Chapter Eighteen updated. Enjoy!
-----------------------------------------------
Chapter 18
After ko sa library, dumeretso na ako sa room. Ayun, Physics ang lesson. Marami naman akong natutunan. Si Ivan, hindi nagtatake note, nakikinig lang siya. Hindi ko nga alam paano siya magis-study e. Tinanong ko pa siya kanina kung bakit hindi siya nagtatake note, sabi niya nasa libro naman daw lahat ng itinuturo. Tinignan ko pa nga yung libro ko e, oo tama siya nasa libro lang naman pala lahat. Yung mga example sa borad, nasa libro lang din pala lahat. Second time ngayong araw ay napahiya nanaman ako sa kanya.
Tapos na yung klase, nagmamadali naman akong pumunta sa locker. Nakasalubong ko kase kanina si Cherry, sabi niya after class, dumeretso na daw lahat ng Cheering Squad member sa Gym. Bawal daw ang malate. Kaya nagmadali naman akong pumunta sa locker area at pumasok sa CR para makapag palit na ng damit. Dumeretso narin ako Gym. Nandito narin naman kaming lahat, lahat kami nakaupo sa bleachers ng Gym, habang yung trainor namin ay nagsasalita sa harapan namin.
"Okay, 2 weeks nalang. School Festival na. Alam niyo naman na pupunta ang ibang school dito diba? Makikipag compete tayo sa kanila. Please! Cheering Squad member, galingan niyo. Do your best para manalo tayo. Tandaan niyo, wala pa namang nakakatalo saatin. I hope this school year tayo parin ang champion. So sa 2 weeks na yun, puspusan ang practice natin. Bawal malate, para walang masayang na oras. At, doble ingat, para walang madsigrasy okay?"
Sabi naman ng trainor namin saamin.
"Naiintindihan niyo ba?"
"Yes Sir!"
Sagot naman namin, although bading ang trainor namin, gusto niya parin na galinagin namin siya, kaya Sir ang tawag namin sa kanya. Ayaw niya ng Ate, Kuya, Teh, Bakla, he will get mad if tanawag namin siya sa mga pangalan na ganun.
Nagsisimula narin naman kaming magpractice. Sila Ivan naman ayun nagpapahinga sa gilid, e kase kakatapos lang nila magpractice ng basketball. Pawis na pawis nga silang lahat e. Kayo kaya maglaro ng basketball.
"Grabe, kahit pinagpapawisan si Ivan ang gwapo gwapo parin."
Narinig ko namng bulong ng isang babae sa katabi niyang babae. Oo bulong, pero naririnig naman.
"Wag nga kayo. Manahimik kayo dahil akin lang si Ivan."
Saybit naman ni Sabrina sa mga babaeng nagtitilian. Mga malalandi sila, gwapo ba? Gwapo ba yang si Ivan? Parang ang baho baho niya nga e, bulag ba sila? Hindi ba nila nakikita na pawis na pawis yung tao, tapos ano raw sasabihin nila ang gwapo? God!
"Okay formation na!"
Sigaw ng trainor saamin. Pumunta naman kami sa kanya kanya nilang pwesto, nasa pangalawang horizontal line ako at nasa harapan ko naman si Sabrina, nakakapagtaka diba? Hindi pa ako ganun kagaling pero nasa pangalawang linya ako.
Narinig ko namang nagstart ang music, 30 seconds bago kami magsisimulang sumayaw. After 30 seconds ito na, sabay sabay naman naming inexted yung mga braso namin, yun bang parang patentero style ang mga kamay namin, at sabay sabay ay nagclose lahat ang kamay namin. Umikot naman ang first line, sa pagikot ng first line agad naman ako natamaan ng nakaclose na kamay ni Sabrina sa ilong ko, dahilan ng napaupo sa sa sahig.
"Ayaaaaaaaaaaaaaaaaah!"
Nadinig kong sigaw ni Cherry.
"Oh gosh, Ayah!"
Nadinig ko namang sigaw ng isa pang miyembro ng Cheering Squad. Nagsilapitan naman silang lahat saakin, maliban kay Sabrina. Yung mga cheering squad member ay halos napapalibutan ako, maya maya pa nakita ko narin naman na lumapit yung mga basketball player maliban kay Ivan, nanatili siyang nakaupo doon sa kinauupuan niya. Nakita ko naman na lumapit agad ang trainor namin saakin.
BINABASA MO ANG
You And I Collide ( O N H O L D)
Fiksi RemajaOut of the doubt that fills my mind I somehow find You and I collide. (This story is currently on hold. )