**
Raven Shin ang pangalan ko, ang author ng mga tulang ito.
Alam ko namang ako'y gwapo, at minsan nga lang ako'y gago.
Kaya sana'y pagbigyan niyo ako.
Mga tula ko'y huwag agad husgahan.
Dahil isa lamang akong hamak na baguhan.
Kaya sana nama'y inyong maintindihan,
Mga tula ko'y galing pa sa ibang kalawakan.
Mahirap mag-isip lalo na kapag ang ulo'y namimilipit.
Idagdag mo pa ang boses ng kapitbahay na sa tenga mo'y nangungulit.
May mga bagay talaga na pilit nagsusumiksik,
Na para bang isang kulangot na ayaw magpasungkit.
Kaya laging tandaan, hindi lahat ng bagay ay kailangan pang ipilit.
Dahil tayo rin naman ang masasaktan ng paulit-ulit.
Mga tula ko'y alay ko para sa inyong mga mambabasa.
Dahil gusto ko lang maghatid ng saya at ligaya.
Sana nga'y kaligayahan ang dulot nito, o hindi kaya baka ito'y kainisan niyo.
Sana'y maibsan ang inyong lumbay at mapalitan ng katuwaan,
Sa pamamagitan ng mga munting tula kong purong kalokohan.
Maraming salamat sa pagbabasa,
Ng tula ng isang gwapong makata.
~*~
PLAGIARISM IS A CRIME.