Ewan ko kung anong ginagawa 'don. Siguro tulog? Siguro nagbibihis? Ah! Ewan. Ayokong mag-isip sa puntong to dahil sa mga titig ng apat na'to. Akala mo naman may nagawa akong kasalanan! Tama. May nagawa nga akong kasalanan. Yung sipa sipa thingy. Ugh.
Wala pang nagsasalita sa amin nang tumayo si Kai at pumunta sa kusina. Pero nakikita pa rin namin siya dahil open kitchen nga.
"Ehem. Ehem." Kunyaring umubo si Eon para mabasag ang awkward feeling between us.
"So, Miss?" Napatingin ako kay Sam. At naghihintay ng sasabihin niya. "What's your name?" Tanong niya. Sasagot na sana ako pero may nauna sa akin.
"Eris." Napatingin kami sa nagsabi ng pangalan ko..
Si Kai na kakatapos lang uminom.
"Ha? Sino si Eris?" naguguluhang tanong ni Eon. Biglang binatukan ni Kysler si Eon.
"Tungak! Edi s'ya." Turo sa akin ni Kysler. "Tsk. Yung utak mo paganahin minsan. Okay?" Nang-aasar na sabi ni Kysler.
"Tsk."
"Enough. We're moving on to the next question." Sabi ni Sam. Napapalakpak naman si Eon at Kysler.
"Wow, Sam. Yung tono mo! Hahaha." Natatawang sabi ni Kysler. Inirapan lang ni Sam si Kysler. Feeling ko dudugo na yung labi ko sa pagkagat ko dahil sa pagpipigil ng tawa. Nakakatuwa kasing mang-asar si Kysler. Ibang iba. Hahaha.
"How old are you?" Pagtutuloy ni Sam. Sasagot na sana akonng may nanguna sa akin.
"She's 19 years old." Sagot ulit ni Kai.
Ha?
Bakit ba alam niya ang pangalan at edad ko? Stalker ko ba siya? Charot. Syempre hindi. Hindi naman niya gagawin 'yon sa isang tulad ko. Artista siya over me.
"Kai." Tinawag ni Eon si Kai. "Aminin mo nga. Ba't ba sagot ka nang sagot, eh si Eris tinatanong namin?" Nakakunot noo na sabi ni Eon.
"Oo nga. Kanina ka pa." Sang-ayon ni Kysler.
"I'm Kai. You should know me well about these things." Sabi niya habang sinuot ang mask niya at lumabas ng unit.
"Pa-mysterious si Koya." Sabi ni Eon. Natawa na lang sila Sam at Kysler sa tono ng salita ni Eon. Syempre hindi ko na rin napigilan at natatawa na rin ako.✘✘
"Hahahahaha!" Tawa ni Eon. "Hindi ko akalaing ginawa niya 'yon." Sabi niya sabay tawa ulit. Natatawa na rin ako sa mga kinukwento nila.
"Eris, oh." Iniabot sa akin ni Kysler yung tubig na ni-refill niya ulit. "Wag ka nang tumingin sa baba, ah. Baka mahilo at sumuka ka ulit. Hindi naman namin alam na fear of heights ka pala." natatawa niyang sabi. Tignan mo 'to, tinawanan pa ako. Nasa balcony kasi kami. Malay ko bang nasa 15th floor pala kami. Kung bakit kasi ang taas ng unit na kinuha nila.
Ininom ko na lang yung tubig na binigay sa akin ni Kysler. I checked the time and it's already 12:02 am na. Napahaba kasi yung mga kinuwento nila sa akin. Mula sa pagkakadapa ni Kysler sa Mall at yung umiiyak si Eon dahil sa rides sa Enchanted Kingdom.
Nakakaaliw yung mga sinasabi nila sa akin. Si Sam naman tahimik at nakikitawa lang. Sabi kasi sa akin Kysler kanina, "Wag kang mag-alala. Nangingilala lang 'yan." Bulong niya. Napailing na lang ako non.
BINABASA MO ANG
An Idol Beside Me (On-Going)[EXO FF.]
Novela JuvenilThis is work of fiction. And it's a taglish story.