Tiwala

277 11 1
                                    


**

Bukod sa pagmamahal,

Ang pinakaimportante sa isang relasyon ay ang tiwala ng inyong mahal.

Ito ang nagsisilbing pundasyon ng inyong wagas na pagmamahalan.


Tiwala? Isang bagay na hindi pwedeng mawala,

Lalo na sa isang relasyon na puro tamang hinala.

Sa isip na mapanlinlang at mga matang nagpapaniwala,

Kaya't puso ang pairalin upang relasyong iniingatan ay hindi mauwi sa wala.


Tiwala'y pakaingatan, gaya ng paghawak ng isang basong, tubig ang laman.

Dahil kapag ito'y nabasag, mawawalan ito ng puwang sa pusong labis na nasaktan.

Isa-isa't pira-pirasong bubog ang pupulutin,

Tiwala lang ay maibalik at muling maging akin.


Masakit man sa damdamin, mahirap man aminin, alam kong oras pa rin ang gugugulin.

Upang tiwala mo'y muling pausbungin.


Sakali mang maibalik, ang tiwalang nawala.

May lamat pa ring nagkukubli sa bawat hibla.

Upang ipaalala ang mapait na alala't sakit na nadarama.


Sa isang tiwalang nasira, isang relasyon ang napariwara.

InkdropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon