Isang napakagandang hapon ang natapos sa huling klase ni Sky. Sa Unibersidad na kung saan ang Papa niya na pumanaw na si Jeffrey nagtapos din ng pag-aaral. Nag-aaral siya bilang unang taon niya sa kolehiyo sa kursong B.S. HRM.
Labing-isang taon na ang nakalipas nung namatay ang kanyang ama, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil sariwa pa sa kanyang alaala ang araw na pagkawala ng ama. Mahal na mahal niya kasi ito dahil sa maliit na panahon lang sila nagsama ay pinadama ni Jeff ang pagmamahal niya sa anak na si Sky.
Paano kung hindi nangyari ang lahat ng iyon? Paano kung hindi namatay ang kanyang ama? Siguro iba ang takbo ng buhay nila ngayon. Ito ang mga tanong na tumatakbo sa utak ni Sky habang lumalakad siya palabas ng University.
Pero sa kabila nito ay nagpapasalamat pa din siya dahil may umampon sa kanya. Ito si Madam Jean. Kinuha siya nito nung maliit pa lamang siya dahil gusto daw ng kanyang tiyahin na siya na daw ang magpapalaki sa kanya at gagabay sa pagtanda niya.
Kahit malayo siya sa piling ng kanyang Nanay-La na si Joyce ay nagkikita at nagkakausap pa rin sila ng palihim sa kabila ng pagbabawal ni Madam Jean.
Kasalukuyang nakatira sina Joyce at ang anak niya na si Joaquin kasama ang asawa niya na si Joy, sa bahay nina Nathan.
Si Nathan o mas kilala sa tawag nilang 'Riley'. Sa hindi nakakaalam, si Nathan ang lalakeng naging karelasyon ng kanyang ama. Siya ay may asawa na si Cindy at dalawang anak na lalake; na si Stephen, 17 na taong gulang at si R.K., 10 taong gulang.
"Uuyy!!" sundot ni Sara sa tagiliran ni Sky at nagulat siya dito. Siya ang matalik na kaibigan ni Sky. Isang mabait at mapasensyosang kaibigan sa kanya.
"Ay kabayo...!" sambit niya "Ano ka ba?!! Nagulat ako dun ah"
"Sorry friend. May nakalimutan ka kasi eh"
"Ano?"
"Yung mahaba mong buhok" biro niya sa kaibigan na parang kinikilig "Sa sobrang haba ay andoon pa ang dulo sa loob ng school"
"Ewan ko sa'yo" sagot naman ni Sky na parang naiinis sa sinabi ng kaibigan.
"Oh bakit? Totoo naman diba?" sambit ni Sara "Hindi ka ba nakikilig sa proposal sa'yo ni Mark? Akalain mo, yung campus crush pa ang manliligaw sa'yo"
"Hindi" matigas na sagot ni Sky "At bakit naman ako makikilig sa kanya? First of all, he's not my type. And lastly, may girlfriend na siya. Si Micah"
"E diba break na sila?"
"Ewan ko. Sabi daw ni Mark ay break na sila. Pero alam mo naman yan si Micah, hindi sumusuko"
"Kung sa bagay. May point ka, friend" pagsang-ayon niya kay Sky "E anong plano mo kay Mark?"
"Siyempre, hindi ko tatanggapin ang alok niya na manligaw sa akin" sagot ni Sky "Sige na friend. Sasakay na ako ng taxi. Uwi na ako. Baka malaman ni Tita-Mommy na wala pa ako sa mansyon, magagalit yon"
"Wow. May curfew?"
"Oo eh. Ayaw na ayaw niya kasi na lumalabas ako with my friends or with my other relatives and even my immediate family" paliwanag niya sa kaibigan "Bahay-School lang talaga ako"
"Bakit?? Ang overprotective naman niya"
"Ewan ko nga friend. Kahit nga ang Nanay-La ko ay pinagbabawalan niya ako na magkita kami"
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Teen FictionAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...