Kim's POV
Nagising ako dahil sa liwanag ng sikat ng araw kaya bumangon na ako para maligo pagkatapos kong maligo dumeretso na ako sa kusina para magluto
"Meow" sabi ng pusa ko
"Goodmorning milky gutom ka na ba sandali lang magluluto lang ako ng almusal ko" sabi ko
"Meow" sagot niya weird? Nah! Ganito kami araw araw ako lang naman magisa sa buhay dahil wala na ang mga magulang ko 7 years old pa lang ako sad? Nah! Nasanay na ako at first yes! nakakalungkot pero now ok na ako 9 years narin simula nung nangyari yun kaya ok na ako.
"Milky! Here's your milk aalis na ako dito ka lang ok babalik ako mamaya bye" sabi ko at umalis na ako naglagay ako ng earphone habang naghihintay ng tren
-Time skip-
Andito na ako sa school habang naglalakad ako bigla akong binangga ng isang lalaking nakikipagkwentuhan
'Tsk. Hindi kasi tumitingin sa daan' sabi ko sa isip ko
"Sorry miss" sabi niya sinamaan ko siya ng tingin at umalis na ako at bumalik sa classroom
Blake's POV
Nakatulala lang ako dahil siya pa lang ang babaeng nakita kong ganun umasta
"Sino siya" tanong ko habang nakatulala
"Siya si Kim Staad kaklase ko siya kahit isang beses wala pang nakakarinig na magsalita yan" sabi niya tumango tango na lang ako
"Blakeee" sigaw ni Elisa
"Elisaaa" sigaw naman nitong katabi ko kaso nilagpasan siya at sakin dumeretso
"Kamusta? Karaoke tayo mamaya"
"Nako! Elisa sorry may lakad pa kasi ako ngayon"
"Ok lang pero ipangako mo na babawi ka ha"
"Sure"
"Sige una na ako" sabi niya at umalis na
"Ang ganda talaga ni elisa lalo na kapag ngumingiti siya" sabi niya habang nagdedaydream
"Ang sabihin mo hindi lang un ang gusto mo sa kanya pati–"
"Shush shush tigil tigilan mo ko blake mali ka ng iniisip" sabi niya kaya natawa na lang ako at dumeretso sa room ko
"Sige maya na lang ulit Kevin"
-Time skip-
Recess namin at kakatapos lang namin ni kevin kumain nasa may hagdan kami ngayon pabalik ng room
"Hi blake" sabi ng mga babae "may lakad ka ba mamaya tara karaoke tayo" sabi ng mga babae
"Sorry girls may lakad ako mamaya ee sa susunod na lang" sabi ko
"Ok!" Sabi nila at nagkwento ng kung anu ano hinanap ko si Kevin at nakita ko siya sa likod ng isang babae at parang may masamang balak
"Kevin" sigaw ko at pumunta sa kanya
"Sorry Staad" sabi ni Kevin ng bigla niya akong sipain buti nakailag ako kaso nawalan ako ng balanse kaya nahulog ako sa hagdan
"Sorry! Puro kayo sorry tapos uulitin niyo lang din naman kung gusto mo lang ng pagtritripan maghanap ka ng iba wag ako!!" Sigaw niya at umalis na siya
Napatulala ako sa kanya. Narinig kong nagtatanong ung iba kung ok lang ako pati si Kevin tinatanong ako pero tumawa lang ako
"Pre tumama din ba ung ulo mo?" Tanong ni Kevin tumawa lang ako