10. Simulan ang mga sentences ng “Napanuod/nabasa ko noon sa Discovery Channel/National Geographic/Reader’s Digest na…”
hal. Napanuod ko noon sa Discovery na masarap ang hotdog.
9. Magsuot ng glasses na walang grado at palagi itong galawin.
Nagkecreate ito ng illusion na mahilig kang magbasa.
8. Magdala ng maliit na notebook (apple, cattleya, corona) at magsulat or gumuri as if nangangalap ng datos sa kung ano mang pananaliksik, from time to time.
Mapapaisip ang mga tao sa sobrang daming iniisip mo na kinailangan mo pang isulat.
7. Magmumble sa sarili ng equations kapag may tinanong sayo.
hal. Magkano lahat ang kinain natin? Square root of pie times the law of inertia.
6. Mag-ala kuya kim at magstate ng random useless trivia.
hal. Alam niyo ba na in every 400 lobsters there is one blue?
5. Magsuot ng labcoat ng 24/7
Napanood mo ba yung dexter’s laboratory? Yun na yun.
4. Mag-install ng classical music (Mozart, Bach, Vivaldi) at renaissance art (Las Meninas, Surrealism, Girl with a Pearl Earring) sa computer at cellphone at memoryahin ang mga author/artist at dates na ginawa sila. Pasimpleng ipa-explore ang pc at cp sa friend.
Yan na din yan.
3. Sumali sa sari-saring intellectual forum at um-oo ka lang ng um-oo.
Tapos i-post ang certificates sa wall ng bahay, wall ng facebook.
2. Huwag magsuklay.
Albert Einstein at ako.
1. Huwag mag-tumblr.
Mag-aral ka.