Chapter 1 ❤

8 0 0
                                    

"Good morning baby! Musta na ang pakiramdam mo?"

"Okay na po ate nurse."

"Wala na bang masakit sayo?"

"Wala na po ate nurse. Strong na po ako."

"Wow baby! Very good. Mamaya, pupunta si Doc dito para tingnan ka. Pag sinabi nyang magaling ka na, pwede ka nang umuwi."

"Talaga po ate nurse? Yehey!!!"

Yun ay si Jeremy. Naconfine sya dahil sa dengue. Mabuti na lang at maaga syang nadala sa ospital at nasalinan agad ng dugo dahil sobrang baba na ng platelets nya. Magtu-two weeks na nga sya dito kaya masayang masaya syang makakauwi na sya mamaya.

It's good to have this feeling of fulfillment to see patients smile and thank you sa pag-aalaga mo sa kanila.

"Hello Hana" bati ko kay Hana, kasama kong nurse at tinuturing kong bff ng pumunta ako sa nurse station.

"Charm, kumusta? Absent ka kahapon ah?" tanong nya.

"Oo. Death anniversary kasi ng parents ko."

"Ganun ba. Pero bakit parang malungkot ka?"

"Nakita ko ang lolo at lola ko."

"Tapos? Ano nangyari?"

"Umalis agad ako. Mahirap na pag nakita nila ako. *sigh* Hindi ko man lang nailagay ang flowers na dinala ko."

Lumapit si Hana at niyakap ako.

"Okay lang yan bff. In time, alam kong magiging maayos din kayo at pababalikin ka nila ulit."

"Sana nga bff..." pinahid ko ang luha ko. "Tara nang maglunch at baka mahimatay pa ako nito."

"Ikaw talaga. Sige, ayusin ko lang to tapos lunch na tayo."

Pagkatapos mag-ayos ay umalis na kami papuntang canteen.

I miss mommy and daddy so much. I even miss lolo and lola but I don't know if they miss me too. How I wish maging totoo yung sinabi ni Hana kanina na tatanggapin ulit nila ako sa pamilya.

Pagkatapos naming kumain eh balik trabaho na kami. Habang naglalakad sa hallway, nakita ko si tita Marie na parang nagmamadaling umalis.

"Tita, may lakad ka po?" tanong ko.

"Oo Charm. Uuwi kasi ngayon ang anak ko."

"Ah, si Charles po?"

"Oo. Excited na nga akong makita sya kaya pupunta kami ni Felix sa airport para sunduin sya ngayon."

"Ah ganun po ba. Sige po tita at baka hinihintay ka na ni tito. Alam kong excited na din yung makita ang anak nya. Ingat po kayo."

"Sige Charm. Salamat." akmang lalakad na sana si tita ng lumingon ulit sya sakin. "Charm, gusto mo bang sumama? I'm sure my son would be so happy to see you."

"Naku tita, hindi na po. May lakad din po kasi ako mamaya eh. Bibisitahin ko na lang po sya sa bahay nyo." sabi ko pero ang totoo, nagtatampo ako. Hindi nya man lang ako tinext o tinawagan na uuwi sya, kaya pano sya magiging masaya pag nakita ako. Baka kinalimutan na ako nun at pag nakita nya ako sa airport eh dedmahin lang ako.

Si Charles ay anak ni tita Marie. Pareho kami ng school hanggang high school pero nag college sya sa US. Doon din sana ako gustong ipag-aral ng grandparents ko noon pero mas pinili kong dito mag-aral para makasama ang parents ko. At ngayon eh uuwi na si Charles at isa na syang ganap na doktor.

The unLucky CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon