He Likes You

148 2 4
                                    

^_______^

ngiting wagi kapag nakikita ko siya

feeling winner pagnakasalubong ko siya

haist nakabaliw nga naman kung minsan

di pa niya ako kilala pero ako ang dami ko nang alam sa kanya

bakit ba nakukumpleto mo ang araw ko sa tuwing nakikita kita?

tila gusto kong pahintuin ang oras pagnakakasalubong ka

hindi mo man ako kilala pero ewan ko ba gusto kita

yung mga ngiti mo na nagpapakilig sa puso ko ay inaangkin ko na para sa akin talaga

bakit ba ganito yung nararamdaman ko para sayo?

gustong gusto ko mapalapit sayo

may kaibigan ka naman na kakilala ko

pero para akong baliw na nahihiya sa tuwing ipapakilala na niya ako sayo

lumipas ang mga araw, buwan at sa tingin ko handa na ako

ready na pati magiging speech ko pagnagkaharap tayo

ilang oras na lang ipakikilala na ako sayo

pero parang may butterflies sa stomach ko na paikot-ikot

sabi ng kaibigan ko na bestfriend mo mukhang kinakabahan daw ako

sabi ko naman hindi ah kinikilig kaya ako ^_____^

at ng makita kita na unti-unting palapit sa amin

niyakap mo agad yung kaibigan ko at biglang nawala ang ngiti ko

pasimpleng kurot ako sa kanya para ipakilala na ako sayo

tsaka mo lang napansin ang presensya ko

kinamayan mo ako ng ipakilala niya ako sayo 

ako naman parang natutulala sa kagwapuhan mo

binasag ng kaibagan ko ang pagkatulala ko sayo

yumakap siyang muli sayo at ganun din ang naging pagtugon mo

para namang akong tanga na nakatitig lang sa inyo

at naglambingan pa talaga kaya na parang wala ako sa tapat niyo

hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil alam mo na ang pangalan ko

parang nadismaya at nalulungkot ako sa nakikita ko

hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nagpaalam

ang awkward kasi na kasama ko sila pero parang baliwala lang ako

gusto ko pa sana sila makasama lalu na siya

kaya lang parang OP naman ako dahil ang sweet nila

ewan ko ba bakit nakakaramdam ako ng selos

nakakainis na ganun pa ang eksena ng pagpapakilala sa akin

ang epic diba?

sweet sila sa harap ko

alam naman ng kaibigan ko na gusto ko yun?

paselos?

ako naman UMAASA?

kahit wala namang pag-asa

kainis >________________<

.

talong araw di ako nagpakita sa kaibigan ko

sa tatlong araw na yun nababalitaan ko na lagi na silang magkasama

oo nga pala nakalimutan ko bestfriend pala sila

asa naman ako na ilakad ako ng kaibigan ko sa bestfriend niya

hapon na ng maisipan kong umalis at  pumunta sa paborito kong tambayan

nagulat pa ako ng makita ko silang dalawa

aalis na sana ako para umiwas kahit wala naman dapat iwasan

pero ewan ko ba at biglang lumapit pa ako sa kinaroroonan nila

napansin nila ako at mukhang nagulat pa

namumula ang kaibigan ko at nakatingin na sa akin ng masama

tinuro niya ako at sinabing "siya ba?"

medyo pasigaw yun pero nagtataka na lang ako

nilapitan ako ng kaibigan ko at mukhang galit sa akin

tinanong ko sya kung anong nangyari

at umiwas na lang ng tingin ang lalaking gusto ko

nagtataka ako sa nangyayari ngayon

hinawakan ko ang kamay ng kaibigan ko

ngunit hinawi niya lang ito

sabay sabi sa akin "Ano? masaya ka na!"

"He likes you kahit ako ang nauna" 

pagkatapos niyang sabihin yun umalis na siya

at hinabol naman siya ng bestfriend niya

naiwan akong tulala at mag-isa

kasalanan ko pa ba na magkagusto sa akin ang taong gusto ko?

halos umiwas nga ako dahil nagseselos ako sa closeness nila

pero bakit ganun? hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko

matutuwa ba ako sa nalaman ko?

parang ang hirap naman magpakasaya lalu na at nasaktan ang kaibigan ko

pero ano bang magagawa hindi ko naman kasalanan yun.

...............FIN..............

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Likes YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon