"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Nathan na tila pinakaklaro niya sa asawa ang sinasabi. "Sina Nanay Joyce ba ang tinutukoy mo?"
"Tama. Sila nga" pagkumpirma niya sa asawa "Ang kapal din naman kasi ng mga mukha nila. Sila na nga ang pinapatira at libre pa ang kain, wala pa silang kontribusyon sa gastusin"
"Alam mo naman na mahina na ang Nanay Joyce diba?? Bakit gusto mo pa siya pagtrabahuhin??"
"Hindi naman siya ang tinutukoy ko. Kundi ang kanyang anak na si Joaquin"
"May trabaho naman siya ah"
"Oo nga. Isang construction worker. Tinatawagan lang siya kapag may trabaho pero kung wala, tambay lang siya dito. Lumalamon din kasama ng kanyang buntis na asawa"
"Ano ka ba naman Cindy??" sambit naman ni Nathan "Hanggang high school lang ang naabot ni Joaquin. Sana intindihin mo naman siya"
"E sila?? Hindi ba nila tayo iniintindi?? Saan ba ang mga ibang anak niya?? Sana sila ang mag-aruga sa kanilang matanda"
"Wala sila lahat dito, okay?? Nasa ibang bansa. Hindi nga sila nakadalo sa libing ni Jeff diba??"
"My God! Hindi ba nila inisip ang kanilang ina?? 11 years na ang dumaan. Hindi naman nila kinuha ito sa atin?? Matagal na panahon na yon" sigaw ni Cindy "Tapos hihingi ka pa ng pag-intindi?? Tayo na nga ang naghihirap sa kahahanap ng pera ah. Tapos tayo pa ang mag-iintindi??!"
"Tumigil ka na Cindy. Hindi ko na gusto ang lumalabas sa bibig mo"
"Bakit?? Totoo naman eh. Kung hindi dahil sa namatay niyang anak, wala sila siguro dito"
Uminit ang ulo ni Nathan sa mga sinasabi ng kanyang asawa at sinampal niya ito. Napatumba si Cindy sa kama habang hinahawakan ang pisngi na nasampal.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag na huwag na huwag mong sisisihin si Jeff sa mga nangyayari sa atin ngayon" panduduro niya sa asawa na parang nanggigigil sa galit "Bakit ka nagrereklamo sa gastusin?? E isa ka din naman sa palamunin ko... Ako ang naghahanap ng pera at hindi ikaw. So, huwag kang magreklamo kung sino ang patitirahin ko sa pamamahay ko!"
***
Alas-nwebe na ng umaga bumangon kinabukasan si Sky. Naligo at nagbihis siya at pumasok agad sa paaralan. Hindi niya pinansin ang mga tao sa loob ng bahay bago siya umalis.
Habang naglalakad si Sky papunta sa kanyang klase ay may humarang sa kanya na lalake. Isang gwapo at macho.
"Hi Sky" bati niya "hatid kita sa room mo"
"Mark. Please. Tama na. May girlfriend ka diba?"
"Hmmm. Oo"
"E di lubayan mo na ako at baka ano na naman ang iisipin ng girlfriend mo dahil magkasama tayo"
"So? I don't care. Sinabi ko na kagabi sa kanya na maghiwalay na kami dahil ikaw ang gusto ko"
"What??!! Mark naman. Pinapahamak mo pa ako eh. Alam mo naman na galit na galit si Micah sa akin"
"Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala. Ipagtatanggol kita sa kanya"
"Ganon?"
"Oo. Sige na. Hatid na kita, baka mahuli ka pa" paanyaya ni Mark "Wala namang masama kung ihahatid kita diba?"
Inihatid nga ni Mark si Sky sa kanyang silid-aralan. Sakto din na nakatayo si Micah sa may bandang pintuan ng silid. Kaagad namang nagpaalam ang lalake kay Sky at hindi niya pinansin ang kanyang nobya.
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Teen FictionAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...