Chapter 6
Maaga akong nagising kinaumagahan. Nauna pa ako kila nanay dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko. Nagsindi ako ng kalan de uling namin para maginit ng pangbanto sa aking paligong tubig. Naglagay narin ako ng sinaing sa lutuang gazul. At pagkatapos ay naupo sa sala at naghintay na magising ang mga magulang...Habang nakaupo ay di ko mapigilang magbalik tanaw sa nangyari kagabi... Kinausap ako ni Lawrence tungkol sa bagong kaibigang nakilala ko habang wala ito.
Lawrence: Sino yung bago mong kaibigan? Wala ka bang planung ikwento saken?
Ako: Syempre ipapakilala ko sya sayo. Pero bukas na kasi gabi na... Siguradong tulog na yun...
Pansin ko na mataman ako nitong pinagmamasdan...Magkaharap kame nito sa siso habang pantay ang balanse ng pagkakaupo naming dalawa... Hindi lang ito ang unang beses na tingnan nya ako ng ganito simula ng mahalikan nya ako. Na lalo kong ikinailang dahil hindi ko alam kung anung tumatakbo sa isip nito.
Lawrence: Anung room nya?
Ako: Hehehe yun lang nakalimutan kong itanung sa kanya...Bagong transfer daw sya...
Lawrence : Kaibigan mo na sya wala ka pang alam tungkol sa kanya?
Ako: Syempre nahihiya akong magtanung...Baka isipin nya chismosa ako...Ang gwapo pa naman nun...mas gwapo kay Jahiro...Staka mabait at binibig☆☆☆
Lawrence: Bakit type mo sya? Ang bata-bata mo pa yan na nasa isip mo.
Ako: Hindi ko naman sinabi na type ko sya ah...Staka bakit ba parang galit ka?... Anu bang masama sa sinabi ko?....
Lawrence : Ayokong nakikipagkaibigan ka sa iba..
Yun lang at tinalikuran ako nito at nagtungo na papuntang bahay nila. Dahil sa bigla pagtayo nito sa siso bumagsak ako sa lupa kasama ng siso hindi naman ako nasaktan pero nagtaka ako sa inasal nito... Napanguso ako pero sa huli napangisi rin dahil alam kong may kakaiba sa mga kilos nito simula ng first kiss namin... Naiwan akong nagiisip sa huling sinabi nito...
Pero sa isang banda...kinikilig ako! Dahil iniisip kong nagseselos ito na may iba akong maging kaibigan lalo na't lalaki. Ang ganda ko naman...para pag-agawan ng isang prinsipe at isang gwapong payatot na kapre...Nahinto ang paglalakbay ng isip ko ng magising na si inay at napansin ako.
Oh anak....Bat di mo ako ginising?... Parang nananaginip ka pa ah... alas singko kinse palang oh...
Kanina pa ako gising nay...di na ako makatulog ulit...mabilis naman ang oras mayamaya lang maliligo na rin ako...
Sya sige. Pero wag masyado magbabad ng mata sa tv at maliligo ka...
Opo nay...nay may tinapa ba tayo? Parang masarap ang tinapa sawsaw sa kalamansi't sili...
Meron...sya sige yun nalang lutuin ko... Anak gusto mo ng tocino? Baon mo sa school?
Ayoko nay...
Ubos na ung tilapia...me pork dito gusto mo?
Ayoko rin...tuyong biklad nalang po...at lagyan mo ng kamatis na may toyo po.
Hindi ba nakakahiyang nagbabaon ka ng ganito sa school?
Hindi naman nay... sa loob naman ako ng room ko nakain. Hindi ako nalabas...
Ok sige ikaw bahala...
Natapos na akong mag-agahan at maligo at magbihis. Tapos na rin ang itay at naglabas ng bahay para dumiresto sa garahe at istart ang sasakyang gagamitin sa paghatid sa amin. Nang matapos ako ay nagpaalam na rin ako kay inay.
YOU ARE READING
AUDREY
AléatoireFriends...Hanggang dyan lang kame ni Lawrence. Lumaki ako na madalas syang nakikita...nakakasama... Hanggang sa dumating yung punto na unti-unting minamahal ko na sya. Hindi dahil kaibigan... Sya ang pangarap kong makasama hanggang sa tumanda kame...