10. We Could Happen

1.3K 37 5
                                    

-;-;-;-;-;-;-

Love Game

-;-;-;-;-;-;-

"Cuz I've been thinking 'bout you lately

maybe you can save me

from this crazy world we live in

I know we could happen cuz you know

that I've been feeling you

I know you want me, too

I know you want me, too..."

[Daniel]

Dalawang araw ko ng hindi nakikita o nakakausap man lang si Kath. Patay kasi ang telepono niya at hindi ko naman siya mapuntahan sa mansyon nila. Ano na lang ang sasabihin ng Papa niya kapag nakita niya akong bumibisita sa anak niya?

Ang gulo naman kasi ng babaeng yun eh!

Maayos naman kami nagkahiwalay pagkatapos ng field trip nung Friday tapos over the weekend hindi na nagparamdam. Sino bang matutuwa doon?

Ginulo ko ang buhok ko habang naglalakad sa hallway papunta sa faculty room. Malapit na kong mabaliw at siya ang dahilan.

Malapit na ko sa faculty room ng makita ko siyang naglalakad rin sa hallway. Papunta na ata siya sa first class niya.

Lagot ka ngayon sa akin.

Humangos ako papunta sa kanya, hinawakan ang kamay niya at hinila siya sa isa sa mga bakanteng classroom. Sinarado ko ang pinto para masiguradong hindi kami mahuhuli kung may magtangka mang pumasok.

"Bakit mo ko hinila dito?!" sigaw niya. "Paano kung may nakakita sa atin at mahuli tayo?!"

"Mahuhuli talaga tayo kung hindi mo pa ititikom yang bibig mo. Galangin mo nga ako. Mas matanda ako sa'yo," sabi ko sa kanya.

"Eh bakit mo nga kasi ako dinala dito? May problema ba hah?" tanong niya.

"Ang problema ko eh yung pinatayan mo ko ng telepono nung Sabado at Linggo. I've been calling and texting you pero hindi ka naman sumasagot," akusa ko sa kanya.

"Nagpalit kasi ako ng number," sagot naman niya.

"Eh bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Kasi nga, hindi ko naman kabisado number mo eh. Malay ko ba."

"Ano ba yan! Ako nga kabisadong-kabisado ko number mo tapos yung akin hindi mo man lang kabisado?! Nang-iinis ka ba?" pagalit kong sabi sa kanya.

Grabe. Tatanda talaga ako ng ilang taon dahil sa babaeng ito. Bakit nga ba ako nagkagusto sa kanya? Hindi ko na matandaan.

Dahil naman sa sinabi ko, medyo namula siya.

Ayos. Natandaan ko na ulit kung bakit ko siya gusto. Ang cute kasi niya. Ang sarap bitbitin at iuwi sa bahay. Wala ng balikan.

Love Game (Song #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon