A/n: di ko na po na edit sa antok.
*******************************
AUBREE'S POV::
Gaya nga ng nasabi ni Vienna ay nagkanya-kanya muna kami. Kung ano man yung nararamdaman ko kay Geela na hindi ko man din alam kung ano, ay inasam kong huwag na nga kami sanang magkita muli.
Nandito ako sa JLC cafe, not hoping na makita ko siya. I am just here dahil maganda ang ambiance. Dala ko ang laptop ko at pilit bumubuo ng istorya para sa last chance ko sa part time job kong pag-susulat. Sayang din kasi kung makapasa ang isusulat ko.
"This is a trash Aubree," nananariwa pa sa tainga ko kung paano iyon padismayang sinabi ng editor ko.
"Ano'ng nangyare? Ikaw ang isa sa magaling kong writer dati?"
"Pagod lang po Ma'm."
"Ang daming nakapila ko pang babasahin pero dahil ikaw 'yan, inuuna kong basahin ang gawa mo. So, I am giving you last chance Aubree. Last chance util next month."Dumausdos ako sa upuan ko at walang pakialam na sumandal sa couch na parang tamad na tamad.
Pumikit ako saglit at narinig ko naman sa isang bahagi ng isip ko sa sinabi ni Vienna na dati na kulang ako sa inspirasyon.Paano ba kasi ang magmahal? Yung istorya ko naman na pinasa noon ay base sa true story lang ng pinsan ko. Sinunod ko lang sa takbo ng lovelife niya ang sinulat ko. Isang buwan? Paano ko matatapos ang isang buwan na may eighteen chapters with 1500 words each? Tsk.
Wala man lang ako pangtubos ng kotse ko sa casa. Naubos na yung allowance na binigay ko sa kapatid ko, tuition time na naman. I deeply sighed and opened my eyes. Laking gulat ko ng mabungaran ko ang magandang mukha ni Geela. Nakaupo na sa couch sa harap ko. Napabalikwas ako biglang napaayos ng upo.
"Uy! Gee! A-ano'ng ginagawa mo rito?"
"Dito ako nagta-trabaho," sagot niya at nabasa kong nagtataka rin siya bakit ako andito.
"Ay! Oo nga pala, p-pero sabi ni Vienna ay nasa Maynila ka raw?"
"Yah! Bumalik lang ako kahapon. Biglaan pero you know, baka magtagal ako rito."
"B-bakit?" Ano ba 'yan! Bakit ba ako nauutal? Iba talaga epekto ng babaeng 'to. Ang puso ko, umaarangkada na naman sa pagtibok."Balak kasi mag expand nina Ma'm Cissy at Janna sa bandang North ng Legazpi. Kaya ako muna ang magiging over all assitant dito."
Hindi ko alam kung napansin niyang lumiwanag ang mukha ko sa nalaman ko. Hay! Ano ba ito?
"Aaaaa...Start ka na ba?"
"Lunes ngayon, sa isang lunes pa. Dumaan lang ako dito para kunin ang ilang manual sa opisina. O nga pala, hiring kami, gusto mo?"Biglang nag echo naman nag sinabi ni Cielo. "Maghanap ka na kasi ng regular na trabaho."
Walang isip isip ay napa "Sige!" ako.
"Good, sa marketing ang open namin. Pero kung ayaw mo, puwede ka rin namang mascot."
"Mascot?!!!"
"Oo, may tasa sa tuktok ng ulo tas magiging usherette sa pinto."
"Seryoso?!"
"Joke lang!"
"Meryusep ka Geela! Kala ko totoo!"
"Ang seryoso mo kasi! Ano ba'ng ginagawa mo rito?"Sinara ko ng marahan ang laptop ko. "Wala, nag-e-FB lang." Ayokong malaman niya na nagsusulat ako. Dahil alam kong hindi ordinaryo at parang mababa lang ang pagsusulat. Baka macornihan siya. Kailangan ko ng umalis bago pa ako mabuwal sa presensiya nya.
BINABASA MO ANG
Cie-Ree-Na (Gxg Completed)
RomanceGxg - Completed March 2015 ~ Aug.15, 2016 Highest Ranking: No.1 girlxgirl July 2018 Three friends with different shares in LOVE Ito ay kuwento ng tatlong magkakaibigan na hindi nila inaasahan na pare~parehong iibig sa kapwa babae. Iba~ibang pagkakat...