**
REGRETS OF LETTING YOU GO..
- - - - - - - - -
"Sana ako parin... Ako na lang.. Ako na lang ulit.."
Hingang-malalim.
Grabe talaga ako maka'relate sa movie na 'to... Ilang beses ko na nga 'tong napapanuod eh.. At ilang beses na rin akong umiiyak.. Ewan ko ba. Relate na relate ako masyado sa storya ni Popoy at Basha.
Pag pinapanuod ko to, lagi kong naaalala yung Ex-boyfriend ko.. Si Raphael.. Nag'break kami nung 2nd anniversary namin.. Take note ha.. ANNIVERSARY namin..
Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at nakipagbreak ako mismo nung araw na yun.. Parang sinaniban nga ata ako nun eh.. Pero ang pagkakatanda ko kasing dahilan kung bakit ako nakipag break, eh SELOS.. Nag selos ako sa kaibigan niyang babae.. Hindi naman niya kasi yon bestfriend.. Ang sabi niya sakin, natulungan lang daw siya nun..
And BOOM! Nung araw ng anniversary namin, tumiming naman sa paghingi ng tulong si Girl.. Kesyo daw, nag break daw sila ng boyfriend kuno niya... Hindi daw niya alam gagawin niya.. Psh. Naiinis parin talaga ako pag naaalala ko yun.. Pano, yung shunga ko kasing boyfriend.. Este, Ex-boyfriend.. Ayun.. Nagpadala sa drama ni Girl at iniwan akong mag isa sa resto na kinakainan namin..
May sapat na reason naman ako diba? Pero alam kong may mali din ako.. Hindi ko kasi siya hinayaang mag'explain.. At yun ang pinagsisisihan ko hanggang ngayon..
3 months na simula nung nangyari yung break-up namin.. At hanggang ngayon.. Heto parin ako.. MAHAL NA MAHAL parin siya. AT ANG SAKIT-SAKIT NA.
*Flashback*
(1 week after the break-up happened)..
Sobrang bored na ko dito sa bahay. And worst, namimiss ko na siya.. Tae! Naiiyak nanaman ako! Tsk! Ang sakit sakit na ng dibdib ko kakapigil sa iyak na 'to. Ano pa bang kelangan kong gawin para lang makalimutan siya?
Sinubukan ko siyang itext. Actually, flood na yun. Pero wala.. Wala akong natanggap ni isang reply galing sakanya. Tapos.. Bwisit pa tong kwarto ko na to! Lahat na lang ng tignan kong parte, pinapaalala siya. And I hate it. Ibigsabihin, hindi na talaga ata ako makakamoveon.
Tumunog ang cellphone ko ilang sandali pa habang nakatulala ako. Madali kong hinanap ito para tignan kung siya na ba yung nagtext. Ugh! San ko nga ba nalagay yun?
Isa-isa kong pinaghahagis yung mga unan at kumot na nasa higaan ko. Agad akong napatigil ng marinig ang mahinang kalabog ng maliit na bagay sa sahig ng kwarto ko.
Pinindot ko ang kaisa-isang mensaheng lumabas sa cellphone ko at napangiti ng nakitang pangalan ni Raphael ang lumabas. Thank God! Nagtext na siya!
Gusto kong pindutin ang pangtawag pero nagdalawang isip kaagad ako. Pano kung ayaw pala niya kong makausap? Pano kung babaan niya lang ako? Hayy.. Para na kong baliw kakaisip sa mga problemang dulot niya! Argh!
BINABASA MO ANG
Regrets of Letting you go.. [ONE-SHOT]
RomanceA story of a teenager, who broke up with her boyfriend because of jealousy. Read and find out the root of her problem.