infinity 4

4 0 0
                                    

Goodbye Sophomore! Hello Junior!

Feb. 14, kung dati kandila ang hawak ko sa araw na toh.. ngayon puro regalo.

"Chocolates,chocolates,CHOCO~~~" kanta ni Rei habang binibilang yung chocolates sa table ko.. umiral nanaman ang kabaliwan nya.

"Di iyo yan!" si Jersey sabay kuha ng mga chocolates sa kamay ni Rei.

"Alam ko! Pero akin na lang to diba Nami?"

"Oo na" walang gana kong sagot, pano ba naman yung feeling na may inaantay ka kaso parang wala na.

"Anong klaseng itsura yan Nami? Ang dami mo na ngang regalo ,problemado ka parin?" pansin sakin ni Lexia

"May inaantay kasi sya" sabat ni Rei sabay subo ng toblerone sa bunganga.

"NAMI!!! LABAS KA DALI ! SI REN!!" kagulat naman tong si Ericka biglang nasigaw. Psh bakit ako lalabas? Ikayayaman ko ba yu- Sino?! Sino daw? Si REN??!

Bigla akong napatayo at dali-daling lumabas. Nandito nga sya. Naglalakad na sya sa corridor papunta dito sa room namin. May hawak siyang rose na white tapos rooted pa. As in may ugat pa. "Nami, para sayo" sabay abot nya sakin ng bulaklak nang makalapit na siya sa pwesto namin.

"Thanks." Pabebe kong sagot. Pwe! Walang makakapigil sa kilig ko!

"Pinabibigay ng kaibigan ko"

Napatulala ako bigla sa sinabi niya. Bakit siya yung nagbigay kung di naman pala galing sa kanya? Loko yung kaibigan niya ah! Dapat siya na lang yung nagbigay para di ako nag assume.

*** *** ***

When Infinity Comes to EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon