Nauso na naman yung malaking panyo na ginagawang fashion item. Minsan lang ginamit itong alternatibong scarf ni Vince Dela Cruz, pero singbilis ng kidlat ang naging panggagaya ng mga "followers" nito.
Napailing na lang ako ng makita ang kaibigan kong si Mariz, hawak ang isang Piattos at dalawang plastic ng softdrinks, nakasuot ito ng headband gamit ang - God forbid - isang panyo.
"Pati ba naman ikaw?" sabi ko pagkakuha ng isang softdrinks.
"Please don't judge me, Reins. Pwersahang nilagay to sa ulo ko," aniyang nakangiti.
"Ako pang niloko mo eh sigurado naman akong pag sinabi ni Vince na tumalon ka sa bangin, gagawin mo."
"Grabe ka! Hindi kaya," depensa nito.
"Pero, Reins."
"O?"
"Pag sinabi nga niyang tumalon ako, pipigilan mo ba ako para iligtas -"
"Bahala ka sa buhay mo." Sagot ko at kunwaring nagbuklat ng libro. Isang malakas na hampas sa braso ang natanggap ko.
"Aray naman!"
Nagtatawanan pa kami ng mahagilap na mata ko ang naglalakad sa labas ng room namin. I saw it fast but my friend's thinking was faster.
"Reins!" Impit na napatili si Mariz at saka mabilis na inubos ang softdrinks na iniinom. Agad na tumakbo ito palabas para itapon ang plastic. Sakto namang nakatingin sa kanan ang "target" nito at hindi napansin na may tumatakbong "babanga" sa kanya. Boom. What a charming performance. I should really stick to Mariz because her acting skills might get her famous someday.
Ikinagulat man ni Vince, nakaalalay agad ang kamay nito sa braso ng sira-ulo kong kaibigan. Hindi ko marinig mula sa kinauupuan ko ang sinasabi niya. Tinatanong siguro kung nasaktan ang kaibigan ko at humihingi ng tawad na parang bida sa pelikula. Poor guy. Wala siyang kamalay-malay. Between him and my friend, he's technically the victim.
Pagkabalik ni Mariz sa upuan, abot-langit ang ngiti nito.
"Kalimutan mo na ang pangarap mong maging Stewardess, mag-artista ka na lang." sabi ko at saka pabirong hinila ang buhok nito ng hindi ako pansinin at patuloy ang pag-ngiti na parang baliw.
Natawa na lang ako ng marealize nitong hila ko pa rin ang buhok niya at napa-aray na ito. Nakaramdam din ang bruha.
Pagdating ko sa bahay, nilapag ko agad ang bag sa sofa at dumiretso sa kwarto. I grabbed The Book, a pencil and sat on on the floor, using my bed as a table. Then, I tried to remember what happened earlier.
Sa kabila ng kaguluhan na dulot ng kaibigan ko, tahimik lang siyang naghihintay sa tabi. From where I was sitting, I saw how he stepped back from the crowd and stood opposite the wall. His name is Andrei Javier. Bestfriend ng lalaking pantasya ng mga kababaihan. To some, he may just be the infamous "sidekick" of the guy they considered as the handsomest on earth. Or in school, actually. But to me, he's more than two Vince Dela Cruz combined.
'Today, I saw him walked past our room...' I started to write.
Hindi tulad ng kaibigan ko, wala akong lakas ng loob na gumawa ng paraan para mapansin ng lalaking gusto ko. Everytime I see him, I write it down on this thick notebook I named The Book. Singkapal kasi ito ng libro. Ang laman nito ay bawat pagkakataon na makikita ko si Andrei. Weird as it may sound but I enjoyed writing about him. Even if the story doesn't include me.
Parang yung kanila lang.