Chapter 1 - Prince of Germany

3.1K 126 37
                                    

Chapter 1 – Prince of Germany

DJ’s POV

“Prince Daniel mapapagalitan po ako ni Queen kapag nalaman na wala kayo dito sa palasyon ngayon! Ayoko pong mawalan ng trabaho!” Nagmamakaawang tumawag si Ms. Constance sakin.

“Just a few minutes I’ll be there, I promise!” Sabi ko na lang sabay end ng call tuloy off n din ng mobile phone ko para walang istorbo.

May gaganaping event sa Palace mamaya at bilang Crown Prince, at nag-iisang anak nina Queen Mara at King Daniel John, kailangan akong humarap sa tao kahit di ko pa naman talaga obligasyon na iexpose ang sarili ko sa publiko. Hay ang hirap maging prinsipe. Kailangan lagi kang maayos. Di ka pwedeng gumaya ng style sa mga karaniwang lalaki na SWAG effect. Lagi na lang pormal pati pagkilos! Kaya masisisi nyo ba ko kung favorite ko talagang tumakas sa palasyo namin para naman subukan yung buhay na ordinary lang. Kahit anong itsura ko at kahit anong gawin ko walang magbabawal sakin. Nakakahinga ko ng maluwag at malaya. Kaya naman kapag wala akong private lessons, at busy ang parents ko sa mga affairs ng bansang Germany, tumatakas ako at naglilibot sa kung saan saan…specially dito sa marketplace na laging crowded at walang nakakapansin sakin.

“Excuse me…” Isang batang babae ang tumawag saken, hinihila ang laylayan ng damit ko.

“Yes little miss, how can I help you?” Lumuhod ako sa harap niya at marahang ngsalita. Mejo nanginginig sya sa ginaw kaya inalis ko ang suot kong coat at ibinalot sa kanya. Pag ganitong mga eksena sa marketplace naawa ako at lumalabas ang pagging prinsipe ko. Nakakaawa naman kasi talaga na may mga taong sa murang edad kailangan na magtrabaho at kadalasan pinababayaan ng mga magulang. Kapag ganito naaalala ko na napakaswerte ko.

“Would you like to buy some lilies?” Ipinakita nya sakin ang basket nya na puno ng white lilies.

“Please? I’m very hungry and I need to sell these so I can buy some bread.” Pakiusap nya.

Napangiti naman ako sa kanya. Kung alam lang niya na prinsipe ang kaharap niya sigurado mahihiya siya sken. Pero dahil di naman niya alam, at naaawa na talaga ko sa bata na toh, bibilin ko na lahat at bibigyan ko na rin ng extrang pera para sa pagkain niya.

“Here…. I’ll buy all of those lilies for you. And this is for your meal.” Kumuha ko sa bulsa ko ng pera at ibinigay sa kanya.

Nakakatuwa nang manlaki ang mata ng bata sa halagang binigay ko. Napanganga na lang at halos di makapagsalita ng ilang Segundo.

“Really?” She asked. I nodded.

“Thank you, sir! Look, you can have my basket also. And…” Nagmamadali niyang inabot sakin ang basket at kumuha ng ilang piraso ng bulaklak. Di ko maintindihan kung anong ginagawa niya pero ilang saglit pa, nakabuo siya ng isang korona na gawa sa lilies…wow! Mahusay na bata!

“Here, Sir. Give this to your special lady.” Sabi niya sabay lagay ng korona sa basket. Di pa ko nakakapagsalita, nagtatakbo na siya tangay pa ang coat ko, papunta sa pinakamalapit na bakery. Malamang gutom na talaga siya.

‘Ano ngayon balak mong gawin jan DJ?’ Tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang basket na hawak ko. Sayang naman kung itatapon ko… bigay ko na lang kaya kay Ms. Constance para di na magalit saken?

“THIEF!!!!!! THIEF!!!!” Halos mabingi ako nang biglang may sumigaw sa likod.

Nagulat pa ko nang ituro nya ko at nagsisigaw nanaman.

“THIEF!!!” Sigaw ulit niya. Nakatawag pansin na siya pero ayaw pa din tumigil.

“I DIDN’T STEAL ANYTHING!” Depensa ko dahil nakatingin na samin ang mga tao.

“Argh! Not you! Him!” Nun ko lang narealize na ang sinasabihan nya pala ay yung batang lalaki na tumatakbo na palayo, nasa likod ko kanina. Pambihira, bakit walang humabol dun?

“Take this!” Pinahawakan ko sa babae ang basket ng lilies at mabilis kong hinabol ang batang lalaki.

Ilang saglit pa nahablot ko sa likuran ng damit niya ang bata.

“Okay! Okay! I’ll return it!” Sigaw nito. Nun lang din may tumulong sakin na ibang tao para pigilan ang bata sa pagpupumiglas.

“Here!” Itinapon nito ang isang violin na nasira na sa pagbagsak sa lupa.

“Let’s take him to the police!” Sabi ng mga taong hawak pa din ang bata. Bago pa ko makapagsabing huwag na, pinalibutan na siya ng maraming tao at di na ko napansin.

Ilang sandali pa, lumapit sakin ang babae kanina. Nun ko lang napansin na nakayapak na lang siya at hawak ang mga sapatos niya. Mukhang tumakbo na siya ng nakapaa kesa maglakad ng naka-high heels.

“Ay… sira na! Patay!” Nagulat pa ko nang magsalita siya ng Filipino. Buong akala ko kasi pure German siya.

“Itinapon kasi nung bata…” Sabi ko at tinulungan ko siyang pulutin ang violin nya.

“Filipino ka?” Gulat na tanong niya. Mabilis ko namang iniyuko ang ulo ko at baka mahalata niya kung sino ako.

“Ahm… half.” Sagot ko. Filipino ang tatay ko at alam na alam ko magFilipino.

“Hay, naku naman pano na yan… lagot ako mamaya!” Nag-aalalang sabi niya habang tinitignan kung anu pa ang magagawa niya sa violin niya.

“Kailangan ko pa naman ito mamaya! May performance ako mamaya at importante yun! Pano na yan?” Reklamo niya sakin na parang may magagawa naman ako.

Ilang sandali pa narealize na rin niya siguro na wala din naman ako magagawa kahit magreklamo siya sken.

“Sorry ha, wala ka nga palang magagawa. Hayz… Salamat pala sa paghabol mo dun sa bata. Ano na nga ulit pangalan mo?” Tanong niya sakin.

“Ah… DJ.” Sabi ko na lang. At least di ako nagsinungaling dahil Daniel John II naman talaga name ko kaya DJ.

“Ayun…salamat DJ. Ako nga pala si Julia. Pasensya ka na ha naabala ka pa. Importante kasi sakin toh dahil mamaya magpeperform ako sa harap ng Prinsipe! Syempre alam mo na, lahat ng babae gusto magpaimpress sa kanya… Eh hindi naman ako kasing yaman nung mga anak ng duke… pero gusto ko din na mapansin niya ko… ito na nga lang way ko, yung tumugtog tapos ganito pa... hayz… ang malas ko talaga.” Pinigil ko naman na mapangiti.

Ano kayang reaksyon niya kung alam niya kung sino ako?

“Di mo pa ba nakita yung prince?”tanong ko sa kanya.

“Hindi pa talaga.. bihira naman siya iexpose ng Hari at Reyna sa media at pag naman may chance nasa malayo lang ako so hindi ko pa siya nakita ng malapitan pero sabi nila sobrang gwapo niya daw! Kaya nga ito na sana chance ko pero nakakhiya naman kung sira-sira yung gagamitin kong violin wala naman akong ipangpapalit dito!” Kwento naman niya.

“Ah…edi subukan mo kung maayos mo pa yan tapos tumugtog ka pa din.” Sabi ko naman sa kanya. Sa tingin ko magaling siya tumugtog ng violin. Parang nasa aura niya.

“Hmmm subukan ko… salamat ha..sige alis na ko. Thank you at nice meeting you, DJ!” Nagpaalam na siya. Balik naman ako agad sa palasyo dala pa din ang basket ng lilies na binili ko sa bata kanina.

Hindi ko alam pero bigla akong naexcite sa event mamaya. Alam ko na kung anong gagawin ko sa lilies na binili ko. Ibibigay ko sa pinakamagugustuhan kong performance mamaya…

~~~

To be continued…

Pasaway Pa Rin - Royal Trouble (Pasaway Ka! Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon