no. 1 Bully

160 6 0
                                    

Lim's POV:

"Nakakatawa naman ung Dani na un." sabi ni Ken.

"Anong nakakatuwa sa babaeng un? Nakakainis kaya. Hindi na nga marunong magsorry, sinasagot sagot pa ko." Umupo ako sa tambayan namin sa gazebo. Kumpleto kaming tatlo.

"Oo nga eh. Siya pa lang sa lahat ng babaeng nabully mo ang sumagot sayo ng ganun. Astig sya ha." sabi ni Ken.

Tumingin ako ng masama kay Ken. Masasapok ko to eh! 

"Anong astig dun? Hindi nya ba ako kilala para sagut-sagutin nya ako?" inis na sabi ko

"Tsaka feeling ko may crush sayo un. Hahaha! Pretty naman sya actually. Nerd nga lang at mahirap." 

"Ewan ko sayo. Edi sayo na sya. Nagagandahan ka pala sa kanya eh."

"Dude naman, hindi sya ung tipo ko. Sa mga cute lang ako pumapatol. Ung kambal mo na lang, cute naman un."

"Ulol! Trip mo pa ang kapatid ko ha!"

Hinabol ko sya paikot ng gazebo.

"Para kayong mga bata. Kumain na nga kayo dito. Eto, tuna sandwich oh." sabi ni Lance. 

Nagpaunahan kaming bumalik sa gazebo para makakuha ng pagkain. Ang sarap talagang gumawa ng sandwich ni Lance. 

Napansin kong biglang tumayo si Lance sa likod ng gazebo.

"Lumabas ka na jan." sabi ni Lance

Lahat kami ay lumapit sa kinatatayuan ni Lance. May babaeng lumabas sa makapal na halaman. Si Jen, ang isa sa writer sa school paper namin. May hawak syang notebook at ballpen at may nakasabit na dslr sa leeg nya. Malamang may ilalagay na naman sya sa blog nya about samin. Lagi namang ganun.

Saming apat, si Lance ang may pinakamalakas na senses. Siguro dahil sa pagiging tahimik nya. Lagi nyang nahuhuli si Jen pag pasikreto syang nakikinig samin. 

Pinagpag nya ang damit at buhok nya na may mga dahong nakasiksik at masayang pumasok sa gazebo namin. 

"So totoo pala ang narinig ko kanina sa clinic at kanina lang..."

"Nasa clinic ka kanina?" gulat na tanong ni Ken

"..gusto ka ni Dani na nerd ng school natin at nakabangaan mo sa school kahapon. Sa pagkakaalam ko, siya ang kaunahang babaeng sumagot sayo ng ganun... " dugtong ni Jen na hindi pinansin si Ken.

The Bully Likes Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon