"tot-tot. . .tot-tot. . 1 message received"
Nagising ako..4:30 na pala ng umaga. Binasa ko yung text: "gud mowning :) "
Ses.akala ko kung ano. Akala ko siya yung nagtext. Akala ko lang pala ulet yun. "Ayos lang, magkikita naman kami mamaya sa school, hehehe. . excited na ako" bulong ko sa sarili ko na abot kisame ang ngiti.
Maya-maya'y bumangon na ako mula sa anim na oras na pagkakahimlay.mula sa higaan at agad na pumunta sa kusina para magtimpla ng kape. Sariwa pa rin sa aking alaala ang kahapong nagdaan.
"tot-tot. . .tot-tot. . 1 message received"
May nagtext na naman. Excited kong tiningnan kung sino ang nagtext. As usual, mali na naman. Akala ko siya na.
Mag-aalasais na ng umaga. Kailangan ko nang maligo para di mahuli sa eskwela. Pero para bang hindi ako mapakali, maraming mga bagay-bagay ang naglalaro sa isip ko sa oras na yaon. This day is so unusual, so weird. Pero deadma lang. I need to go to school as early as possible. Ayoko mag-dramatic entrance sa klase.
Habang naglalakad ako papunta sa eskwelahan ay sumagi ulit sa isip ko yung nangyari sa akin kanina. Hindi ko maintindihan. "Ano'ng meron?" bulong ko sa sarili ko.
"Tulala ka yata?" Napalingon ako. Si Albert pala. Kaklase ko. Napansin yata akong malayo ang tingin habang naglalakad. "Uy, ikaw pala, good morning!" bati ko.
"Lalim ng iinisip mo ah! Inlove ka noh? Hahaha" biro niya. "Shunga. Hindi ah, may iniisip lang ako" sabay ngiti sa kanya habang naglalakad papunta na sa klasrum. Biology class namin ngayong 7:00 a.m.
Hindi ko namalayan na nasa ekwelahan na pala ako. "Good morning po, Mang Ernesto" bati ko sa kanya nang makasalubong ko sa hallway ng aming kolehiyo. Isa siyang masipag na janitor sa kolehiyo namin. Bago sumikat ang araw ay nasa school na siya para maglinis ng mga kalat sa loob at labas ng school building namin.
"Good morning din Ram, ang aga mo yata?" tanong niya. "Opo, ayoko po kasing ma-late" tugon ko habang papasok na sa classroom namin.
Pagpasok ko sa classroom, nandoon na siya. "Wow, ang aga mo naman" sambit ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Ayoko ko kasing ma-late" sabi niya. "Ah, ganon ba? Sabi ko, "parehas pala tayo, hehehe" sabay ngiti sa kanya.
"What a beautiful thing to start the day! Umaga palang buo na araw ko, hahaha" bulalas ko sa isip ko na para bang tumatalon sa tuwa.
Siya nga pala si Vince. Ang pinaka cute and handsome na kaklase ko. Maputi, chinito, mga 5'7" ang height, astig mamorma, matalino, pero may pagkasuplado nga lang minsan lalo na pag di kayo close. Pero mabait naman siya. Pramis. Maraming nagka-crush sa kanya sa school. At isa na ako dun. Hahaha. Isa siyang campus figure. Pero higit sa lahat, hindi siya mayabang. At yun yung isa sa mga katangian na gusto ko sa kanya.
Maya-maya pa'y isa-isa ng nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Maingay. Nagtsitsismisan at nagpapalitan ng kuro-kuro at opinyon. 'Future teachers talaga, bahagi ata ng curriculum ang pakikipagdaldalan..ahaha" bulong ko sa sarili ko. Si Vince naman ay mahilig umupo sa hulihan, ayaw kasi niyang may nakaupo pa na kaklase sa likod niya.
Nakaupo ako sa pangalawang upuan mula sa unahan. Nagmumuni-muni, nagmamasid na para bang may hinahanap na di matagpuan. Hindi na naman ako mapakali. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang professor namin. Nag-check muna ng attendance. Tinawag ang pangalan niya. "Sir, absent" sigaw ng isang kaklase ko. "luh? lumabas ata" bulong ko sa sarili ko. Baka nag-CR lang or may binili lang sa labas.
Natapos na ang klase sa biology class namin. Alas –otso na ng umaga. Vacant time namin then after one hour will resume ulet for the next class. Lumabas muna ako at tumambay sa academic lane para makapagreview since may long quiz kami sa assessment ngayong 8 am.
BINABASA MO ANG
Txt.
Short StoryThis is about a story of a college boy named Ram who used to have feelings for someone who used to be his crush in his school. The twists and turns happened in a single setting that made him believed that feelings are really felt by heart..even thou...