"Bakit kayo nagbreak?"
Yan ang madalas itanong sa akin ng mga taong nakakakilala sa aming dalawa. May ilang nagsasabing sayang kami. We are 'the lucky ones' pa nga sabi nila. Perfect kami sa isa't isa. We complement each other.
"Ang tanga mo!"
Yan naman ang reaksyon ng mga kaibigan ko noong nalaman nila kung anong nangyari. Noong una nga pinilit pa nila akong makipag- ayos at humingi ng sorry. Pero wala eh, pinanindigan ko yung desisyon ko.
Sinuyo pa nya ako. Pero kahit anong gawin at sabihin nya, hindi nya na mababago ang desisyon ko. Nagmatigas ako. Nagalit pa nga ang mga kaibigan ko sakin. Ang arte ko raw, andyan na nga sya. Hindi nila ako pinansin for almost a month dahil doon.
Hindi ko naman sila masisi. Maski rin naman ako naiinis ako sa pinaggagawa ko. Naiinis ako sa katigasan ng ulo ko. At naiinis ako sa kamanhidan ng puso ko.
Mahal ko sya.
Alam ko naman iyon. Mas nauna nga lang mga kaibigan kong makaalam non. At hindi nya iyon nalaman.
I was never good with relationships. I fuck everything up. Nakikita ko palagi yung mga mali sa lahat ng gagawin nya. Kadalasan ang mga mali ko ang nakikita ko.
Ginugulo ko ang lahat. Hinahanapan ng butas ang mga bagay na ayos naman. Hinahanapan ko ng gusot. Naniniwala kasi akong walang perfect na nag-eexist.
I will always predict when it will end. Then sometimes I end it soon just so I can save myself from the damage it can cause. And everytime I'm doing this, I always end up alone.
Katulad ng nangyari sa amin. I end up alone. At lahat ng sisi ay nasa akin.
Natatakot kasi ako. Natatakot ako sa pagmamahal na binibigay nya. Natatakot ako sa kung ano pang pwede nyang gawin para sa akin.
Natatakot ako sa pwedeng mangyari kinabukasan. Natatakot ako na masasaktan ko lang sya. Natatakot ako na baka hindi ko naman deserved ang pagmamahal na yon.
Natatakot ako na magkamali. Natatakot ako na tanggapin lahat ng binibigay nya baka kasi bigla nyang marealized na hindi ko naman deserved yun. Natatakot ako para sa aming dalawa.
Natatakot akong maging sobrang saya baka kasi sobra rin yung maging kapalit non. Natatakot akong suklian yung nga binibigay nya baka kasi kulang o sumobra. Natatakot akong panghawakan ang mg assurance nya baka kasi sya naman yung bumitaw.
At natatakot akong masaktan sa huli. Natatakot akong madapa at di na makabangon. Natatakot akong iwanan nya kaya naman ako ang nang- iwan.
Hindi naman raw masamang matakot. Normal lang sa tao yun. Pero kung magpapadala ka sa takot mong iyon, yan ang magiging dahilan kung bakit ka nakakagawa ng katangahan. Nabasa ko yan minsan sa librong binabasa ko. At eto nga, ako ang best example ng nagpakatanga dahil sa takot.
He was mad at me for always rejecting him. He's mad at me for always neglecting him. He was mad at me for pushing him away. He was mad at me for not giving him the reason he deserves to know. He was mad at me for hurting him repeatedly.