"Jasper relax ka lang hijo" nag aalalang sabi sa akin ni Manang Dolor dahil mula nang makauwi na kami ni Baby Percy kanina ay di pa din namin nakikita ni Anino ni Themarie kaya naman abot abot ang kaba at takot ko na baka may nangyari nang masawa dito.
"I can't help it Manang Dolor alam nyo naman ang kalagayan ni Themarie nag aalala talaga ako para sa Asawa ko" di mapakaling sagot ko dito.
Nagreport na nga ako sa mga pulis pero wala pa ding balita tungkol sa Asawa ko.....
"Jasper natawagan mo na ba ang Nanay ni Themarie?" Tanong ni Manang Dolor sa akin.
Nanlaking bigla ang mga mata ko pagkaalala kay Mama Pricilla.
Oo nga ba't di ko agad naisip yun baka dun naisipan na pumunta ni Themarie....
Dadamputin ko na sana ang telepono para tawagan si Mama Pricilla nang maalala ko na nasa America nga pala ito.
"Oh Jasper ba't natigilan ka?" Takang tanong ni Manang Dolor sa akin.
"Manang Dolor naalala ko na wala po pala si Mama Pricilla sa bahay nila pagkat nasa Amerika po sya sa mga pinsan po nya" nanlulumong sagot ko dito.
"Ha? Aba'y panu yan?" Tila bigla kaming pinagbagsakan nang bato sa mga balikat namin.
Maya maya pa ay nagulat pa kami nang bigla na lang umiyak si Baby Percy na karga karga ni Manang Dolor.
"Naku ang Anak mo baka gutom hane pakihawakan mo muna si Baby Percy at ipagtitimpla ko lamang sya nang gatas" wika ni Manang Dolor sabay abot sa akin nang anak ko.
"Pakibilisan lang po Manang Dolor kasi mas lalo pa pong lalakas ang iyak nang anak ko pag pinaghintay pa po natin sya nang matagal" bilin ko dito.
"Oo hijo kuh mag ama nga kayo aba'y nun maliit ka pa ay dinig na dinig hanggang sa kapitbahay ang lakas nang pag iyak mo pag di ka agad napapainom nang gatas" natatawang kwento ni Manang Dolor sa akin habang nagtitimpla nang gatas para kay Baby Percy.
"Manang Dolor naman"
"Aba'y ang Mama mo di na malaman kung papaano ka patatahanin nakaki iyak pa sya sa iyo at ang Papa mo ang bubuhat sa iyo at yayakapin ang Mama mo at parang himala na titigil ka bigla sa pag iyak tapos tatawa naman bigla ang mga magulang mo hay....nakakatuwang panoorin kayo at sana ganun din kayo ni Themarie pag nahanap mo na ang Asawa mo" sabi ni Manang Dolor sa akin habang tinatantsa ang temparatura nang botelya nang gatas ni Baby Percy.
"Oh hijo malamig na ito at ikaw na muna ang magpadede sa anak mo at ipaghahanda muna kita nang pagkain" anito sabay abot sa akin nang botelya.Agad na napatigil sa pag iyak si Baby Percy nang maisubo ko na sa kanya ang botelya na may lamang gatas...
"Manang Dolor wag na po di po ako nagugutom" sagot ko dito pero sunod sunod na iling ang sinagot nito.
"Kuh! Di pwede Jasper mas kailangan na may laman yang sikmura mo para may lakas ka paghahanap kay Themarie kahit sandwich lang" wika nito at saka mabilis na pumunta sa may kusina at naiwan ako at si Baby Percy na malapit nang maubos ang lamang gatas nang botelyang subo subo nya.
Naiiling na nahagkan ko na lamang ang Anak ko.
Nakakatuwa na malusog at matakaw sya at di pa nya naiintindihan ang nangyayari sa paligid nya.
Baby Percy bigyan mo ako nang madaming lakas nang loob at lakas nang katawan para mahanap ko na si Mommy mo pakiusap...... napapikit ako at niyakap ito nang mahigpit na tila nagustuhan naman nito pagkat ngumiti ito sa akin nang ubod nang tamis.