Chapter Eight

455 10 0
                                    

Nanahimik si Abby sa tanong na iyon ni Warren. Hindi kaagad siya makaisip ng isasagot, ayaw niyang balikan ang nakaraan pero kahit anong pilit niya hindi rin naman niya masabi kay Warren na alam niya ang paglalarong ginawa nito sa kanya. Sa tuwing kasing naiisip niya iyon, sumisikip ang dibdib niya sa sakit ng nakaraan. Oo at paminsan-minsan naiisip niya pero hindi niya daretsahang maisatinig na napaglaruan siya ng lalaking sobra niyang minahal.

"Kung papipiliin ka sa tama o mali, ano ang pipiliin mo?" balik-tanong ni Abby kay Warren, makikita ang naguluhang expresiyon ng binata kaya nagsalita muli siya

"You want me to answer your question, right? Kaya mamili ka nalang" saad niya sa kausap

"Syempre, gagawin ko iyong tama" maikling sagot sa kanya ng binata

"Then that's it, pinipili ko lang iyong alam kong tama. Kahit kailan, hindi naging tama ang relasyon natin kaya hiniwalayan kita noon. Kahit pa mainlove ulit ako sa'yo, pipiliin ko pa rin kung ano ang mas tama kaya huwag na nating ipagpilitan pa Warren. Magkakasakitan lang ulit tayong dalawa" sagot niya rito at tinalikuran na niya ang binata subalit hindi pa man siya nakakalayo ay tinawag muli siya nito

"Hindi ko alam kung anong rason mo at sinasabi mong mali ang mahalin ako pero alam mo ba ang ginagawa ng tao kapag ang tanging makakapagpapasaya sa kanya ay ang maling bagay para sa iba? Itatama niya iyon, Airess. Kaya kung para sa'yo mali ang relasyon nating dalawa puwes hindi ako titigil hangga't hindi ko nagagawang itama iyon sa mata mo. Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa'kin"

Hindi na sumagot pa si Abby. Nasasaktan nanaman siya sa mga sinasabi ni Warren. Ang sarap paniwalaan na gagawin nitong tama ang maling nakaraan nila. Pero hindi na kailaman man maitatama o mabubura pa ang sakit na naramdaman niya. Masyado siyang nainlove kay Warren noon kaya nagawa nitong i-take for granted siya. Lingid sa kaalaman ng binata, alam niya na kahit kailan hindi napunta sa kanya ang puso nito.

Minabuti niyang dumaretso sa comfort room. Sumasakit nanaman ang dibdib niya dahil sa muli niyang pagsilip sa nakaraan. Doon, unti-unti niyang nailabas ang sama ng loob niya sa pamamagitan ng pag-iyak. Matapos ang sampung taon, umiiyak nanaman siya dahil sa iisang kadahilanan. Akala niya napagod na ang puso niyang umiyak noon pero ito nanaman at umaagos ang mga luha niya ng dahil sa mga bagay na hindi niya masabi. Na ang tanging makapagpapaliwanag lang ng tunay niyang nararamdaman at hindi masabi ng kanyang kalooban ay walang iba kung hindi ang mga mumunting tubig na umaagos sa mga mata niya. Kung maaari lamang siyang humiling ng iisang bagay iyon ay sana hindi na lamang niya nakilala si Warren. Hindi na sana siya na-in love dito, hindi na sana niya ipinilit na magtagpo ang kanilang mga landas dahil sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Wala siyang maisip na dahilan kung hindi ang isipin na nasasaktan siya dahil hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Warren. Mahal pa rin niya ang lalaking kahit kailan ay hindi na niya maaari pang angkinin.

"SAAN KA galing? Kanina ka pa hinahanap ni Katie, mukhang naloloka nanaman iyon dahil nandiyan si Francis" wika sa kanya ni Aya

Nakapag-ayos na muli siya. Mabuti na lamang at hindi namamaga ang mata niya pagkatapos umiyak,. Iyon ang asset ng mata niya, mamumula lamang ito pero hindi kalaunan ay mawawala rin kaya parang wala ring bakas na nang pagluha niya kanina. Isa pa isinantabi na niya iyon, wala ring mangyayari kung iiyak siya. Wala na namang magbabago.

"Ah wala, nagretouch lang sa CR" sagot naman niya rito

"Ayan, speaking nandiyan na ulit si Katie" pagtuturo naman ni Shirley sa papalapit na muli nilang kaibigan

Nang makalapit naman ito ay agad na hinawakan ang kamay niya. Siya na rin naman ang nagulat sa nakitang pagmamadali nito.

"Abby, kailangan ko nang umalis, may emergency kasi sa boutique. Congratulations nalang ulit sa'yo bestfriend ha" pagpapaalam nito sa kanya bago siya halikan muli sa pisngi

My Ex-FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon