Ikatlong Pahina

76.1K 1.6K 248
                                    

IKATLONG PAHINA

Pagkatapos ng dalawang oras na pakikipagusap sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko, sumilip ulit ako sa bintana para tignan kung nandoon pa si Lucas. But, as expected, umalis na talaga siya. Kahit naman papaano umasa ako na maghihintay talaga siya. Minahal ko rin ang gagong 'yun kahit papaano at nandito pa 'yung sakit na dinulot niya.

Ang dapat na dalawang araw na pahinga ko ay naging nightmare sa buhay ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang napagusapan namin nina Mama at Papa. Galit na galit si Papa sa akin ganoon din si Mama. Paniguradong kung nandito lang sila sa tabi ko ay nakurot na ako sa singit at nabatukan ng Papa.

Nahihiya rin ako sa kanila dahil sa mga pinanggagawa ko rito sa Manila. Alam na tuloy nila na hiwalay na kami ni Lucas. Wala akong choice kung hindi sabihin ang dahilan. Muntik na ngang himatayin si Mama sa phone habang si Papa naman ay nag-desisyon na pumunta rito.

Ilang beses ko ring kinumbinse ang sarili ko na huwag basahin ang buong article sa magazine pero traydor ang utak at katawan ko, binasa ko pa rin. Mas lalo tuloy bumigat ang loob ko dahil sa mga paratang ng lecheng reporters na 'yun.

I sighed at humiga na lang sa kama ko. Hindi ko na namalayan nakatulog ako dahil sa dami ng mga bumabagabag sa akin.

Morning came, halos ayaw ko ng lumabas dahil sa sobrang lala ng eyebags ko. Nagmukha akong panda dahil sa itim nito. I had no choice but to put concealer all over my face.

Ilang beses ko na ring tinanong ang sarili ko, bakit ba hindi na lang ako nakipag-one night stand at tumakbo pagkatapos ng nangyari sa average na lalaki? 'Yung ordinaryo at hindi big deal ang paguuwi ng babae nito sa newspaper, magazine at internet na kakalat sa buong mundo? Kung pwede nga lang tapalan din ng concealer ang mga ginawa ko ngunit napaka-imposible 'nun.

Hindi lang 'yun ang kamalasang inabot ko. Naiwan ko ang wallet ko sa bahay-- I mean, mansion nila. Kaya ngayon wala akong ibang magagawa kung hindi ang mag-jeep imbes na mag-taxi dahil wala akong sapat na pera.

Nagbihis na ako ng corporate attire ko. Ilang beses ko ring sinipat ang sarili ko sa salamin dahil ito ang unang pagkakataon na lalabas ako pagkatapos ng issue.

Nang masiguro ko na presentable na akong tignan, inaayos ko ang lahat ng mga gagamitin ko sa trabaho at umalis na ng bahay. Pagbukas ko pa lang ng gate ay halos panawan ako ng ulirat.

I gasped.

Sunod sunod na flash ng camera ang sumalubong sa akin. Pesteng mga reporters! Nahagip din ng mga mata ko ang mga tsimosa kong kapitbahay at malamang ako ang topic. Maraming mga tanong ang mga reporters na 'to na hindi ko naman alam paano sagutin.

Ilang minuto rin akong nabuhusan ng malamig na tubig sa tapat ng bahay ko nang maisip ko na pumasok ulit sa loob. Paikot-ikot ako rito dahil wala akong maisip na solusyon kung paano ko papaalisin ang mga pesteng reporters na 'yun!

Tumawag na lang kaya ako sa office at sabihing hindi ako papasok dahil pagod? may sakit? uuwi akong probinsiya?

Mabilis akong umiling-iling sa mga walang kwentang naiisip ko. Panigurado naman na alam na ng kumpanya ang kinasasangkutan kong issue. Hindi lang sa magazine naka-post ang mga pictures namin. Pati na rin sa dyaryo at social media ay kalat na kalat na ito.

Sa sobrang panic at kaba na nararamdaman, wala akong maisip na solusyon at gagawin. Inuntog ko ang ulo ko sa ding ding. Syempre, 'yung mahina lang.

Naisip ko naman na lumabas na. Bahala na si Darna! Kailangan kong pumasok.

Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit may humatak sa braso ko.

Napsigaw ako. "Sino ka?!"

Nang makita ko ng harapan ang taong humatak sa akin ay doon ko napansin si Tyler. I know na siya si Tyler dahil sa kulay ng mata nito.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon