Tok, tok, tok
Binuksan ni Gelai ang pinto.
"Tito Hans!", masayang bati ni Gelai
"Good Morning Gelai. Si tita Ghen mo?"
"Pasok po kayo. Wait lang po tatawagin ko lang po si tita Ghen"
"Thank you", pumasok si Hans at umupo
Pumunta si Gelai sa room ni Ghen
"Tita Ghen, andito po si tito Hans"
Lumabas ng kwarto si Ghen, bagong gising
"Ang aga mo naman baby. Anong ginagawa mo dito?", gulat na tanong ni Ghen
"Susunduin ka. Para siguradong hindi ka na ma-late"
"Tito Hans...", nag-aalalang tawag ni Gelai
"Hhmmm.. Bakit Gelai?"
"Gusto ko ngay ng iphone 5" -Gelai
"Gelai!", saway ni Ghen
"Hahaha! Sige tignan ko ha"
"Baby binibiro ka lang ni Gelai noh! (humarap kay Gelai) mag-almusal na tas maligo ta anong oras na!", utos ni Ghen
Kagigising lang ni Jeric, "Oi si tito Hans! Good Morning tito Hans!"
"Good Morning Jeric"
"Astig ng regalo mo kay tita Ghen ha! Sinubukan po namin hanggang gabi”
“Tito Hans..”, si Jeric
“Bakit Jeric?”
“Pwede po ba kaming sumama kay tita Ghen sa bahay po nyo sa sabado?”
“Oo naman. Bakit hindi?”
“Magpaalam muna kayo sa mama nyo!”, ani ni Ghen
“Nagpaalam na po kami kagabi. Pumayag na po si mama basta daw po may pasalubong pag-uwi namin”, sagot ni Gelai
Nagtimpla ng kape si Ghen at inabot kay Hans. Binuksan ni Ghen ang bintana.
“Ui astig ng kotse!”, sabi ni Jeric
“Tito Hans, sa inyo po yun?”, tanong ni Gelai
Tumango lang si Hans habang umiinom ng kape.
“Hatid nyo nga kami tito Hans hehehe!” pabirong sabi ni Jeric
“Oi anong oras na! maligo na nga kayong dalawa at pumasok na!”, utos ni Ghen
“Opo!”, sabay na sagot nila Gelai at Jeric
Habang naliligo ang dalawang bata…
“Baby, labas lang ako saglit ha, may tatawagan lang ako”, paalam ni Hans
“Sige”, sagot ni Ghen
Lumabas ng bahay si Hans at tinawagan si Mac
{Good Morning bossing!”}
“Good Morning Mac. Akyat mo naman dito ung Audi Q7 ngayon” –
{Yes boss! Yun lang po ba?”}
“Oh and bili ka pala ng iphone5. Dalawa.”
{Wala pong problema boss}
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Daughter (GxG) [Slow Update]
Romance"Buti pa si Galope, LOVE OF YOUR LIFE mo. Bakit ako wala?", nagtatampong tanong ni Hans kay Ghen habang nakahiga sila sa kama "Hindi naman importante yun di'ba? Bakit kailangan may label talaga?" "Kung sa'yo hindi importante, sa akin Oo", nagpout na...