Ang sakit pala ng makita ang mahal mong naglalakad palayo sayo. Nung una ko palang siya nakita nabihag na niya ang puso ko. Naalala ko pa nun nung sinabi ko kay Isha na katulad padin sya ng dati. Pero gumanda naman talaga siya. Di ko akalain na magaling pala siyang sumulat actually ako ang may sabi kay Maam na yun ang piliin sa play. At mas lalo siyang nakakabilib nung nakaya niyang palitan ang bida kahit na isang araw lang ang practice niya.
"Love conquers all, specially fears." Napakahirap pala mag-alaga ng rose. Binigyan ko siya ng rose noong Valetines pero sinabi ko sa kaibigan ko galing dahil ang totoo natorpe akong magtapat. Pero mas lalong masakit na makitang nagtatapat ang bestfriend ko sa kanya. Bakit di kami nagkaroon ng oras na kaming dalawa lang? Sana ako na lang ang pumasan sa kanya nung tatawid kami sa ilog hindi yung bag lang niya ang buhat ko.
"Nami, pwede ka bang maging girlfriend?" matagal ko nang gustong itanong yan. Pero pano? paano ko matatanong yan? kung may mga bagay na kailangang kong isaalang alang?
"May hihilingin sana ako Ren.Kahit na anong mangyare wag mo sanang liligawan si Nami."
Kung nauna lang sana akong magtapat, wala sanang pangakong kailangan kong tuparin. At hindi sana hahantong sa ganito ang lahat.
*** *** ***
BINABASA MO ANG
When Infinity Comes to End
Short StoryActually Project namin to. Itatry ko lang ipost dito. This story is inspired by different stories. Completed last year 2015. Maraming errors pa po. And under editing pa lang.