Perpekto na sana ang misyon niya bilang isang Anghel Dela Guardia, pero nangyari ang 'di inaasahan - Umibig siya sa babaeng dapat sana'y itatawid niya sa kabilang buhay.
Sa isang simpleng pananalita, kwento ito ng isang "bawal na pagibig". Pero huwag kang mandiri dahil hindi "incest" ang tinutukoy ko at lalong wala itong bahid ng SPG (Well, siguro meron din. Pero masusi siyang sinuri ng MTRCB at pumasa naman sa kanilang panlasa. *wink*)
Kwento ito ng pag-iibigang hinadlangan ng langit at lupa. Isang bawal na pagmamahalang tatawid hanggang kamatayan.
Kung langit na ang magpapasya, Mangingibabaw pa rin ba ang pagmamahal, oh masusunod ba ang kung anong itinakda?
*********************************
------ Bawal na Pag-Ibig ------
Nahulog siya mula sa ika-pitong langit - kung saan naroon ang Diyos. Mula sa pagtawid at pagtagos sa atmospera (Atmosphere) ng daigdig, nasilayan niya ang ngiti at malamyang "uha" (iyak) ng isang sanggol. Sa pagtatagpo ng kanilang mga mata, alam na niyang hindi magiging madali ang pagtupad ng kanyang misyon- alam na niyang may kakaibang mangyayari.
Sa pagmulat daw natin dito sa mundo, ang kauna-unahang imaheng nakikita natin ay hindi ang sa ating mga magulang, hindi sa ating mga kamag-anak, hindi ang mukha ng doktor, kundi ang mukha ng isang "Anghel" - Ang ating Anghel Dela Guardia. Ang pagtatama ng ating mga paningin ang pagsisimula ng kanilang misyon. Babantayan daw nila tayo sa anomang kapahamakan hanggang sa dumating ang araw na kailangan na nating tumawid sa kabilang buhay. Ililipad nila tayo sa pintuan ng langit, kung saan magaganap ang paghuhukom. Kailangan nilang tuparin ang kanilang misyon na mapanatili tayo sa mabuting daan, upang sa pagdating ng paghuhukom ay makasama na nila tayo sa langit.
Simple lang naman 'di ba? Nagiging kumplikado lang dahil bukod sa kakambal nating Anghel, sa kabilang panig ng ating buhay ay may kakambal din tayong Diyablo. Dito umiikot ang balanse ng mundo - sa pagbabalanse ng mabuti't masama.
*********************************
------ Mapaglarong tadhana ------
" Hindi na mahalaga kung parusahan man ako ng langit ang alam ko lang ay mahal kita, sa mga simpleng bagay na alam kong mahal kita."
- Guardian Angel Gabriel
"Hindi na mahalaga kung ano ka pa oh ano ako, ang mahalaga, magalit man sa'tin ang langit oh mundo, ang mahal mo ay ako."
- Lourdes De Dios
*********************************
Author's Note:
I've revised the introduction and the first chapter as I've noticed that most of the lines were extremely deep. Nakakalunod yung pagta-Tagalog ko. Lakas maka-Linggo ng Wika. Lol.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko't napasulat ako ng ganitong uri ng Genre, pero ang alam ko lang, isang Linggo niya kong hindi pinatulog. Pinu-takte ako ng mga nagwawalang "ideas" na hindi titigil hangga't hindi napapakawalan dito sa Wattpad. Thank you for having Wattpad - this little piece of heaven that serves as our outlet to release our pen's roaring outbursts to write. (Woah! Anong pinagsasasabi ko? Lol.)
Revised: 08/23/2016
BINABASA MO ANG
How to Marry A Guardian Angel?
RomansaPerpekto na sana ang misyon niya bilang isang Anghel Dela Guardia, pero nangyari ang 'di inaasahan - Umibig siya sa babaeng dapat sana'y itatawid niya sa kabilang buhay. Sa isang simpleng pananalita, kwento ito ng isang Bawal na Pagibig. Pero huwag...