Matapos manalangin ng magkaibigan, tinawag sila ni Tiniente Gimo upang mag hapunan subalit sila'y tumangi at sinabi mamamahinga na lamang sila at napagod sa mahabang paglalakad. At sinamahan sila ng teniente sa kaitaasan ng bahay kung saan may papag na gawa sa tabla ng akacia at kawayan at dun sila pinatulog.
Makalipas ang ilang mga oras na sila'y nakikiramdam sa paligid, ganap na alas onse ng gabi ay may biglang dumating na maraming tao, halos mapuno ang bulwagan sa ibaba ng bahay.. Bata matanda, binata, at mga may edad na ay naroon din.
Bumangon at sinilip si lolo kung bakit maraming tao, at takang taka silang dalawa, maraming kawa ang may lamang tubig na pinakukulo, mayroong naghahasa at naggagayat ng gulay.
At sa ibaba din ng bahay may matandang babae na nagkakambas ng karne, may 1kilo sa isa may 2kilo naman sa isa may leeg at ulo.
May dumating na bata at ang sabi "Lola akin nalang po ang tenga at dila iiihaw ko lang po." At sa madaling salita maykatayan na magaganap, naisip ni lolo na baka piyesta kinabukasan kaya mayroong handaan.
Habang sila'y abala sa pagsilip sa ibaba, may naring silang naguusap sa labas ng pinto ng kwartong kanilang tinuluyan..
Tiniente Gimo: May dalawa tayong panauhin mula sa malayong lugar, pagkakataon na natin ito, kaya sisiguraduhin ninyong hindi iingay ang dalawang iyan, kapag nahuli ninyo balutan ninyo ng sako sa ulo at gilitan ng leeg. At ihagis ninyo dito sa ibaba at kami na ang bahala sa mga iyan..
Sabi ng tiniente sa dalawang kausap.
Ang pagkakaalam siguro ng mga tao ay tulog na sila kaya dahan-dahan ng pumasok ang dalawang taong kausap ni tiniente upang isagawa ang plano. Subalit ang hindi nila alam ay nakahanda na sa mangyayari ang dalawang magkaibgan...