Chapter Seven

473 15 0
                                    

"PAM, SIGURADO ka bang ayos ka na?"

Iyon ang nag-aalalang tanong ni Abby kay Pam. Lalabas na ng ospital ang mag-ina at nandoon siya para sunduin ang mga ito.

"Naku! Kung hindi dahil sa tulong mo hindi ako magiging ganito kaayos pero sigurado ka bang hindi kami nakakaistorbo ni Polo sa'yo? I mean, malaki na ang natulong mo sa aming mag-ina, hindi mo na kailangang gawin ito" nag-aalalang sagot naman ni Pam sa kanya

"Ano ka ba, wala ito no. Isa pa kung tutulong na rin lang ako edi sagarin ko na. Naaaliw rin naman ako rito sa anak mo, bata pa lang ang gwapo na" hinalikan niya sa noo ang batang karga-karga nanaman niya

"Syempre maganda ang nanay" sagot naman nito na ikinatawa nila

Oo nga naman at maganda ang nanay ni Polo. No wonder at gwapo ang batang ito.

Wala naman sila masyadong bitbit kaya madaling nakapag-ayos ang mag-ina. Ang tanging dala lang kasi ng mga ito ay ang regalo niya kay baby Polo at ang binili niyang pamalit ni Pam.

Nang lumabas sila sa kwarto ay ibinalik na niya kay Pam si Polo. Magmamaneho siya kaya kahit tuwang-tuwa siya sa bata ay binitawan na niya ito. Naghihintay na lamang sila ng elevator ng mula kung saan ay sumulpot nanaman ang lalaking kinaaayawan niyang makita. Ilang sandali nalang ay makakalabas na sila sa ospital na iyon, bakit kailangan pang humabol ni Warren. Napasimangot nanaman siya.

"Buti naabutan ko pa kayo, may pasyente kasi ako kanina kaya hindi kaagad ako nakapunta sa inyo" wika nito nang nakalapit na sa kanila

Inismiran na lamang niya ito at ibinalik ang tuon sa hinihintay nilang elevator. Nang bumukas ay pumasok kaagad siya sa loob. Palibhasa ay kausap nito si Pam kaya sumama rin ito sa kanila hanggang sa pagbaba. Hindi na naman siya nagrereact, ang mahalaga ay hindi siya kinakausap ng binata.

Nang makarating sila sa parking lot ay si Warren rin ang nagbukas ng pinto ng mag-ina pagkatapos ay siya naman ang binalingan.

"Pasensya na kung hindi kita masasamahan sa paghahatid sa kanila. Hindi kasi ako pwedeng umalis dahil clinic hour ko pa. Babawi nalang ako next time" saad sa kanya ng binata kaya binalingan na rin niya ito ng tingin

"No need Dr. Vallarde, huling beses na naman ito na magkikita tayo. Isa pa, hindi na trabaho ng mga doctor na ihatid ang pasyente. Hindi ko kailangan ng tulong mo para mahatid sila" sagot niya rito bago isuot ang shades at tuluyang sumakay sa sasakyan

Hindi na sumagot pa ang binata sa kanya o sabihin nating hindi na niya hinayaan pang makasagot ito. Mula sa malayo ay tinanaw na lamang nito ang papalayong sasakyan niya.

SA VALLE VERDE inihatid ni Abby sila Pam. Maganda nga ang buhay nito bago pa man makipagtanan sa nobyong nanloko rito. Siya ang unang lumabas ng kotse at hinayaan muna niyang nasa loob ang dalawa. Nagdoor bell siya at iniluwa naman noon ang isang matandang babae na marahil ay ina ni Pam.

Kinausap niya ito tungkol kay Pam, ngunit pagkabanggit na pagkabanggit pa lamang niya sa pangalan ng babae ay umiyak na kaagad ito. Doon niya nalaman na matagal na rin gustong makita muli ng mga ito ang anak na babae. Kaya naman ng sinenyasan niya ay lumabas na rin sa sasakyan si Pam buhat-buhat ang anak nitong si Polo. Bakas sa mukha ng ginang ang labis na pananabik, ganoon rin ang nakita niya sa mukha ni Pam na lumuluhang yumakap sa ina.

Mula kung saan ay naglabasan na rin ang isang matandang lalaki at ang iba pa na marahil ay mga kapatid ni Pam. Isa-isa itong yumakap sa dalagang ina habang ang ilan naman ay nilaro na si Polo. Labis ang pasasalamat sa kanya ng pamilya Aquino dahil sa pag-aaruga niya kay Pam. Ganoon din si Pam na hindi kalaunan ay naging kaibigan na rin naman niya.

"Salamat Abby hah! Kung hindi dahil sa'yo, siguro patay na ko at si Polo o kaya pagala-gala pa rin sa kalye. Akala ko kasi hindi kami matatanggap ng pamilya ko. Kung hindi dahil sa tulong mo baka hindi pa rin ako magkakaroon ng tapang para harapin sila"

My Ex-FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon