CHAPTER 14

2.4K 55 0
                                    

Simula nang si Aidan ang pumalit sa obligasyon ni Ethan na paghatid at sundo kay Paige ay hindi na siya nag-abalang ayusan ang sarili.Tuloy nagtataka siya ng mga oras na iyon kung bakit masyado siyang aligaga sa pag-aayos ng kanyang mukha.Nang ipagtapat ni Aidan ang paghanga nito sakanya pakiramdam niya'y kailangan niyang maging presentable sa harap nito.Ayaw niyang mapahiya dito.Admirer niya ito kaya dapat niyang ipakita na tama na siya ang nagustuhan nito.

Tutuparin niya ang binitawang salita.Kakalimutan na niya si Ethan!She wanted to be fully free.Ibabaling niya ang atensyon kay Aidan.Hindi ito mahirap mahalin.He’s almost perfect.Kung iyon ngang hindi perpekto ay maraming nabibihag, ito pa kaya na almost perfect na? She was sure mabilis na malilipat dito ang damdamin.

Tinaas niya ang isang kilay sa harap ng salamin.Maigi niyang sinuri ang mukha.Nagpose siya ng iba't ibang anggulo. "Ang ganda mo Pamella.'Di na kataka takang nabihag mo ang puso niya." daldal niya.Hawig sa mangkukulam na humalakhak siya.

May hatid na saya ang ginawang pag-amin ni Aidan.And it's normal.Sino ba naman ang hindi masisiyahan kapag nalaman mong may isang taong humahanga sa'yo?Lalo na gaya iyon ni Aidan.He's intelligent and liable.

Bago lumabas sa kanyang silid ay nagpaskil siya ng malawak na ngiti sakanyang repleksyon.Huling linggo na ng pasok at bakasyon na niya.Si Aidan naman ay malapit nang magsimula ang ensayo para sa graduation nito.

"Aidan." pukaw niya sa binatang nakatungo sa relong nasa pulso.

Namamalikmatang ibinukas sara nito ang mga mata nang makita siya.Parang nahihipnotismong lumapit sakanya.

"You look quite different Paige.Ano'ng meron?" puna nito sa mahaba niyang buhok na hinawi ang dalawang gilid at inipitan sa gitna.Pinalitan niya din ang pirming suot na round white pearl stud earrings ng isang round and baguette diamond hoop.Bahagya niyang ding pinahiran ng pampula ang labi.

Natuwa siyang napansin nito ang effort niya. "The new start of my life will be effective on this day.For some reason ayoko ding magsisi ka na ako ang nagustuhan mo."

He admired the glitters on her mesh. "I’m glad you’re doing it.Kahit hindi ka na mag-ayos magugustuhan pa din kita.I won't regret liking you Paige."

Naging abnormal ang kabog ng kanyang dibdib.He has a sugar tongue.

"Let's go?"

Tumango siya.Inalok nito ang braso sakanya.Tinanggap niya iyon at sinanga ang kamay roon.

Iniwas ni Paige ang pares ng mata sa babaeng kanina pa kakaiba ang tingin sakanya.Umikot siya taliwas sa direksyon nito nang maglakad ito papunta sa kinatatayuan niya.Sigurado siyang hindi ito estudyante ng Unibersidad na pinapasukan dahil sa hindi naman ito naka-uniporme at iyon pa lang ang unang beses na nakita niya ito.Maaga ang labasan niya kung kaya't siya ang naghihintay ng mga oras na iyon kay Aidan.

"P-pamella?" she gradually turned around.Ganoon na lamang ang gulat niya nang malingunan ang misteryosang babae.

"K-kilala mo ako?" she asked in bulky eyes.

"Yes.You're Aidan's g-girlfriend right?" sa tono parang nanghuhula ito.

She was frozen for a moment.

"W-who are you?"

Napangisi ito na walang sigla.

"I'm Aidan's friend.Nakwento ka niya sa'kin." 

"You mean nakita mo na ako kaya alam mo ang itsura ko?"

"No.Not really in person.Only in the picture."

"Audrey?" sabay silang napabalikwas ng tingin sa may-ari ng boses na iyon. "Ano'ng ginagawa mo dito?" sa reaksyon ni Aidan parang hindi nito gusto na makita ang babae.Bahagya siya nitong hinila palayo dito.Animo'y may sakit itong nakakahawa.

The Promise (COMPLETED)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon