Kakagising ko lang sa kwarto ko ng 9:42 AM at nagising ako dahil sa aso kong maingay na tumatahol sa labas.
Naligo ako pakatapos kong kumain ng Hotdog at Itlog.
Habang bumibihis ako may babaeng napaka-haba at napakaitim ng buhok na naka-tingin sa bintana ko habang mukhang galit na galit.
Pakatapos kong bumihis lumabas nako ng bahay para tignan ang bagong lipat na mag-inang Nagngangalang France at Ericka.
Pumasok ako sa gate nila at tinulungan ko si Tita France na magbuhat ng mga gamit. "Napaka-matulungin mo namang bata ka." sabi ni Tita. At nakita ko si Ericka na tumakbo pataas nung nakita niyang nag-uusap kami ng nanay niya. "Pag pasensyahan mo na ang anak ko, ganyan talaga yan. Pero mabait naman yan." Sabi ni tita.
Tinanong ko naman kung ilang edad na si Ericka at sinabi niyang 14. Nagulat ako kase akala ko mga 18 na kase nga matured na yung mukha pero magka-edad pala kami.
Nakita ako ng mga kapitbahay kong tumutulong kila Tita France at napansin kong ang sasama ng tingin nila saamin.
Tinanong ko si Aling Perla kung bakit ang sama ng tingin nila saamin. "Kase sabi-sabi sa kabilang bayan eh mga demonyo at aswang daw yung mag-inang yan. Kaya naku Stan! Lumayo ka na jan." sabi ni Aling Perla.
Hindi naman ako kinilabutan kase mabait naman si Tita France at palagi namang mali yung nasasagap niyang chismis.
At 11:30 na noon kaya umuwi na muna ako, bago ako umuwi nakita ko si Ericka na nakatingin pala saamin the whole time kaya syempre nagulat ako.
Pag-tingin ko sa ref namin ay wala pala akong pagkain kaya umalis na muna ako at bumili ng pagkain.
"Stan, tirik na tirik ang araw ah saan lakad mo?" Sinabi ni Tita. "Ah bibili po sana ako ng pang-lunch ko eh kase nakalimutan kong bumili kanina" sabi ko. Tapos inimbita niya ako sa bahay niya para mag-lunch.
Nakita ko si Ericka mukhang takot na takot na may halong galit sa mukha nung umupo nako.
At pagtingin ko sa pagkain namin ay parang exotic na pagkain. "Espesyal yan sa barrio namin doon; Dinuguang Palaka" sabi ni tita.
Ayokong kumain nun! Yuck! Mukhang hilaw pa nga ng konte yung dugo eh. Kaya nag palusot akong naubos na ang pagkain ng aso ko kaya mabilisan akong umalis.
Gamit ang aking peripheral sight nakita kong tumawa pero walang tunog si Ericka.
10 HOURS LATER
Gabing-gabi na nun pero hindi parin ako maka-tulog. Yung bintana pa kase ng kwarto ko kaharap lang din ng bintana ng kwarto ni Ericka at mas masaklap ay ang kama ko kaharap yung bintana.
Isasarado ko na sana yung bintana kase ang lamig lamig ng hangin.
Tapos pag-tingin ko sa bintana nagulat ako! Dahil pag-tingin ko nakita ko si Ericka na naka-titig sa bintana at humahagulhol! Tumayo ang balahibo ko sa takot! Kase yung mata niya magang-maga.
Tinanong ko "Ericka, anung problema mo?" Tapos wala siyang sinabi kundi mas nilakasan niya hagulhol niya.
Sinarado ko na yung bintana at tumakbo ako papunta sa kama ko at bigla kong pinulupot yung kumot ko sa katawan ko.
Nakatulog din ako.
BINABASA MO ANG
Ang Demonyo sa Bintana
TerrorBABALA Para lamang ito sa mga mahilig sa mga nakakatakot na kwento. Mas maganda kung bago kayo matulog magbasa nito. SHORT STORY po ito. Cast Stan - autobiographer Ericka France - nanay ni Ericka Hannah and Joyce - artists Earl, Celine and Debbie...