"ALAPAAP" (Tula)

340 7 6
                                    

Mahirap umibig sa 'sang taong di ka na naman nakikita,

yun bang ang mga ginagawa mo'y nababalewala lamang.

Malamang ang puso mo na naman niyan ay dinadaga,

mahirap kasi habang siya'y masaya, ikaw nama'y nasasaktan.

Di mo maikukubli ang lungkot na bumabalot sa'yong mga mata,

matanggap mo man sa huli, mananatili pa rin itong masaklap!

Nagbakasakali ka na noon, ngunit luha pa rin ang siyang naipinta,

Kasi nga ang iniibig mong wala namang paki sa'yo ay alapaap.

Oo, animo'y 'sang alapaap na kay lapit mo mang matingnan,

napakahirap at napakalayo pa rin upang ito'y abutin.

Kaya nga maghihintay ka na lamang na dumating ang ulan,

baka sakaling ikaw nama'y lapitan o di kaya'y sambitin.

-Lhordyx

All Rights Reserved © 2013

"ALAPAAP" (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon