Para kay Idol
Ngiti mong kay ganda
Kitang-kita ng madla
Chinito mong mata
Ay sadyang kaaya-ayaGaling sa pagsayaw
Talagang hataw kung hataw
Kaya naman tao'y napapahiyaw
Sa iyong bawat paggalawIka'y iniidolo ng marami
Babae man o lalaki
Iisa ang minimithi
Yun ay ang makita ka kahit sandaliOh kay laki talaga ng agwat natin
Kaya nga imposibleng ako'y mapansin mo rin
Dahil isa kang bituin
Na kay hirap kamtinPag-ibig ko'y sayo
Hinding-hindi iyon magbabago
Maari lang itong lumago
Ngunit hinding-hindi ito maglalaho.Ni hindi mo nga alam ang ngalan ko
Baka hindi mo nga alam na mayroong "ako" sa mundo
Sapagkat sino nga lang ba ako
Ako'y di hamak lang na tagahanga mo.
BINABASA MO ANG
Para Kay Idol (Maikling Tula)
PoesíaIsang tula para sa asawa kong mahal na mahal ko... si OH SEHUN 옿 세훈