Chapter 19

15.1K 283 2
                                    

Kanina pa ako di mapakali at galit na galit sa mga staff ng hospital dahil kanina pagdating ko sa kwarto ni Themarie ay nawawala na ito.

Unang naisip ko nga ay baka nagising na ito at nasa bathroom kaya naman agad na pumunta agad ako dun pero nanglata lang ako at nagsimula nang magpanic nang di ito nakita dun.

Agad na pumunta ako sa clinic ni Tita Sanchi at tinanong ito kung may kumuhang nurse kay Themarie at kung nagkasalisi lamang ba kami pero hindi ang naging sagot nito kaya naman halos ipagalugad ko na ang lahat nang sulok nang hospital sa mga guard para makita agad si Themarie pero wala talaga eh.....

Nagtanong din ako sa may Nurse station if nagawi dun si Themarie pero pawang iling at hindi lamang ang nakuha kong sagot sa mga ito....

Nagwawala  na nga ako pero pinakalma ako ni Tita Sanchi .....

Kaya naman nandito kami ni Tita Sanchi sa office ng pinakahead nang mga guard para makita sa mga CCTV footage kung nakita ba dun si Themarie.

"Mr. Pascua nakita na namin ang asawa nyo eto po oh" turo agad sa akin nun head sa isang footage kung saan kitang kita ko si Themarie na paika ikang naglalakad papalabas nang hospital.

God  nagising na nga si Themarie dapat matuwa ako pero wala ako dun sa saktong time na bumalik na ang malay nya.....
Ang gandang Timing.....naiinis na naisip ko.

Tumango ako sa head at pinagmasdan maigi si Themarie hanggang makalabas na ito nang hospital.

Kailangan na matawagan ko si Manang Dolor at baka pauwi na si Themarie dun tapos wala pa kami ni Percy dun sa bahay.... sukat sa isipin na yun ay dali daling dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa nang pantalon na suot ko at dinayal ang numero sa bahay.

Agad naman na sumagot na sa akin sa unang ring pa lamang si Manang Dolor.

"Manang Dolor nakauwi na po ba dyan si Themarie?" Di na nagpatumpik tumpik pa na agad na diretsang tinanong ko na agad dito.

"Ha?! Bakit nagising na ba si Themarie Jasper?" Excited na balik tanong sa akin ni Mang Dolor.

"Opo Manang Dolor pero di ko po ito nakita kasi nag uusap kami ni Tita Sanchi para nga sa paglabas nilang mag ina ko tapos pagbalik ko wala na po si Themarie at nakita nga po sa CCTV nitong hospital na papalabas na si Themarie, Manang pakiusap lang pag dumating na si Themarie dyan tawagan nyo agad ako" paliwanag ko dito.

"Oo Jasper akong bahalang magbantay dito" agad na sagot ni Manang Dolor sa akin at agad na nagpaalam na ako dito at ang mga Gwardiya naman ang hinarap ko.

"Pag may nangyaring masama sa Asawa ko dahil sa kapabayaan nyo di ako magdadalawang isip na ipatanggal kayo kay Tito Herard" banta ko sa mga ito na napayuko na lang.

Agad na lumabas na ako at pinuntahan ang Anak ko.

"How's my baby Percy?" Agad na tanong ko sa nurse na nagbabantay sa anak ko.

"Nakatulog na po sya Sir" sagot nito.

"Salamat, Iwan mo muna kami nang Anak ko at nga pala pakiayos na ang mga gamit nang mag ina ko uuwi na kami nang Anak ko" pagtataboy ko dito.

Agad na nag excuse naman ito at naiwan na kami ni Percy sa kwarto.

Maingat na binuhat ko ang anak ko na himbing na himbing pa din sa pagtulog.

Hey my little kid your Mommy is already awake at soon she will meet you for the very first time after the accident that made her sick and your Older sister untimely death and also your surprise appearance I'm really really sure when I have to tell her everything she will start crying and mourn your Sister but hey we are here for her right? and I'm sure your Mommy will surely adore you and love you mana ka sa akin eh...... natatawang naisip ko at saka hinagkan ang noo nito.

Bahagyang umingit si Percy pero di naman ito nagising at pagkatapos ay ngumiti ito na tila nanaginip nang maganda.....

"Uuwi na tayo at baka nandun na ang Mommy mo and soon after that we will start anew and together just the three of us" bulong ko dito at saka karga karga ito ay lumabas na ako sa kwarto na iyun......

FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon