9: Ifs

11 1 0
                                    

"Ahhhhhhh!" Napasigaw ako sa gulat at napabangon sa higaan ko. Hinawakan ko yung dibdib ko dahil hinihingal ako sa gulat. Tumingin ako sa kanya ng masama.

"Ano bang problema mo?!" Galit kong sabi habang tinatapik pa rin yung dibdib ko.

"Finally. You woke up." Pinatay na niya yung tugtog sa phone niya na rock na ang tindi ng pagkakakanta. Natutulog ako ng mahimbing tapos eto s'ya manggugulo! Aba! "You stupid. Ako ang nagmumukhang PA sa ating dalawa." Inirapan niya ako.

"Eh bakit ba? Ano bang gusto mo?" Naiinis kong sabi habang bumabangon.

"G called me a while ago. She said she need your number." Habang nagsasalita siya with a bored look na parang nabitin din sa tulog.

"Ha? Kailan tumawag?"

"Kakasabi ko pa nga lang diba?" He crossed his arms. "A while ago."

"Ba't ngayon mo lang sinabi?!" Napalakas yung boses ko dahil, una sa lahat, nabitin ako sa tulog. Pangalawa, mabaho pa hininga ko. Pangatlo, wala naman akong number kasi wala naman akong phone!

"Ngayon lang kita nagising. Ang hirap mo kayang gisingin. Atsaka pwede ba, stop shouting, baka akalain ng katabing unit natin ginagahasa kita though i'm not interested with..." tumigil siya saglit at tinignan ako mula ulo hanggang paa ".... flat." Mahina niyang sabi pero narinig ko pa rin 'yon.

I remembered someone when he said that. Pareho lang kasi sila nang sinabi 'non. Yung si Kuyang all black. Natawa na lang ako sa naisip ko.

"You're crazy." He said then he walked away. Nakita niya sigurong ngumiti ako.

"Hey!" I called him but he didn't manage to look back at me. Tsk. Pasaway. Tinignan ko kung anong oras na.

7:16 na. Pumunta ako sa cr at naghilamos ng mukha. Mahirap na noh, baka pag hinalikan ako ni Paul Kurt, e ang rungis ko. Hahahaha! Gandang imagination, Eris. Lumabas ako ng kwarto at hinanap siya kaagad. Naabutan ko siyang umiinom ng tubig. Tinignan ko siya habang umiinom ng tubig. Yung adam's apple niya. Jusko! Yung paglunok niya. Napalunok na rin ako.

"Stop staring at me like that. Para mo na akong hinuhubaran." Iling-iling na sabi niya. Magrereact pa sana ako pero tinalikuran niya na ako at pumunta sa kwarto niya. Tumakbo ako para sundan siya pero agad niyang ni-lock yung pinto.

"Hoy. Paul Kurt."

"What?!" Halata sa boses niya na ayaw niya akong makita.

"Open this."

"Why?"

"Siguro, papasok ako eh noh." Namimilisopo kong sabi.

"I can't open. I need magic." Sabi niya na nang-aasar.

"Anong magic ka dyan? Buksan mo na 'to." Saboy katok ko ng malakas sa pinto niya.

"What do you need?" Padabog niyang tanong.

"Wala kasi akong phone-- ay!" di pa ako natatapos binuksan na niya yung pinto at muntik na akong mahulog sa kanya kasi nakasandal ako sa pinto niya.

"Anong sabi mo? Wala kang phone?" Dahan dahan akong tumango. "I just remembered you have right? Ano yung pinang-pucture mo sa akin nung concert?" Nakakunot niyang noo na tanong. "Wag mong sabihing nakaw 'yon?"

"Hoy, hindi ah!" Sabi ko with hand gestures.

"Eh, nasaan na?"

"Nawala kasi eh." Napakamot ako ng batok.

"Ugh. Bwiset!" Sinara niya ulit ng malakas yung pinto. Ramdam ko yung impact sa mukha ko grabe.

"Wow. Yung impact, o! Tamang tama sa mukha ko. Grabe. Woo." I said sarcastically. "Nakakainis." I whispered to myself. Napatigil ako sa paglalakad ng bumukas ulit ang pinto.

"Get dress. We will go out." Pagkasabi niya non, sinara niya ulit yung pinto nang pagka-lakas lakas. Talaga naman, o! Kung hindi lang talaga siya si Paul Kurt, niwrestling ko na yan eh. Yung tipong ia-upper cut ko, tapos yung kick. Ganon! Pero dahil siya si Paul Kurt e, tumba ako.

Dumiretso ako sa cr ng kwarto ko. O diba, bongga yung kwarto ko. Malaki na nga may cr pa. Doon kasi sa mansion malaki yung kwarto ko 'don dati, kaya lang inangkin na 'yon ni Clarisse at wala naman akong choice kundi sa small room matulog na para lang sa mga maid na walang matulugan. Inalis ko 'yon sa isip ko at nagtanggal na ng damit.

Hinawi ko yung kurtina. Tumapat ako sa shower at in-on ko iyon. Pero fuck, ba't walang tubig na lumalabas? Panay on and off ko, pero wala pa rin. Napabuntong hininga ako at humawak sa sintido ng ulo ko. Nakakainis naman. Condo nga ng sosyalin, malaking kwarto na may cr nga, wala namang tubig. Ba't kaya wala? Naputulan kaya kami? Argh! Imposible!

Pupunta sana ako sa kusina ng maalala kong nakahubad nga pala ako. Kaya kumuha ako ng towel at itinapis ko 'yon sa sarili ko. Paglabas ko ng kwarto tumungo agad ako sa cr doon. Tatlo kasi yung cr dito. Dalawa ang room. Syempre isang sala at isang kusina. Duh. Papasok na sana ako ng-- "What are you doing?"

"Ay butiking palakang lumulundag!" Sabay hawak sa dibdib ko.

"Huh?"

"Nak ka naman ng-- ano ba? Ba't ka nanggugulat? Jusmiyo!" Panay ang tapik ko sa dibdib ko.

"E, anong gagawin mo?" Tanong niya. Nakita ko siyang may nakasabit na tuwalya sa balikat niya at naka boxers lang. Inshort, naka-topless siya. Tutulo ata laway ko ngayon ah. Gusto kong dumila ng pandesal. "Hoy." Ay peste. Panira ng emahinasyon to.

"A-ano nga ulit 'yon?"

"Sabi ko anong gagawin mo?"

"Malamang maliligo." Pagtataray ko sa kanya para mapagtakpan yung pagnanasa ko sa kanya. Omg. Bad Eris. I pouted at my thoughts.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Kaya ginawa ko rin sa sarili ko 'yon. Nang marealize ko 'yon, sabay kaming tumalikod sa isa't isa.

"a-anong g-ginawa mo... d-dito? Ha?" Nauutal kong sagot.

"M-maliligo din naman noh!" Malamang sa malamang wala rin tong tubig sa cr niya.

"Mauna ka na." Sabay namin sabi.

"Ikaw na mauna." Sabi niya. At umalis.

Pumasok agad ako ng cr at nilock 'yon saka ako nag walling. Jusko! Nakatapis lang ako ng tuwalya non. Ayoko na! First time 'yon noh! Kahit na naka tapis lang ako.... e ayoko pa rin! Ayoko na! Huhu. Pero patas lang din naman. Nakita ko rin naman syang naka topless lang! Hihi. I'm so bad!

Pagkatapos kong maligo binuksan ko na ang pinto ng banyo at inobserbahan ang paligid kung may tao man. At salamat naman, wala. Pumunta ako sa kwarto ko at ni-lock ko kaagad.

Nagbihis na ako at humarap sa full body mirror. Normal lang naman yung suot ko. Above the knee na shorts, hindi naman ako kagaya ng iba na nagpe-pekpek shorts. 'Di ko ata kaya 'yon. Yung damit ko naman, white sando at sinakahan ko na ng stripe longsleeves na red. Isinuot ko na ang body bag ko at tadah! Ok na. Nag-add lang ako ng polbo sa mukha dahil nangingintab ang mukha ko.

Paglabas ko, saka rin pag labas ni Paul Kurt sa cr. Naka towel lang at basa pa. Pwede bang tumalon talon dito. 'Di ko na keri to. Jusme. Narealize kong palapit siya nang palapit sa akin. Ganito yung napapanood ko sa TV, yung bigla ka na lang hahalikan at yun na ang happy ending. Grabe.... hindi kaya....

Nagulat ako sa ginawa niya. Sinara niya ang bibig ko. "Baka tumulo." Sabi niya ng may ngisi sa mukha. At iniwan niya ako don na tulala. Ang hangin grabe! May bagyo ata dito eh! Hu!

Nagkibit balikat na lang akong pumunta sa sofa at hinatayin siya. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Kung alam ko lang kanina pa ako nauna sa kanya 'don. Dahil medyo nainip ako, nagikot-ikot muna ako sa paligid. Ang bagsak ko ay sa balcony. Masarap ang simoy ng hangin ngayon dahil umaga pa lang hindi pa masyado sumisikat ang araw. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig.

Naisip ko, paano kung hindi ako nakapunta sa concert? Paano kung hindi ko naiwan yung bag ko sa table niya? Paano kung hindi ko siya sinipa sa 'alam mo na'? May mapupuntahan kaya ako sakaling pinaalis ako ni Tita? Huminga ako ng malalim. Saka ko lang naalala yung all-black-guy. Kahit na pangit yung naging samahan namin ng una, siya yung naging dahilan kung bakit ako nandito ngayon. I want to see him and thank him. Hindi ko man siya kilala pero alam kong napakabait niya. I wonder kung nasaan siya ngayon.

--

:))

An Idol Beside Me (On-Going)[EXO FF.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon