***
LOVE OF MY LIFE...
- - - - - -
Sabi nila... Masasabi mong totoo ang pagmamahalan ng dalawang tao kung parehas silang seryoso... Yung tipong, kung mag away sila.. Kaya nilang ayusin yun ng magkasama.. Yung lagi silang nagtutulungan sa lahat ng paraan.. sa lahat ng sitwasyon.. sa lahat ng problema.. Na kahit na, sobrang nahihirapan na sila.. Walang sumusuko kase, MAHAL nila ang isa't isa...
Parang kame.. Si Christian.. Boyfriend ko na siya since Highschool..
Noon, akala ko... Para lang kaming naglalaro... Parehas naming hindi alam kung ano yung salitang 'SERYOSO'.. Pano, lagi kasing may nakapaligid saming iba.. Kahit kame pa nun, nagkaron kami ng 'FLINGS' sa iba.. Pero, never nagkaron ng ka'relasyon na parang samin..
Pano namin natiis yun? Ewan ko rin... Siguro.. May sapat kaming 'TIWALA' sa isa't isa... Alam kong ang weird.. Pero, tinigil din naman namin kaagad yun nung pagka'Graduate namin ng 4th year.. Napag'desisyunan na kasi naming mag seryoso..
Nung nag'College naman kami.. Pumasok kami sa iisang school.. Sabi ko kasi sakanya, para mabantayan ko siya.. Haha. Nag'away pa nga kami dahil dun.. Kasi sabi niya, parang wala daw akong tiwala sa kanya.. Pero sa huli.. Nanalo parin ako... Syempre.. Kase, SOBRANG MAHAL niya ko..
Minsan nga... Natatakot ako.. Na baka pag gising ko, bigla na pala siyang na'Overdose sa sobrang pagmamahal niya sakin... Kaya sinabihan ko siya one-time.. Na wag niya ko masyadong mahalin.. Masama rin kasi minsan ang sobra diba? Kaya ayun.. Nakinig naman siya..
Dumaan ang mga oras, araw, buwan, at taon.. Nung nag 3rd year college kami.. Napagdesisyunan naming mag hiwalay muna... As in 'BREAK'.. Yung walang communication.. Walang kahit ano.. Walang Christian sa mundo ko...
Bakit namin ginawa yun? Wala namang sangkot... Walang third party... Walang lokohang nangyare.. Napagisipan lang namin na i'test ang sarili namin.. Naisip kasi namin na baka, hindi parin kami yung para sa isa't isa... Na baka, pag may nakilala kaming iba.. Mas mahalin namin yun kesa sa pagmamahal namin para sa isa't isa..
Nagkaron kami ng sarili naming buhay non.. Nagkaron siya ng Girlfriend.. At syempre ako rin.. Nakilala ko si Carlo.. Nakipag blind date kasi kami ni Christian nung napag usapan namin yun.. At ayun.. Parehas naman nag work yung relationship naming dalawa.. Yung sakanya, masaya daw sila.. Yung akin, masaya rin.. Naging komportable kami sa isa't isa... Medyo nakalimutan ko siya..
Pero, makalipas ang dalawang taon... Nagkita na ulit kami.. Kasama din kasi yun sa pinagusapan namin.. Na pagkatapos ng dalawang taon.. Dapat magkita kami.. At dun kami mag dedesisyon..
Nung mismong araw ng pagkikita namin... Sa dati naming school.. Kung saan kami unang nagkakilala.. Kung saan nagsimula lahat ng memories namin.. Kung saan nagsimula ang storya namin..
"Janna/Christian.."
"Kamusta ka na?" Unang tanong ko sa kanya nang pagkalapit ko sa kanya...
"Heto...WALANG PINAGBAGO.."
"Talaga? Eh kayo ni Roxanne?"
"Janna... Wala na kami... Matagal na.."
"Ha? Bakit? Anong nangyare?"
"Uh... Uhm.. Eh kayo ni Carlo?"
"M-matagal na rin kaming hiwalay Christian.."
"Bakit?"
"Ka-kase... Ano.. Christian kase..."
Nilapitan niya ko ng dahan dahan.. at hinawakan niya ang dalawang kamay ko..
"Janna... Alam ko na..." sabay hinawakan niya ang kanang pisngi ko..
Hinawakan ko naman ng kanang kamay ko yung kamay niya, habang hawak niya ang pisngi ko..
"Christian..." Hindi ko alam pero.. naiiyak na ako.. Hindi ko alam kung bakit.. Pero, sa tingin ko.. Dahil sa saya...
"Janna.. I'm still.... choosing... you.."
Hindi ko na napigilan.. Tumulo na talaga ang mga luha ko dahil sa sinabi niya... Parehas lang pala kami.. Mahal parin namin ang isa't isa.. Kahit na.. Malayo pa kami sa isa't isa ng sobrang tagal... Kahit marami pa kaming makasalamuha na ibang tao.. Kami at kami parin ang magkakatuluyan...
"And so do I Christian..."
"I love you Janna... till forever.."
"I love you too Christian.. till forever.."
Lumapit ng lumapit ang mukha niya sa mukha ko.. Hanggang sa mag dikit ang mga tuktok ng ilong namin..
Pinunasan naman niya ang mga luhang umagos sa pisngi ko.. at idinikit ang labi niya sa labi ko.. Matapos ang ilang segundong pag dampi ng labi niya saakin.. Humiwalay na siya at tinitigan ako sa mata..
"Mahal na mahal kita Janna.." sambit niya ulit..
"Mahal na mahal din kita Christian.."
Pagkatapos ng araw na 'yon.. Nag simula ulit kami sa umpisa.. Dahil sa tingin namin.. Handa na kami sa panibagong lebel ng buhay namin..
At heto ako ngayon.. Nasa harap ng pintuan ng simbahan.. Nakasuot ng napaka'habang damit na napaka'puti.. Papunta sa harap ng altar.. Para sabayan ang magiging kasama ko sa pang habang buhay, na sumumpa sa harap ng mga taong nagmamahal samin.. sa mga naging saksi sa pagmamahalan namin.. at sa harap ng Diyos..
Alam kong sa pagtapos ng araw na ito.. Dun palang magsisimula ang panibagong landas na tatahakin namin ni Christian.. Kasama ang pagmamahal namin sa isa't isa.. Hanggang sa katapusan..
Alam kong marami pa ang dadating saaming problema.. Pero sisiguraduhin kong malalagpasan namin yon ng magkasama..
Dahil mahal na mahal ko siya.. Hanggang kamatayan.. Hanggang sa pangalawang buhay.. Siya at siya parin.. At alam kong pati siya, ganun din..
--------------------
2ND ONE-SHOT :)
THANKS FOR READING!
VOTE&COMMENT :>
BINABASA MO ANG
Love of my life.. [ONE-SHOT]
RomanceA couple parted from each other.. Will they have their happy ending?