I'm Done

97 3 1
                                    

"Tigilan na natin to. Sawa na ako" literal na napanganga ako sa sinabi niya and nagbagsakan yung mga luha ko. How could he?

"Hindi ba ako ang dapat na nagsasabi niyan sayo Dave? Hindi ba dapat ako ang nagsasawa dito sa set-up na to? Pero ano? Hindi ako nagsasawa kasi mahal kita. Mahal na mahal kita Dave. Bigyan mo pa akong isang chance. Mamahalin mo din ako. Nangangako ako. Papatunayan kong karapat dapat mo akong mahalin" umiiyak kong sabi at saka inakap siya ng mahigpit na parang ayaw ko na siyang pakawalan. Pumalag naman siya pero hindi ako natinag, mas hinigpitan ko pa yung yakap ko. Pero talagang ayaw niyang yakapin ko siya kaya mas napaiyak na lang ako ng malakas niya akong tinulak para mahiwalay sa kanya.

"Stop it already Erika. Ayoko ng magpanggap. Can you atleast love yourself? Nakakaawa ka" parang binuhasan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Tumayo ako at hinarap siya. Tinignan ko siya ng masama.

"Nakakaawa? E putangina mo pala e" galit na galit kong sigaw sa kanya at tinulak ko pa yung balikat niya. Anong karapatan niyang sabihin sa akin na nakakaawa ako? E simula't sapul siya naman ang may kasalan nito e.

"Anong karapatan mo? Unang una sa lahat Dave hindi naman ako yung may gusto ng set up na to diba? Ikaw! Ikaw yung may gusto, para ano? Para magselos si Yasmin at balikan ka? Nung una pa lang sabi ko sayo hindi ako payag diba? Kasi alam kong mangyayari to! Kasi alam kong mahuhulog ako sayo. Pero putangina! Nagmakaawa ka! Sinong santa naman ako para hindi pagbigyan yung bestfriend ko. Edi ayun pinagbigyan kita. Tapos eto na nga hulog na hulog na ako sayo. Tapos iiwan mo ako sa ere? Tangina mo Dave" umiiyak kong sabi sa kanya pero wala akong mabasa kahit na isang ekspresyon sa kanya. I hate him. I really hate him.

[Flashback]

"Erika, favor naman oh" nakakunot yung noo kong binaba yung librong binabasa ko at tinignan si Dave.

"Ano na naman?" walang ganag sabi ko sa kanya. Parang tutang nagliwanag naman yung mata niya at nagwi-wiggle-wiggle yung invisible buntot niya.

"Pwedeng magpanggap kang girlfriend ko? Pagseselosin natin si Yasmin para balikan niya ako" napakurap ako nang madaming beses sa sinabi niya.

"Are you nuts? No way!" mabilis kong sabi. Ano ko tanga? Eh crush ko na nga siya ngayon tapos pag nagpanggap pa kaming mag-on edi for sure, hulog hulog na ako sa kanya.

"Sige na please Erika, bestfriend naman tayo e. Diba yung mga mag-bestfriend nagtutulungan? Sige na oh" umiling parin ako. Ayoko! Ayoko talaga. Wala na nga akong balak na palalimin tong nararamdaman ko sa kanya tapos siya naman yung gumagawa ng paraan para lumalim yung nararamdaman ko sa kanya. Hayyy.

"Ayoko pa rin Dave. Sige na, aalis na ako baka hinahanap na ako ni Mommy" sagot ko sa kanya at niligpit yung gamit ko at tumayo na. Pero bago pa ako makalayo ay hinwakan niya na agad yung kamay ko dahilan para mapahinto ako.

"Dave. Please, ayoko talaga" nagmamakaawa kong sabi sa kanya.

"Just this one Erika. Please, just this one, I really want her back. Come one, say yes. Please Erika" nagmamakaawa niyang sabi pero umiling lang ako. Agad na nanlaki yung mata ko ng bigla siyang lumuhod sa harap ko habang hawak yung dalawang kamay ko.

"No no no! Come on Dave. Stand up, don't do this. Come on" sabi ko sa sankanya pero umiling iling lang siya. How can I reject his favor? God! Alam kong malaking hamon sa akin to pero please po, wag niyo po hayaang mahulog ako ng sobra sobra.

"Okay now. I'll help you" sabi ko maya maya pa ay biglang umangat yung ulo niya at tuwang tuwang tumayo saka ako inakap. How can I say no to this man? God! Sana po tulungan niyo ako sa magiging consequence ng planong to.

I'm DoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon